^

PSN Showbiz

Kuh, ayaw matalbugan ni Nora

-
Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 25 taon sa showbiz, nagbigay ng isang ispesyal na pagtitipon ang Pop Diva na si Ms. Kuh Ledesma sa kanyang mga tagahanga. Ginanap ang kanyang Fans’ Day noon lamang nakaraang Linggo sa kanyang Republic of Malate club and comedy bar sa Malate, Malate.

Dahil sa 25 taon na niya sa showbiz bilang isang sikat na mang-aawit ay naisipan naman niyang bigyan ng pagpapahalaga at ispesyal na araw upang makapiling niya ang kanyang mga tagahanga. Marami ang nagsidating na puro malalapit niyang mga kaibigan at fans. Panauhin din ang magiliw na si Candy Pangilinan bilang host. Nagkaroon din ng pa-raffle na ang mga premyo ay mga CDs at ilang mga personal na gamit ni Kuh tulad ng sunglass, handbag, mga damit, Swatch watch, jacket, teddy bear at kung anu-ano pa. Ang okasyon ay bilang pasasalamat na rin niya sa matagumpay na tour concert nilang dalawa ni Ms. Nora Aunor sa ilang panig ng Amerika. Ang kanilang show ay tinawag nilang Power of Two.

Pagkatapos ng panahon ng kampanya at eleksyon ay ang concert na ang inatupag ng dalawa. Matagal din ang inilagi nila sa Amerika at kailan lamang sila nakabalik ng Pilipinas. Agad hinarap ni Kuh ang kanyang business, ang pagpapatakbo ng Republic of Malate.

Magbabalik sina Kuh at Nora sa Amerika upang ipagpatuloy ang kanilang series of shows sa iba’t ibang panig ng USA. Nakatakda silang umalis sa unang araw ng August. Aabot umano ng walo pang shows ang kanilang bubunuin doon at lalo pa raw nilang pagbubutihin, lalo na umano siya dahil ayaw daw niyang masapawan siya ni Nora na alam niyang wala pa ring kakupas-kupas ang galing sa pag-awit at showmanship. Plano pa rin daw pala nilang dalawa ni Nora na gumawa ng pelikula pagkatapos ng kanilang tour. Isa umano itong exciting project para sa kanya. — LUZ CANDABA

AMERIKA

CANDY PANGILINAN

KUH

MS. KUH LEDESMA

MS. NORA AUNOR

NORA

POP DIVA

POWER OF TWO

REPUBLIC OF MALATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with