^

PSN Showbiz

Sexy stars, nakipag-one night stand para magkaroon ng pamasahe

- Emy Abuan Bautista -
Sikat na rin ang dalawang sexy star na ito na naimbitahan for a show sa isang karatig-lalawigan sa Norte. Pinangakuan silang babayaran matapos ang show.

Binayaran nga sila pero tseke kaya nakiusap sila na kung pwedeng cash na lang ang ibigay. Nagmatigas ang show promoter na wala siyang cash. Naimbyerna ang dalawa dahil hindi rin pala sila nagdala ng pera knowing na may matatanggap naman silang kabayaran sa show.

Halos maloka ang dalawa sa kaiisip kung paano sila makakarating ng Maynila gayung wala silang pamasahe.

Ayon sa aking source, ipinakilala sila sa dalawang businessmen at balitang nakipag-one night stand ang mga hitad. May tseke na nga naman sila may datung pa at sobra-sobra pang pamasahe.
Gustong Palitan Ang Apelyido
May isyu ngayon kay Jennylyn Mercado matapos lumitaw ang ama nitong si Noli Pineda, isang musikero sa Korea. Hiwalay ang magulang ni Jennylyn kung saan sanggol pa lang ay iniwan na siya ng ina para magtungo ng London na nakapag-asawa ng isang British. Naiwan siya sa kandili ng kanyang tiyahing si Lydia Mercado na kinilala niyang tunay na ina.

Three years old naman ang aktres nang iwan ng ama para magtrabaho sa Korea pero pabalik-balik ng bansa. May komunikasyon naman sila ng kanyang ama at sinasabing pinadadalhan siya ng sustento. Pero ayaw aminin ni Jennylyn na ito ang nanghihingi ngayon sa kanya ng sustento o porsyento sa mga kinikita niya sa showbiz. Sabi nga ng aktres, "Hindi naman ganoon si papa dahil mabait siya at never naman nitong sinabi na gusto niyang makitira sa akin. Tahimik siya at di marunong lumaban," aniya.

Ang gusto lang mangyari ng ama ay palitan na ang apelyido nitong Mercado at gamitin ang tunay na pangalang Jennylyn Pineda.

"Bakit Mercado ang ginamit mo?" tanong namin sa aktres.

"Noon kasi ay walang makuhang birth certificate si Mama Lydia at kailangan na akong mag-aral kaya ginamit ang Mercado na isinunod sa apelyido niya," sey nito.

Tinanong din namin kung sakaling kunin siya ng tunay na ina na namumuhay nang maganda sa London ay sasama ba siya?

Ayon sa aktres ay naging mabait sa kanya ang kinilalang ina na si Lydia gayundin ang asawa nito kaya hindi siya sasama kahit mamuhay pa siya sa luho.

Mabuti na lang at matibay ang dibdib ni Jennylyn sa kabila ng maraming intrigang dumarating sa buhay niya.

Konswelo na lang nito ang pagratsada ng kanyang career sa telebisyon gayundin sa pelikula kung saan sa Idol ay gagampanan nito ang role na anak ni Kris Aquino.

Sinabi rin ni Jennylyn na hindi totoong magkaaway sila ni Cristine Reyes na naging girlfriend ni Mark Herras.
Crush Pa Rin Si Jolina
Nakausap namin si Reggie Curley na kasama rin sa Beautiful Life ng Regal Entertainment. Naging winner ng Bodyshots noong 1997 si Reggie bago ito nag-artista. Madalas itong lumabas sa telebisyon at dito nga siya unang naintriga. Magkasama sila ni Jolina Magdangal sa soap opera na Narito Ang Puso Ko kaya nagkayayaang dumalo sa awards night ng Star Awards For Movies noon kaya natsismis ang dalawa.

Hindi naman itinatago ni Reggie na naging crush niya si Jolina kahit hanggang ngayon kaya lang alam niyang may boyfriend na ito na nasa Tate.

Mahilig si Reggie sa mga cute na mga babae na maraming talento gaya ni Jolens.
Nakakaaliw Sina Ben At Jennifer
Ano ang pinakagrabeng mangyayari sa isang lalaking planado na ang kanyang buhay? Alamin kung paanong ang karaniwang sitwasyon ay naging isang malaking problema pero nakakatuwa sa bagong romantic-comedy, ang Along Came Polly. Mula sa Universal Pictures, tunay na nakakaaliw dito ang tambalan nina Ben Stiller (Starsky and Hutch) at Jennifer Aniston (Bruce Almighty).

"Nang ginagawa ko ang iskrip," wika ni John hamburg, "Ay wala talaga sa isip ko pa kung sinu-sino ang gaganap sa mga pangunahing karakter. Gusto ko kasi ay kusang lumitaw ang mga tunay na tao sa istorya bago ako pumili ng mga artista. Si Ben kasi ay nakatrabaho ko na sa ibang pelikula (Meet the Parents at Zoo Lander) kung kaya’t alam kong kayang-kaya niya ang papel ng bidang lalake. Sa title role naman, pinili ko si Jennifer dahil noon pa’y hanga na ako sa kanyang pagganap sa Friends. Tiyak ako na masasabayan niya si Ben sa abilidad at tiyempo sa pagpapatawa. At hindi ako nagkamali, perpekto ang kanilang tambalan."

Kabituin si Alec Baldwin bilang boss ni Reuben, ang Along Came Polly ay release ng United International Pictures na ipinamamahagi sa Pilipinas sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.

vuukle comment

ALONG CAME POLLY

JENNYLYN

KAYA

KUNG

MERCADO

NAMAN

REGGIE

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with