^

PSN Showbiz

Actress na nanganak sa States, desperadong magbalik sa showbiz

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naikwento ng isang source na nagbalik na ng Pilipinas ang sikat na aktres na naging recording artist din matapos magsilang sa Amerika. Nang umalis ito ng bansa ay nag-expire na rin ang kanyang kontrata sa isang malaking recording company.

Ngayong narito na ang actress-singer at gusto uling magbalik-showbiz. Magkakaroon ito ng show kaya lang, hindi na sa malaking venue kundi sa isang bar na lang. Mahirap din kasi kapag walang recording company na mangangalaga sa career o kaya’y isang manager na maghahanap ng malalaking booking para sa kanya. May ibubuga naman sa pag-awit ang actress-singer kung saan lagi itong nagso-show noon sa abroad.
Tanggap Ni Kristine Ang Anak Ni Diet
Naniniwala si Diether Ocampo na walang masama kung inamin man niyang totoo ngang may anak siya sa pagkabinata na bininyagan noong June 13.

Ayon sa aktor, hindi naman niya ito pwedeng ipagkaila dahil magkamukha sila ng bata. Para nga raw silang pinagbiyak na bunga.

Ano naman ang naging reaksyon ni Kristine na girlfriend ni Diet sa pagkakaroon nito ng anak?

Sinabi ng aktor na noong unang ipagtapat niya ang tungkol sa anak ay nagulat ito pero, natanggap din na may responsibilidad siya na dapat tuparin para sa magandang kinabukasan ng anak.
Allen, Nagbihis Babae
Malaki ang nagawa ng pagiging myembro ng Viva Hotmen ni Allen Dizon. Ratsada ngayon ang kanyang career hindi lang sa telebisyon kundi gayundin sa pelikula. Tumaas na rin ang kanyang TF. Contract star siya ng Viva Films for three years as co-management ni Dennis Evangelista na personal manager ng aktor. Kasama si Allen sa Yes, Yes Show ng Channel 2 bukod pa sa maraming TV guesting. Under negotiation pa ang isang soap opera para sa actor.

Bida si Allen sa Kapatid (Mga Babaing May Lawit) ng isang bagong film outfit. Isang closet queen ang papel niya sa pelikula. May isang eksena na babae ang kilos at hitsura niya. Para kay Allen, challenging ang role ng isang bading. Nakatoka sana ang role na ito kay Raymond Bagatsing pero di natuloy dahil busy si Raymond sa ibang commitment.

Kumusta naman ang kanyang mga investment? "Mayroon akong buy & sell business, kasosyo ang ilang kaibigan. Balak kong magtayo ng restaurant dahil tapos naman ako ng Hotel and Restaurant Management kaya magagamit ko ang aking pinag-aralan. Marunong din akong magluto gaya ng kaldereta, sinigang at pagluluto ng pagkaing-bahay," sabi niya.

Nakabili na rin ito ng farm sa Pampanga at isang magarang van. Balak niyang bumili ng lupa na pagtitirikan ng bahay sa Pampanga para sa pamilya.

Malayo na ang narating ni Allen dahil sa sipag at pagiging propesyonal sa trabaho. Malamang na matupad ang pangarap nitong maging isang magaling na dramatic actor at makakuha ng acting award someday. Mapili na rin ito sa pagtanggap ng mga movie offer at gustong mai-handle ng magagaling na direktor.
Handang Magpalit Ng Bagong Imahe
Matapos na mailunsad si William Thio bilang isa sa mga miyembro ng Star Circle at makagawa ng pelikula ay nagtungo ito ng Amerika para maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Natapos naman nito ang kurso sa Menlo College at tumulong sa kanilang family business.

Na-miss din ni William ang showbiz kaya nag-decide na sumali sa 30 Days pero, agad siyang natanggal. Nagbago na ng imahe ang aktor dahil ginawa nito ang isang gay film na Intermates na ipinalabas sa nakaraang Pink Festival. Marami ang nagulat nang makitang nakipaghalikan siya at may bed scene pa kay Raymond Bagatsing.

"Hindi sanay ang mga tao na makita ako sa ganoong role pero nagbago na ang pananaw ko na makagawa ng naiibang role gaya nito. Wala na akong limitasyon kahit magpa-sexy pa basta’t maganda lang ang project," sey nito.
Tumangging Maging Brandy
Malaking tulong ang naipagkaloob ngayon kay Brandy Ayala, isang dating seksing aktres na nasiraan ng bait dahil sa droga. Ngayon ay patuloy itong ginagamot sa Mental Health.

Naisadula na ang buhay nito sa Maalaala Mo Kaya at personal choice sana si Angelika dela Cruz. Nagagandahan ang aktres sa naiibang istorya ng buhay nito kaya lang, hindi niya kayang maging kahit sa telebisyon kaya inayawan ito.

Sa kabilang banda, natuwa ito dahil mahusay namang nailarawan ni Desiree del Valle ang karakter ni Brandy.

Enjoy ngayon sa pagiging host ng EK Channel si Angel at sinabing kung noon ay siya ang nalalagay sa intriga ngayon ay siya naman ang nang-iintriga sa mga artista.

vuukle comment

ALLEN DIZON

AMERIKA

BALAK

BRANDY AYALA

CENTER

ISANG

RAYMOND BAGATSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with