Actor, bad influence sa kanyang gf na actress
July 31, 2004 | 12:00am
Bad influence pala ang boyfriend na actor ng actress. As in, ang actor daw ang nagturo sa gf na actress na tumikim ng ecstasy. Kaya naman daw pala ganoon na lang ka-serious ang relationship nila dahil aside from the fact na very much in love sila with each other eh pareho silang nagi-E.
Very reliable ang source na nagkuwento tungkol sa pagkahumaling sa E ng actress na kilala nyo dahil sa influence sa bf.
Kung ang ABS-CBN ay kinuha si Lino Cayetano, iba naman ang policy ngayon ng GMA 7. Never na silang tatanggap ng director na galing ng ABS-CBN. Na-trauma na sila sa nangyari kay Erick Salud na kinailangan pa nilang padalhan ng sulat galing sa kanilang legal department para lang isoli ang script ng latest fantaserye nilang Mulawin. Ayon kay Ms. Redgie Magno, hindi raw kasi agad ibinigay ni Erick ang script after nitong mag-decide na bumalik sa ABS-CBN na hindi personal na nagpapaalam sa kanila. After daw ng series of production meetings, brain storming, etc., nagpaalam na lang ito all of a sudden thru a letter.
Feeling nila, napaka-unprofessional ni Erick para gawin yun.
Dahil sa ginawa ni Erick Salud, nag-revised sila ng script ng Mulawin na naka-schedule nang mapanood starting Monday, August 2.
Anyway, masuwerte ngang mako-consider si Richard Gutierrez dahil sa dinami-rami ng mga young actor, siya ang napili ng GMA na gumanap na Mulawin. Ayon pa kay Ms. Redgie, ideal si Richard for the role. "May following na siya at talagang inaalagaan siya ng GMA," say ni Ms. Redgie.
Intended for one season lang ang Mulawin pero kung very positive ang feedback, magi-extend sila. "Marami pa kaming gustong gawin. Parang hindi kasya ang one season sa script namin," Ms. Redgie added.
Ito na ang pinaka-biggest project ng GMA so far. As in ilang milyones ang ginastos nila. Sa pakpak pa lang, P150,000 ang cost para sa mga supporting roles. At everytime na may animation sila, P50,000 ang gastos nila.
Ang Mulawin ay tinaguriang pinakaunang "tele-fantaserye" na ginamitan nila ng makabagong teknolohiya ng "computer generated images" kung saan animoy tunay na taong ibon ang mga karakter dahil sa makatotohanang pakpak na pumapagaspas sa kanilang likuran.
Isa itong makasaysayang kuwento ng wagas na pag-ibig at ang tunay na determinasyon tungo sa tagumpay. Tungkol ito sa mga taong lawin, ang mga Mulawin, at ang patuloy nilang pagtatanggol sa mundo ng mga mortal laban sa mga Ravena, o mga grupo ng mga Mulawin na tumiwalag para lipulin ang sangkatauhan.
Tampok din dito ang mga naglalakihang artista tulad nina Gary Estrada bilang Rasmus, ang tusong pinuno ng mga Ravena; Dennis Trillo bilang Gabriel, ang nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng mga Montenegro at ang lalaking mortal na iibig ng tapat kay Alwina; Eddie Gutierrez bilang Dakila, ang matandang tagapagpayo ng mga Mulawin; Romnick Sarmienta bilang Habagat, ang kapatid ni Bagwis na traydor sa kanilang lahi; Amy Austria bilang Lourdes, ang kaibigan ni Veronica na kinagisnang ina ni Alwin; at Karen Delos Reyes, ang sakim na social climber na karibal ni Alwina sa lahat ng bagay.
Katatapos pa lang ng eleksiyon at kakaupo pa lang ng mga na-elect na bagong halal na supposedly ay magiging gabay natin para sa maayos na kinabukasan nating lahat. Pero ano itong kuwento ng isang friend ko na nagpa-power trip agad ang kamag-anak ng isang elected official. Aba, akala mo raw kung sino na kung kumilos ang kapatid ng nasabing elected official. Talo pa raw ang kapatid niyang nanalo sa election.
Well, baka hindi alam ng kapatid niya ang ginagawa ng kanyang kapatid. Baka ito pa ang makasira sa kanya ha!
Isa sa mga nag-stand out sa press presentation ng Circle of 10 si Kristel "Raine" Imperial Cabral. Sa dinami-rami kasi ng girls na rumampa, siya ang napansin ng karamihan dahil makikita sa kanyang physical appearance na alam mong aside from her beauty, matalino rin siya as in masasabing combination of beauty and brain.
Later nalaman na combination ng Filipino, Chinese, Spanish and German ang nanalaytay sa dugo ni Raine.
At hindi lang pala siya basta matalino, her intelligence quotient was already 180 when she was still in Grade 6. Thanks to her parents Atty. Roland Cabral and her mom Marian Francia Imperial Cabral.
Junior International Studies student (major in International Politics) sa Miriam College. Consistent scholar and currently No. 2 Deans lister.
Naka-schedule din siyang i-represent ang Philippines in the Model United Nations Far East in Russia and Model United Nations Far West sa San Francisco. "The countrys delegate will be composed of students and I have been selected to be the leader of the group," Raine said.
Pagkatapos ng nasabing international students congress, magiging representative naman siya sa Harvard Project sa Asian International Relations.
Very reliable ang source na nagkuwento tungkol sa pagkahumaling sa E ng actress na kilala nyo dahil sa influence sa bf.
Feeling nila, napaka-unprofessional ni Erick para gawin yun.
Dahil sa ginawa ni Erick Salud, nag-revised sila ng script ng Mulawin na naka-schedule nang mapanood starting Monday, August 2.
Anyway, masuwerte ngang mako-consider si Richard Gutierrez dahil sa dinami-rami ng mga young actor, siya ang napili ng GMA na gumanap na Mulawin. Ayon pa kay Ms. Redgie, ideal si Richard for the role. "May following na siya at talagang inaalagaan siya ng GMA," say ni Ms. Redgie.
Intended for one season lang ang Mulawin pero kung very positive ang feedback, magi-extend sila. "Marami pa kaming gustong gawin. Parang hindi kasya ang one season sa script namin," Ms. Redgie added.
Ito na ang pinaka-biggest project ng GMA so far. As in ilang milyones ang ginastos nila. Sa pakpak pa lang, P150,000 ang cost para sa mga supporting roles. At everytime na may animation sila, P50,000 ang gastos nila.
Ang Mulawin ay tinaguriang pinakaunang "tele-fantaserye" na ginamitan nila ng makabagong teknolohiya ng "computer generated images" kung saan animoy tunay na taong ibon ang mga karakter dahil sa makatotohanang pakpak na pumapagaspas sa kanilang likuran.
Isa itong makasaysayang kuwento ng wagas na pag-ibig at ang tunay na determinasyon tungo sa tagumpay. Tungkol ito sa mga taong lawin, ang mga Mulawin, at ang patuloy nilang pagtatanggol sa mundo ng mga mortal laban sa mga Ravena, o mga grupo ng mga Mulawin na tumiwalag para lipulin ang sangkatauhan.
Tampok din dito ang mga naglalakihang artista tulad nina Gary Estrada bilang Rasmus, ang tusong pinuno ng mga Ravena; Dennis Trillo bilang Gabriel, ang nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng mga Montenegro at ang lalaking mortal na iibig ng tapat kay Alwina; Eddie Gutierrez bilang Dakila, ang matandang tagapagpayo ng mga Mulawin; Romnick Sarmienta bilang Habagat, ang kapatid ni Bagwis na traydor sa kanilang lahi; Amy Austria bilang Lourdes, ang kaibigan ni Veronica na kinagisnang ina ni Alwin; at Karen Delos Reyes, ang sakim na social climber na karibal ni Alwina sa lahat ng bagay.
Well, baka hindi alam ng kapatid niya ang ginagawa ng kanyang kapatid. Baka ito pa ang makasira sa kanya ha!
Later nalaman na combination ng Filipino, Chinese, Spanish and German ang nanalaytay sa dugo ni Raine.
At hindi lang pala siya basta matalino, her intelligence quotient was already 180 when she was still in Grade 6. Thanks to her parents Atty. Roland Cabral and her mom Marian Francia Imperial Cabral.
Junior International Studies student (major in International Politics) sa Miriam College. Consistent scholar and currently No. 2 Deans lister.
Naka-schedule din siyang i-represent ang Philippines in the Model United Nations Far East in Russia and Model United Nations Far West sa San Francisco. "The countrys delegate will be composed of students and I have been selected to be the leader of the group," Raine said.
Pagkatapos ng nasabing international students congress, magiging representative naman siya sa Harvard Project sa Asian International Relations.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended