^

PSN Showbiz

Kontrabida ba si Patrick sa relasyong Hero/Sandara?

RATED A - Aster Amoyo -
Alam ba ninyo na wala ni katiting na Filipino blood ang mga guwapong twins na sina Brad at Greg Turvey?  Sa Hongkong isinilang ang kambal at may halong Australian, Chinese at Scottish ang kanilang pinagmulan. Sa Australia na sila lumaki at nag-aral mula preparatory school hanggang college. Sa kambal, dalawang minuto lamang ang kanilang pagitan. Naunang lumabas si Brad at sumunod naman si Greg.

Aksidente lamang ang pagkakapasok sa showbiz ng magkapatid. Unang dumating ng Pilipinas si Brad para magbakasyon at dito siya naispatan ng kanyang manager ngayon na si Paulo Bustamante na siyang nagdala sa kanya sa Amerika para makapareha ni Mandy Moore sa kanyang Penshoppe commercial.  Sumunod ng Maynila si Greg at si Brad na rin ang naghikayat sa kanya na subukan na rin ang showbiz. Although wala silang alam sa salitang Tagalog, unti-unti nila itong natututunan lalo pa’t pinasok na nila pareho ang mundo ng showbiz.

Boto si Greg sa relasyon ni Brad sa dating misis ni Martin Nievera na si Pops Fernandez.
* * *
Affected ang young star na si Karel Marquez, anak ng singer-performer na si Pinky Marquez sa mga kumakalat na hubad nitong litrato sa mga cellphone. Mariing pinabulaanan ni Karel na siya ‘yung nasa litrato at nakikiusap siya sa mga taong gumawa nito na tigilan na nila dahil nakakasira ito sa mga inosenteng tao tulad nila at apektado rin  maging sa kanyang pamilya.   
* * *
Sina Sandara Park at Hero Angeles ang bini-build-up na loveteam ng ABS-CBN, pero may Patrick Garcia na pumapasok sa eksena.

Hindi kaya ma-derail ang bagong loveteam nina Hero at Sandara dahil vocal si Sandara sa pag-amin na crush niya si Patrick?  May balita pa ngang lumabas na inihahatid umano ni Patrick si Sandara sa bahay nito bagay na ikinalulungkot ni Hero na may itinatago nang pagtingin sa kanyang ka-loveteam. Mukhang desidido si Patrick sa kanyang panunuyo ng Koreanang Star Circle Grand Questor runner-up.
* * *
Nasa loob na naman ng kulungan ang komedyanteng si Richie d’ Horsie dahil sa droga. Payat na payat ito ngayon at biglang tumanda. Dahil walang direksyon ang buhay ni Ritchie, droga ang kanyang hinarap hanggang sa siya’y muling makalabuso. Hiwalay na rin si Ritchie sa kanyang pamilya.  Sa kulungan, muling nanawagan si Ritchie sa kaibigang TV host-comedian na si Vic Sotto na siya’y tulungan dahil wala na siyang ibang malalapitan pa at nangangako itong magbabago na umano siya.  Ewan lang natin kung kakagat si Vic sa panawagan ni Ritchie dahil ilang beses na rin niya itong tinutulungan pero bumabalik pa rin sa dating bisyo. Sa totoo lang, napakarami nang buhay ang nasira nang dahil lamang sa droga.
* * *
Isang intimate  impromptu performance ang ipinamalas ni Maestro Ryan Cayabyab kasama ang The San Miguel Philharmonic Orchestra na ginanap sa SMFPA Rehearsal Hall ng San Miguel Corporation sa may Ortigas Center kamakailan lamang kung saan kanilang ipinamalas ang ilan sa mga piling-piling awitin na kasama sa nangungunang album ngayon sa Tower Records, ang "Great Filipino Love Songs" na ni-record ng San Miguel Philharmonic Orchestra at ni-release ng BMG Records (Pilipinas), Inc. Sa tinagal-tagal na namin sa industriya ng musika, ngayon lamang kami naka-witness ng isang classical album na umabot sa no. 1 slot ng local chart. Lahat ng kita ng album ("Great Filipino Love Songs") ay  mapupunta sa San Miguel Foundation for the Performing Arts na pinamumunuan ng Artistic Director na si Maestro Ryan Cayabyab na nag-retiro na sa kanyang teaching job sa University of the Philippines para matutukan ang kanyang trabaho sa SMFPA. Although nasa kalahating dekada pa lamang si Maestro Ryan Cayabyab, strong candidate na ito sa pagka-National Artist sa rami na niyang naiambag na karangalan ng musika at kultura.
* * *
<[email protected]>

vuukle comment

CENTER

GREAT FILIPINO LOVE SONGS

GREG

KANYANG

MAESTRO RYAN CAYABYAB

RITCHIE

SAN MIGUEL PHILHARMONIC ORCHESTRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with