^

PSN Showbiz

Aiai, ayaw nang palabasin ng ABS-CBN sa Sing Galing

RATED A - Aster Amoyo -
Nauna nang nawala si Allan K. sa Sing-Galing ng ABC-5 dahil meron na itong sariling musical program sa GMA, ang P1-M Videoke Challenge.  Si John Lapus ang pumalit kay Allan K. sa Sing-Galing.  Malapit na ring mag-expire ang kontrata ni Aiai de las Alas sa Sing-Galing at pinagsabihan na ng ABS-CBN ang kanyang manager na si Boy Abunda na hindi na ito pwedeng mag-renew ng kontrata sa ABC-5.  Nalulungkot man ang pamunuan ng ABC-5 na mawawala na sa kanila si Aiai, wala naman silang magagawa kundi ang maghanap ng kanyang makakapalit.    

Speaking of Sing-Galing, nakatakdang dalhin sa Japan ang nasabing programa para doon mag-taping sa buwan ng Enero sa susunod na taon na magiging co-production ng ABC-5 at ang bagong tatag na cable TV sa Japan, ang Access Television  na magpapalabas ng mga Filipino programs doon at kasama na rito ang top-rating na Sing-Galing.  Balak ng "Sing-Galing Goes to Japan" na imbitahan ang ilang Filipino celebrities na doon na naka-base tulad nina Marlene dela Pena at Bobby Valle na mag-guest sa nasabing programa.
* * *
Sa ika-10 pagkakataon, balik sa pagpu-produce ng live concert ang Royale Era Entertainment ni Ruffa Gutierrez sa darating na Agosto 14 (Sabado) sa ganap na ika-9 ng gabi sa The Dusit Hotel Nikko sa Makati City na pinamagatang Fantasy and Harmony, isang intimate fashion show at concert na tatampukan ng Total Performer na si Rico J. Puno at ang sexy star-singer-actress na si Ara Mina kasama sina Jeni Hernandez, ang Sex Bomb Girls, ang mga bagong Viva Hot Babes na sina Alyssa Alano at Ana Leah Javier, Rose Valencia, Leizle Lorin, Pamela Ortiz at ang bagong alaga ni Annabelle Rama na si Maricar Daniella. May special participation din sa nasabing show si Joyce Jimenez.   

Maganda na ang trabaho ni Ana Leah bilang SPA manager sa Discovery Suite, account manager at PR manager ng Chef & Brewer sa may Ortigas, iniwan niya ang mga ito upang ipagpatuloy ang kanyang naudlot na showbiz career.  Si Ana Leah ay dating miyembro ng Batch 4 ng Star Circle ng ABS-CBN.  Na-bore umano siya sa kanyang managerial position kaya niya binalikan ang showbiz. Si Ana Leah ay 23 yrs. old.   

Hindi naman ikinakaila ni Rose Valencia (Marinelli Nicole Remoren sa tunay na buhay) na siya’y naging GRO ng Pegasus bago siya nagpasok sa showbiz.   

Si Alyssa Alano (19) ay Geram Valledor sa tunay na buhay.  Australyano ang kanyang ama pero wala umano siyang magandang memory sa kanyang ama na never umano niyang nakita magmula nang siya’y isilang.  Iniwan naman siya ng kanyang ina sa pangangalaga ng kanyang tiyahin.  Although sa Zamboanga siya ipinanganak, sa Tarlac City naman siya lumaki kasama ang pamilya ng kanyang tiyahin na siyang kumupkop sa kanya.  Taong 1995 umano niya huling nakita ang kanyang ina.   

Si Maricar naman ay Maricar Daniega (23) sa tunay na buhay.  Nagtapos siya ng Hotel & Restaurant Management sa La Consolacion College.  Nagtrabaho rin siya sa Singapore sa loob ng isang taon.  Palibhasa’y pangarap niya ang maging isang aktres, iniwan niya ang kanyang trabaho para makipagsapalaran sa showbiz. Nakagawa na rin siya ng dalawang stage plays sa UP na dinirek ni Tony Mabesa at nagkaroon na rin siya ng bit roles sa ilang programa ng ABS-CBN.  Kasama rin siya sa pelikulang Liberated 2 ng Seiko Films. 

Si Pamela Ortiz (25) ay Marie Enriquez sa tunay na  buhay. Amerikano ang kanyang ama at apat na taon naman siya nang siya’y ipaampon sa kanyang mga kinikilalang magulang ngayon.       
* * *
Email: <[email protected]>

ACCESS TELEVISION

AIAI

ALLAN K

KANYANG

ROSE VALENCIA

SI ANA LEAH

SING-GALING

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with