^

PSN Showbiz

Malaki na ang tiyan pero ayaw pa rin ipakaksal ng magulang

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nananahimik ngayon ang young actress sa isang lalawigan sa Norte na nagdadalantao courtesy ng isang non-showbiz guy na boyfriend nito.

Ngayon ay malaki na ang tiyan nito at maligaya naman dahil sa halip na ipa-abort ang baby ay mamahalin niya ang sanggol. Wala pa ring kasalang magaganap dahil hindi boto ang magulang ng young actress sa nakabuntis sa kanilang anak. Feeling nila ay hindi rin kayang buhayin ng nobyo ang aktres. Mabuti na lang at matatag ang kabuhayan at may trabaho ang magulang ng aktres kaya kahit pahinga muna ito sa pelikula ay may sumusuporta naman sa kanyang pangangailangan.
Kris, Walang Time Kay Josh
Napasyal kami sa The Buzz kasama ang mga balikbayan kong kamag-anak na gustong makita nang personal si Kris Aquino.

Ayon sa aktres, super busy siya ngayon sa taping ng Hiram at minsan ay pasikat na ang araw kung siya’y dumating ng bahay. Matutulog lang ito sandali at dumidiretso na sa Good Morning Kris. Nawawalan na nga ito ng panahon kay Josh.

Dapat ay nagsisimula na ng syuting ng Que Sera, Sera si Kris pero humingi pa ito ng dalawang linggong palugit. Nasigawan nga siya ni Mother Lily nang minsang tawagan niya ito kung saan nasa kalagitnaan pa naman siya ng taping ng Hiram. "Tapos ay nagpadala pa ng message si Direk Joel Lamangan branding me as unprofessional. Sabi ko nga kay Deo (Edrinal) ay plantsahing mabuti ang aking schedule para makapagsimula na ako ng syuting," anang TV host-actress.

Sa kabilang banda, tinanong din namin si Kris tungkol sa isyung ipinatatanggal niya ang Final Four ng StarStruck na kasama niya sa movie.

"Never in my life na naging powertripper ako kahit may problema ako ngayon sa Channel 7. Kung gusto ni Mother Lily na makasama ko sila sa movie ay gusto ko na rin sila. Bakit ko naman sila idadamay sa problema ko sa Siyete?" paliwanag pa nito.
Angel, Richard, Bagay Na Pareha
Noon pa pala gustong itambal si Angel Locsin kay Richard Gutierrez.

Ngayon finally ay magkatambal ang dalawa sa Mulawin at Sigaw ng Regal Entertainment. Sila ngayon ang gino-groom bilang magka-loveteam.

May balitang nagkahiwalay na sina Richard at Anne Curtis kaya hindi kaya posibleng ligawan ng gwapong aktor si Angel? Alam namin na isa ang actress sa mga crush ni Richard.
Madali Ang Trabaho Sa TV
Swerte ang mga artista natin ngayon lalo na kapag lumalabas sa telebisyon dahil spoonfeeding ang nangyayari kapag sila’y nagho-host o kumakanta. Ang kanilang sasabihin ay nakasulat sa idiot board o kaya’y lumalabas ang lyrics na aawitin o sasabihin sa TV monitor.

Hindi na nila kailangang mag-memorize o hindi na sila pwedeng magkamali. Kaya lang, iba pa rin kapag alam na alam mo ang iyong sasabihin dahil spontaneous ang dating.
Mark, In-Love Talaga Kay Jennylyn
Talagang seryoso sa kanyang panliligaw si Mark Herras kay Jennylyn Mercado. Katunayan, nagpatulong pa kay Chynna Ortaleza si Mark para ibili ng regalo ang aktres. Isang kwintas at singsing ang binili nila. Ipinasuot niya ito sa aktres pero hindi ito nangangahulugan na handa na siyang sagutin ni Jen.

Ngayon ay laging suot ni Jen ang regalo ni Mark.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

BAGAY NA PAREHA

CENTER

CHYNNA ORTALEZA

DIREK JOEL LAMANGAN

MOTHER LILY

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with