Donna, di interesado sa MTRCB
July 26, 2004 | 12:00am
Mariing itinanggi ng actress-producer na si Donna Villa ang kuryenteng balita na siya na ang bagong upong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
"Walang ganung offer sa akin," ani Donna. "Maski na siguro meron ay tatanggihan ko pa rin dahil mas gusto kong i-devote ang oras ko sa aking pamilya lalo nat nasa formative years na ang mga anak ko at mas kailangan nila ngayon ang personal attention ko!"
Marahil ay nag-speculate lang ang mga tao dahil sa tumulong siya sa kampanya para kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ganito rin ang nangyari kay Nora Aunor na nabalita namang binigyan ng cabinet post dahil lang sa sumama ito sa kampanya ni GMA.
Ang kuryenteng balitang ito ay lumutang halos kasabay ng pagbabatikos kay MTRCB Chair Consoliza Laguardia ng mga board members na diumanoy interesado rin sa posisyon niya.
"Baka tuloy sabihin ng mga tao ako ang may pakana sa paninira kay Laguardia dahil interesado rin ako!" patapos na salita ni Donna. DA

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended