^

PSN Showbiz

Si Dennis Trillo na si Erlinda Marikit

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Napakaswerte naman ni Dennis Trillo dahil sa kanya ipinagkatiwala ni Direk Joel Lamangan ang papel na baklang comfort gay na na-in love sa isang Japanese soldier.

Nang magmiting nga last month si Direk, Mother Lily at Roselle Monteverde ay nagkaisa sila sa pagsasabing bagay na maging Erlinda Marikit ang magaling na aktor. Nang mabasa ni Dennis ang script ay di ito nagdalawang-isip na tanggapin ang role dahil napakaganda ng istorya ng Aishite-Masu ng Regal.

Nagsyuting na si Dennis sa Tanay, Rizal at nagsuot babae na ito. Bilang paghahanda ay nanood ito ng mga pelikulang Tagalog at Ingles na tumatalakay sa buhay ng isang bading. Para sa aktor ay napaka-challenging ng role kaya lahat ng hirap ay tiniis niya gaya ng pagpapa-wax ng buhok sa kilikili, dibdib at binti. Balbon kasi ito.

Sinabi naman ng manager nitong si Popoy na gusto na rin nilang mapahiwalay ang imahe nitong boy-next-door kaya tinanggap ang pelikula.
May Pagtingin Pa Rin Kay Diego
Tinanong namin si Czarina Polman kung ano ang reaksyon niya nang mapasama sa 30 Days ang ex-boyfriend niyang si Diego Castro. "I pity Diego kasi may kaya naman sila sa buhay pero nagtataka ako kung bakit pinilit niyang sumali sa 30 Days. I don’t love him anymore pero concerned pa rin ako at ayoko siyang makitang ma-eliminate sa 30 Days. Hiwalay na kami pero nanatili naman kaming mabuting magkaibigan," aniya.

Natutuwa ang aktres dahil bida agad siya sa Makamundo kasama si Rose Valencia. Gagawin din nito ang lahat ng paraan para sumikat nang husto. Palaban din sa hubaran si Czarina.

Ang maganda kay Czarina ay prioridad pa rin nito ang pag-aaral kung saan regular student ito ng Thames at second year na ng kursong International Studies. Mabilis ang pagsikat nito dahil sossy ang kanyang ganda at maganda rin ang PR sa mga press people.

Ngayong artista na siya ay handa na rin siyang sumagupa sa intriga at mga hirap sa syuting tulad ng mga ginawa niya sa Makamundo kung saan naranasan niyang lagnatin matapos ang syuting dahil sa rain effect.
Sunshine, "Ander De Saya" Ang Nobyo
Nakakatuwa ang episode ngayon sa Extra Challenge tungkol sa mga magnobyong celebrities na kinunan pa sa Puhket, Thailand. Sa mga tatlong parehas ay napuna nilang mas strong ang karakter ni Sunshine kaysa kay Frank Garcia. Sunud-sunuran ito sa aktres na talagang mahal niya.

Kapag nagbitiw na ng dayalog si Sunshine gaya ng "Bilisan mo, alisin mo ang shades mo, ayusin mo ang mukha mo" ay natatawa ang manonood dahil lumalabas tuloy na kaya-kayanan niya ang nobyo.

Kunsabagay di naman masisisi si Sunshine dahil sa kagustuhan nitong manalo sila ng nobyo sa Extra Challenge para makaipon ng pera na pambili ng ticket pauwi ng Pilipinas.
Tao Na Si Aruana
Enjoy din kami sa panonood ng Marinara laluna at naging guest ang Ginebra team. May cameo role nga si Benjie Paras kung saan gumanap itong Dr. Hector na bibilhin si Dolphina para sa kanyang eksperimento.

Inaabangan ng mga manonood ang paglabas ni Aruana na isa nang tao kung saan nagkaroon na ito ng paa.

PERSONAL:
Belated Happy Birthday sa aming kaibigang si Ms. Bing Gutierrez ng ETC Channel Manager. Pagbati rin ay mula kay Maanne ng Solar Entertainment-UIP.

vuukle comment

ANDER DE SAYA

ANG NOBYO

BELATED HAPPY BIRTHDAY

BENJIE PARAS

BING GUTIERREZ

CHANNEL MANAGER

CZARINA POLMAN

DAHIL

EXTRA CHALLENGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with