Ram,36 beses tumatawag kay Czarina !
July 25, 2004 | 12:00am
Hindi naman pala nakapagtatakang makadama ng takot ang ina ni Ram Revilla kung ganitong siniseryoso ng kanyang anak ang panliligaw nito sa bagong sexy star ng Makamundo na si Czarina Polman. Bukod sa nakaka-36 na ulit itong tumatawag sa cellfone ni Czarina na hindi naman nito sinasagot ay nag-aabang pa raw ang batang aktor at anak ng Senador sa labas ng bahay ng bagong artista na divorced na kay Diego Castro at mayron silang isang magtatatlong taong gulang na anak na babae.
Inamin ni Czarina sa kanyang solo presscon na totoong nagpapalitan sila ng text ni Ram pero kaibigan lamang ang turing niya rito at hindi isang manliligaw. "Hindi ko nga alam kung nanliligaw ba siya o ano. Niyayaya niya akong lumabas. Minsan nga tinawagan ako ng mother niya at tinarayan," pagkukwento ng artista na kasalukuyang ini-enjoy ang freedom na nakuha niya matapos ang kulang sa isang taong relasyon nila ni Diego.
Naghahanda na pala ang GMA Network ng kasong libelo laban sa ABS CBN at sa news anchor nito na si Erwin Tulfo sa pagbibintang sa kanila ng pagnanakaw ng footage ng pagdating ni Angelo dela Cruz nung Hulyo 22.
Sa isang liham na ipinadala nito sa ABS CBN, sinabi ng GMA Network AVP for Legal Affairs na si Dick Perez na kinokondena nila ang mga malisyosong pagbibintang ng Kapamilya Network na narinig sa programang Insider nung Hulyo 22 nang diretsahang pagbintangan sila ni Erwin Tulfo ng isang krimen sa pamamagitan ng pagnanakaw ng video footage ng ABS CBN.
Napanood sa araw ding ito, sa GMAs hourly news update na Flash Report ang live video footage ng Reuters mula sa NAIA ng pagdating ni Dela Cruz. Ito at ang mga kuha nila ang ginamit ng GMA.
Ang GMA ay subscriber ng Reuter at CNN.
Ilang ulit na tinangkang tawagan ng GMA si Charie Villa ng Reuters bago nila ipalabas ang feed ng Reuters pero hindi nila ito nakontak.
Nang lumabas naman ang reporter ng ABS CBN na si Dindo Amparo sa live Reuters feed, inihinto ng GMA ang pagbu-broadcast ng Reuters pictures at nag-switch sa live coverage ng CNN. Huli na nang malaman ng GMA na kinukuha rin ng CNN ang live feed ng Reuters pero agad nilang inihinto ang kanilang live bulletin.
Dahil dito, tinawag ng ABS-CBN na magnanakaw ang GMA Network na tinutulan nito ng malabis. ("Ang pagnanakaw Bay Serbisyong Totoo?"; "Exclusive video of ABS CBN ninakaw ng GMA7"; Pinag-iisipan ng ABS CBN na sampahan ng kaso ang GMA7 dahil sa pagnanakaw ng video" at "Okay lang po sana ang pagsisinungaling pero, ang pagnanakaw ay isang malaking krimen").
Ayon kay Tulfo ay ginamit rin ng ABC5 ang live feed ng Reuters.
Bago ang insidenteng ito, gumamit na rin ang ABS CBN ng GMA footage sa pamamagitan ng Reuters ng interview ni Vivialyn Dungca mula sa Eye To Eye. Inamin ito ng ABS CBN at ang kasong ito ay naka-pending pa sa Court of Appeals
Nung Pebrero, iniere rin ng ABS CBN ang GMA footage ng pro-FPJ rally na nakuha nila sa Reuters.
(Ganito na ba kalalim ang kumpetisyon ng dalawang networks? Bakit sa halip na pag-awayan nila ang ilang mga sinasabing exclusive footages ay magpahiraman na lamang sila, tutal naman para sa kapakanan ito ng mamamayan na siya nilang binibigyan ng serbisyo? Bakit kailangang mag-aaway pa at magbintangan?-Ed)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended