The young are taking over
July 20, 2004 | 12:00am
Dalawang gabi na akong nanonood ng larong bilyar. Hindi ko paborito ang sport na ito pero, magaling sa larong ito ang asawa ko kaya may alam ako.
Proud ako sa larong ito, salamat kay Efren Bata Reyes na nagbigay dangal sa ating bansa sa larong ito. Hindi lang siya isang mahusay na manlalaro, hindi rin siya madamot i-share ang kanyang kaalaman sa larong ito sa mga kapwa niya Pilipino na tulad niya ay nangangarap din na maging kampeon sa hinaharap.
Sayang at may mga magagaling na billiard player na bagaman at may mga dugong Pilipino ay ibang bansa naman ang kinakatawan. Gaya nina Django Bustamante at Alex Pagulayan na napanood ko nung isang gabi nang manalo siya bilang world pool champion, bilang kinatawan ng bansang Canada. Na-touched ako nang sa kanyang speech ay sabihin niya na hindi dapat mag-alala ang kanyang mga kababayang Pinoy dahil kahit na sa Canada siya lumaki at namamalagi ay isa pa rin daw siyang Pilipino. O di ba, nakakapagmalaki?
Ang kanyang panalo ay isang patunay na uti-unti nang namamayani ang mga kabataan Pilipino dito at sa labas ng bansa.
Sa ginaganap na Star Olympics, mga bata rin ang nagpapakitang gilas, bagaman at ginagabayan sila ng mga mature stars. Lalo na sa larong volleyball na kung saan ay nagpakitang gilas si Katarina Perez kaya napiling pinakamagandang manlalaro. Kahit magaling siya, she would not have shone kung hindi sa assist at magandang paglalaro ng mga ka-teammates niya at maituturing nang mga ate na sina Jackie Aquino at Ilonah Jean.
Kabataan din ang mga naglalaban-laban ngayon sa TVStarStruck Teens & Kids at Star Circle Teens & Kids.
Sa pelikula naman, mother and father roles na lamang ang pinapapel ng mga kilala at sikat na mga artista, mga magulang ng mga mabilis na sumisikat na sina Heart, 2 Johns (Lloyd Cruz & Prats), Chynna, Gutierrez Twins (Raymond & Richard) at ng mga nauna sa kanila na sina Piolo, Claudine, Jolina, Kristine, Diether, Jericho, Judy Ann, Yul, Maxene at iba pa.
Sa musika, naririyan pa rin at hinahangaan sina Rico. Hadji, Marco, Nonoy, Kuh, Zsazsa, Verni pero, nasa eksena na sina Aiza, Kyla, Nina, JayR, Erik, Sarah, Rachelle Ann, atbp.
Maski sa labas ng entertainment, nagpapakitang gilas na rin ang kabataan. Bukas makalawa, bata na rin ang mamumuno ng bansa. At sino ang makapagsasabi, baka maging mas mahusay pa silang lider. Huwag lamang silang mahawa at ma-impluwensya ng maraming kasalukuyang namumuno sa atin. Huwag naman sana!!!
Bagaman at medyo mabagal ang pag-usad ng career ni Iza Calzado, hindi mapasusubalian na malaki ang potensyal niya na sumikat bilang isang artista. Unang-una na ay napaka-ganda niya. Ikalawa, magaling siyang umarte na gaya nang ipinamalas nya sa kakaunting assignment na nagagawa na niya, ang seryeng Te Amo ng GMA at ang mga pelikulang Milan, at ang katatapos pa lamang ipalabas na Sabel.
Isang versatile actress si Iza, gaano man kalaki o kaliit ang role niya ay nagagawa niyang gampanan ito convincingly. Kaya nga napakarami ang sumusubaybay sa Te Amo dahil hanggang ngayon, isang misteryo pa rin sa kanila kung anong relasyon meron ito sa kanyang katambal na si Segundo Cernadas na balitang babalik dito para lamang dumalo sa kaarawan ni Iza. Kapag bumalik ito, makasisiguro na tayo na mayroon nga silang relasyon bukod sa pagiging magkapareha sa isang serye, di ba?
May bagong chinovela na napapanood ngayon sa GMA, ang Twin Sisters, na nagtatampok sa mga sikat nang sina Wallace Huo na mas kilala bilang Hilton sa A Promise of Love at The Dolphin Bay at si Joe Chan na bida naman bilang Barbie sa My MVP Valentine at bilang Xiao Wei sa Lavender. No wonder, pinagkaguluhan sila nang dumating sila kamakailan to promote the TV series sa ibat ibang palabas ng GMA.
Nagkaron din sila ng "Meet and Greet the Fans" day sa SM Megamall Megastrip nung Sabado, Hulyo 17, na kung saan ay pumirma sila ng autograph at nakipag-picture taking sa mga fans.
Kasama rin sa Twin Sisters sina Jason Hsu ng 5566 (My MVP Valentine) at Penny Lim (A Promise of Love at The Dolphin Bay, Lavender).
Proud ako sa larong ito, salamat kay Efren Bata Reyes na nagbigay dangal sa ating bansa sa larong ito. Hindi lang siya isang mahusay na manlalaro, hindi rin siya madamot i-share ang kanyang kaalaman sa larong ito sa mga kapwa niya Pilipino na tulad niya ay nangangarap din na maging kampeon sa hinaharap.
Sayang at may mga magagaling na billiard player na bagaman at may mga dugong Pilipino ay ibang bansa naman ang kinakatawan. Gaya nina Django Bustamante at Alex Pagulayan na napanood ko nung isang gabi nang manalo siya bilang world pool champion, bilang kinatawan ng bansang Canada. Na-touched ako nang sa kanyang speech ay sabihin niya na hindi dapat mag-alala ang kanyang mga kababayang Pinoy dahil kahit na sa Canada siya lumaki at namamalagi ay isa pa rin daw siyang Pilipino. O di ba, nakakapagmalaki?
Ang kanyang panalo ay isang patunay na uti-unti nang namamayani ang mga kabataan Pilipino dito at sa labas ng bansa.
Kabataan din ang mga naglalaban-laban ngayon sa TVStarStruck Teens & Kids at Star Circle Teens & Kids.
Sa pelikula naman, mother and father roles na lamang ang pinapapel ng mga kilala at sikat na mga artista, mga magulang ng mga mabilis na sumisikat na sina Heart, 2 Johns (Lloyd Cruz & Prats), Chynna, Gutierrez Twins (Raymond & Richard) at ng mga nauna sa kanila na sina Piolo, Claudine, Jolina, Kristine, Diether, Jericho, Judy Ann, Yul, Maxene at iba pa.
Sa musika, naririyan pa rin at hinahangaan sina Rico. Hadji, Marco, Nonoy, Kuh, Zsazsa, Verni pero, nasa eksena na sina Aiza, Kyla, Nina, JayR, Erik, Sarah, Rachelle Ann, atbp.
Maski sa labas ng entertainment, nagpapakitang gilas na rin ang kabataan. Bukas makalawa, bata na rin ang mamumuno ng bansa. At sino ang makapagsasabi, baka maging mas mahusay pa silang lider. Huwag lamang silang mahawa at ma-impluwensya ng maraming kasalukuyang namumuno sa atin. Huwag naman sana!!!
Isang versatile actress si Iza, gaano man kalaki o kaliit ang role niya ay nagagawa niyang gampanan ito convincingly. Kaya nga napakarami ang sumusubaybay sa Te Amo dahil hanggang ngayon, isang misteryo pa rin sa kanila kung anong relasyon meron ito sa kanyang katambal na si Segundo Cernadas na balitang babalik dito para lamang dumalo sa kaarawan ni Iza. Kapag bumalik ito, makasisiguro na tayo na mayroon nga silang relasyon bukod sa pagiging magkapareha sa isang serye, di ba?
Nagkaron din sila ng "Meet and Greet the Fans" day sa SM Megamall Megastrip nung Sabado, Hulyo 17, na kung saan ay pumirma sila ng autograph at nakipag-picture taking sa mga fans.
Kasama rin sa Twin Sisters sina Jason Hsu ng 5566 (My MVP Valentine) at Penny Lim (A Promise of Love at The Dolphin Bay, Lavender).
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended