^

PSN Showbiz

Phillip,magbabalik-showbiz

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon sa isang source, puspusan ngayon ang pagwo-work-out ni Phillip Salvador dahil gusto nitong manumbalik ang dating pangangatawan. Kasama pa nga niya minsan sa pagpunta sa gym ang kaibigang si Sen. Jinggoy Estrada.

Gusto raw magbalik-pelikula ni Ipe na matagal-tagal din nitong na-miss. Naniniwala ang aktor na makakabangon din siya sa mga problema na kinahaharap ngayon.
International Movie Ni Cesar, Sa Video Na Lang

Nanghihinayang ang mga moviegoers dahil hindi na yata mapapanood sa big screen ang Hollywood movie ni Cesar Montano titled The Great Raid na ginawa niya sa Australia. Malalaking artista pa naman ang kasama niya rito na kinabibilangan nina Benjamin Bratt, Connie Nielsen, Paolo Montalban at Ralph Fiennes. Sa halip ay sa video na lang ito maipapalabas.

Ilang beses ding nag-reshoot ang mga eksena sa movie at dapat ay noong Nobyembre 2003 pa ito maipapalabas pero di nga natuloy.
Mas Nag-Enjoy Si Czarina Kay Joko
Tinanong namin ang maganda at seksing si Czarina Polman kung ano ang pagkakaiba nina Gardo Versoza at Joko Diaz na kapareha nito sa Makamundo. "Lalaking-lalaki si Joko samantalang simpatiko naman si Gardo. Mas nag-enjoy ako sa mga lovescenes namin ni Joko. Pareho naman silang gentlemen at komportable akong makasama silang pareho," sabi ni Czarina.

Si Czarina ang klase ng sexy star na hindi pakalat-kalat sa mga sing-along bars o mga diskuhan dahil hanggang hapon ang pasok nito sa iskwela.

Kailangan din niyang umuwi agad ng bahay dahil gagawa pa ito ng mga assignment at mag-aaral ng leksyon. Kung may commitment man ito sa showbiz ay sa gabi ginagawa gaya ng presscon o piktoryal dahil sa buong hapon ay nasa iskwelahan siya.

Maganda siyang tularan ng ibang sexy stars na pinahahalagahan ang edukasyon.
Maui, May Trauma Sa Naging Bf
Inamin ni Maui Taylor na maingat na siya sa pagpili ng bagong mamahalin. Naging trauma kasi sa kanya ang nakaraang relasyon sa kanyang nobyo kung saan tumakbo rin ang kanilang relasyon ng mahigit sa dalawang taon.

Naging battered girlfriend ito ng selosong nobyo. Nakaranas ang sexy star ng pamamaga ng braso dahil sa pasa at iniwan pa siya sa EDSA. Minsan ding iniumpog ang kanyang ulo.

Dahil sa trauma na inabot sa nobyo ay matatagalan pa bago niya malimutan ito. Aware naman si Maui na nabawasan ang kasikatan nito sapul nang kumalas sa Viva Hot Babes. Pero inihahanap pa siya ng tamang proyekto ng manager na si Dondon Monteverde.
Hanep Na Puppet Show
Nag-enjoy ang mga batang guest sa Sis noong Huwebes kung saan nagkaroon ng puppet show. Naroon ang kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na talaga namang ang gaganda. Kaya naman hindi kami magtataka kung marami ang nag-o-offer sa dalawa para gumawa ng komersyal pero di payag ang kanilang magulang.

Disciplinarian si Zoren sa kanyang mga anak at pinapalo sila nito ng tsinelas kapag nakagawa ng kasalanan.

Mapalad nga si Mina sa pagkakaroon ng asawang gaya ni Zoren na maaasahan bilang padre de pamilya dahil maabilidad ito ayon pa sa aktres.

vuukle comment

BENJAMIN BRATT

CARMINA VILLAROEL

CENTER

CESAR MONTANO

CONNIE NIELSEN

CZARINA POLMAN

DAHIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with