Badminton ang bagong pag-ibig ni Paolo!
July 24, 2004 | 12:00am
Actually, hindi lamang ito paboritong sport ni Paolo Bediones, ito rin ang pinaka-bago niyang negosyo na sinimulan niya last year hindi para pagka-perahan kundi para mai-promote niya ang larong badminton sa lahat.
Nung nakaraang taon din nagsimula sa larong badminton si Paolo. Sobra niya itong nagustuhan kung kaya nagpasya siya na gawin itong negosyo. Meron naman daw siyang pera kaya dito niya naisipang i-invest ang pera niya.
Ang badminton court niya, limang lahat ito, ay tinawag niyang Toss & Smash, matatagpuan ito sa 12 Manga Road, New Manila, malapit sa Aurora Blvd. Bukas ito 24 hours a day at sinasabi niyang pinaka-murang badminton court sa Metro Manila.
Play All You Want ang konsepto niya. Mula 6NU hanggang 4NH, P50 lamang ang bayad; 4NH-10 NG, P180; 10 NG hanggang sa magsawa ka, P120. May annual membership fee itong P1,500. Kung wala kang gamit ay mayrong mari-rentahan dito. Meron ding canteen dito na mapupuntahan para kumain at magpalamig.
Hindi pag-aari ni Paolo ang lupa na kinatitirikan ng kanyang mga court, umuupa lamang siya dito ng P110,000/mo.
Magandang laro ito dahil pwede ritong magsama-sama ang buong pamilya, ang mga couples o ang magbabarkada. Maski nga ang bagong girlfriend ni Paolo na isang non-showbiz ay dito pumupunta kahit di kasama si Paolo.
Yes, may girlfriend na rin si Paolo, nagkakilala sila sa web launching ni Martin Nievera last year din. Isa itong commercial model pero hanggang ngayon ay hindi pa panatag sa atensyon na nakukuha niya bilang girlfriend ng isang celebrity na tulad ni Paolo. Pero, unti unti na itong nagsasanay, katunayan approved na sa kanya na aminin ni Paolo ang kanilang relasyon at pinag-usapan muna nila ito. Twenty one years old ito at 30 years old naman si Paolo.
Samantala, may ginawa ring badminton video si Paolo. Pinamagatang Smash! Badminton For Everyone, taglay nito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa badminton. Tulad ng basic footwork, paghawak ng raketa, pagtama ng bola, warm up exercises bago maglaro at syempre, yung mga advanced techniques, rules at technicalities ng laro.
Host dito si Paolo kasama ang current national team coach Butch Oreta at dating national team coach Nelson Asuncion na siyang nagsilbing instructor ni Paolo na hindi siya ang nagtuturo ng laro kundi siya ang tinuturuan. Kasama rin sina Kennie at Kennevic Asuncion, dalawa sa pinakamainit na manlalaro ng badminton sa bansa.
Mabibili ang Smash! Badminton For Everyone sa halagang P199 (VCD) at P299 (DVD).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended