Second time na ng Taiwanese actor sa 'Pinas
July 21, 2004 | 12:00am
Hindi makapaniwala si Wallace Huo, ang Taiwanese actor na dumalaw ng bansa para sa promosyon ng kanyang bagong serye sa GMA, ang Twin Sisters na nagsisimula nang mapanood ng marami na ang nakakakilala sa kanya at sikat na siya. Kaya nga lahat ng puntahan niya, sa Megamall man na kung saan ay nagkaroon sila ng cast ng nasabing serye ng "Meet and Greet the Fans" day ay dinudumog siya ng mga fans.
Matatandaan na unang napanood dito si Wallace sa Lavender na sinundan ng napaka-sikat na novela na A Promise of Love at the Dolphin Bay na kung saan ay nakasama rin niya ang kapareha niya sa Twin Sisters na si Joe Cheng.
Hindi first time ni Wallace sa bansa. Twenty five years old na siya ngayon pero, nung 16 siya ay nagkayayaan sila ng kanyang barkada na pumunta rito. Nag-horseback riding sila sa Tagaytay. Impression niya ay napaka-relaxed na bansa ang Pilipinas.
Isang bagong sexy star ang isisilang sa pelikula ng Luv Films na Perlas . Ito ay si Kat de Santos na bida sa nasabing pelikula. Suporta niya rito si Via Veloso na hindi nagpatalbog sa kanya. Binigyan din ito ng kanyang mga maiinit na eksena na katulad ng kay Kat and she passed it with flying colors. In fairness.
Pero, hindi worried dito si Kat dahil katwiran niya, kanya ang pelikula at kumpara kay Via ay mas bata siya. Lahat nang ipinagawa sa kanya ay sinunod niya, kahit na ang paglalakad ng hubad sa harap ng maraming tao.
Sabi ng aking kaibigan who is promoting the new mag, Toyz For The Boyz na naaalarma na ang kanilang mga kalaban. First issue pa lamang nila ay sold out na agad.
Inaasahang magiging mas mabenta ang second issue na lalabas sa August dahil ang nasa-cover ay ang super sexy na si Nadine Schmidt, pretty babe ng Eat Bulaga, na gumawa ng mga artistic poses sa magazine na ayon sa publisher ng Toyz For The Boyz ay ikababaliw ng mga kalalakihan.
Bukod kay Nadine, marami pang special features ang mag na patungkol sa mga gadgets, cars and jetplanes.
Sa mga interesado na maging model ng magasin, tumawag lamang sa 7250287 at hanapin si Jayvee o Hubert.
Hindi na talaga masugpo ang pagkalat ng mga pirated video. Lusubin man nang lusubin ni Edu Manzano ang mga video outlets na nagbibenta ng mga pirated video, lilipat lamang ng lugar ang mga pirata at tuloy na naman ang negosyo.
Hanggat hindi umaangat ang ating ekonomiya, hindi masusugpo ang pagkalat ng mga pirated video. Mura kasi itong form of entertainment. Sa halagang mababa sa P100, lahat ng myembro ng pamilya at kasama na ang mga kamag-anak ay nakakapanood na ng bagong pelikula. Kahit pa malabo ito ay tatangkilikin nila basta ang mahalaga mayron silang nagiging dibersyon.
Hindi lamang naman ang mga video ang pinipirata, marami pang ibang items. tulad ng mga VCD, CD, DVD players. Kahit pa sabihing disposable ang mga ito, tinatangkilik pa rin. Dahil nga mura. Ni hindi na kino-consider ng mga buyers ang katotohanan na dagdagan lamang nila ng kaunti ang ibinabayad nila sa mga ito ay makakabili na sila ng mga orihinal na mas tatagal pa, dahil pwedeng ayusin kapag nasira.
Sa kabila nito, gusto kong papurihan si G. Edu Manzano sa kanyang masipag na pagtupad ng tungkulin bilang namumuno ng Videogram Regulatory Board at Optical Media Board. Nakikita naman na nagtatrabaho siya.
Matatandaan na unang napanood dito si Wallace sa Lavender na sinundan ng napaka-sikat na novela na A Promise of Love at the Dolphin Bay na kung saan ay nakasama rin niya ang kapareha niya sa Twin Sisters na si Joe Cheng.
Hindi first time ni Wallace sa bansa. Twenty five years old na siya ngayon pero, nung 16 siya ay nagkayayaan sila ng kanyang barkada na pumunta rito. Nag-horseback riding sila sa Tagaytay. Impression niya ay napaka-relaxed na bansa ang Pilipinas.
Pero, hindi worried dito si Kat dahil katwiran niya, kanya ang pelikula at kumpara kay Via ay mas bata siya. Lahat nang ipinagawa sa kanya ay sinunod niya, kahit na ang paglalakad ng hubad sa harap ng maraming tao.
Inaasahang magiging mas mabenta ang second issue na lalabas sa August dahil ang nasa-cover ay ang super sexy na si Nadine Schmidt, pretty babe ng Eat Bulaga, na gumawa ng mga artistic poses sa magazine na ayon sa publisher ng Toyz For The Boyz ay ikababaliw ng mga kalalakihan.
Bukod kay Nadine, marami pang special features ang mag na patungkol sa mga gadgets, cars and jetplanes.
Sa mga interesado na maging model ng magasin, tumawag lamang sa 7250287 at hanapin si Jayvee o Hubert.
Hanggat hindi umaangat ang ating ekonomiya, hindi masusugpo ang pagkalat ng mga pirated video. Mura kasi itong form of entertainment. Sa halagang mababa sa P100, lahat ng myembro ng pamilya at kasama na ang mga kamag-anak ay nakakapanood na ng bagong pelikula. Kahit pa malabo ito ay tatangkilikin nila basta ang mahalaga mayron silang nagiging dibersyon.
Hindi lamang naman ang mga video ang pinipirata, marami pang ibang items. tulad ng mga VCD, CD, DVD players. Kahit pa sabihing disposable ang mga ito, tinatangkilik pa rin. Dahil nga mura. Ni hindi na kino-consider ng mga buyers ang katotohanan na dagdagan lamang nila ng kaunti ang ibinabayad nila sa mga ito ay makakabili na sila ng mga orihinal na mas tatagal pa, dahil pwedeng ayusin kapag nasira.
Sa kabila nito, gusto kong papurihan si G. Edu Manzano sa kanyang masipag na pagtupad ng tungkulin bilang namumuno ng Videogram Regulatory Board at Optical Media Board. Nakikita naman na nagtatrabaho siya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended