Ang bagong Sunshine of Love ni Sandara
July 26, 2004 | 12:00am
Nagsimula na noong Hulyo 19, 4:00-4:30 ng hapon ang panibagong handog ng Sandaras Romance na Sunshine of Love, isang Korean drama na siguradong magpapakilig ng inyong araw. Ang Sunshine of Love ay isang breakthrough drama, kung saan tinatanghal ang Korean superstar na si Song Hyae Gyo.
Sa kwento, si Anna (Song Hyae Gyo) ay isang dalagang determinadong umangat sa kanilang buhay. Sa pamimilit ng mga loan sharks na bayaran niya ang malaking utang ng kanyang sugalerong stepfather at gastusin sa bahay, desperado siyang kumita ng pera upang suportahan ang sarili at ang kapatid niyang babae na may malubhang sakit.
Si Joshua (Hyun-jae Cho) ay isang binatilyo at mayamang French citizen na bumalik sa Korea upang itigil ang kanyang iniibig sa pagpapakasal. Ang kapatid naman niyang lalaki, desididong ibalik si Joshua sa kanyang mga magulang sa France upang makipagbati sa kanilang ama. Samantalang si Benjo (Song-bum Ryu) naman ang matalik na kaibigan ni Anna na may lihim na pagmamahal sa kanya. Ngunit kuya lang ang tingin ni Anna dito. Nagpalipat siya mula sa isang mataas na officer sa crime department sa pagiging isang traffic aide para lang mapalapit kay Anna.
Nag-iba ang daloy ng kwento nang mahulog si Joshua sa riles ng tren sa pagtangka niyang tumakas, nang sagipin niya si Anna at patuluyin sa kanyang bahay. Nauwi sa matinding pagselos si Benjo, at si Anna naman ay naipit sa gitna ng magulong love triangle na ito, dagdag pa sa mga kanyang problema sa buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended