Wala sa plano ni Rachel Alejandro ang maging isang ina
July 17, 2004 | 12:00am
Wala na pala sina Rachel Alejandro at ang boyfriend niya for six years na si Lee Robin Salazar. Mutual agreement ang paghihiwalay nila, walang third party at naghiwalay silang walang animosity na namamagitan sa kanila, magkaibigan pa rin sila.
"Mayron kaming magkaibang plano sa buhay at ang mga gawain namin ay hindi ideal para magkaroon kami ng relasyon," ani Rachel na buong tapang na nagsabi na hindi lamang ang pagkakaron ng relasyon ang hadlang sa mga magagandang plano niya sa hinaharap na ang pinaka-ultimate ay ang maka-penerate sa global market kaya nga ang base niya ngayon ay NY na kung saan ay nakabili rin siya ng apartment sa Midtown Manhattan.
Hadlang din daw kung magkakaroon siya ng mga anak. "Wala akong maternal instinct," dagdag niya. "Hindi bahagi ang mga anak ng make-up ko as a person. Bukod dito, itinuturing ko nang mga anak ang mga projects na ginagawa ko ngayon. Ang dasal ko na lamang ay makatagpo rin ng isang lalaki na wala ring balak na magkaron ng anak," sey pa niya.
May apartment din ang kanyang ina sa lugar na binilhan niya ng bahay. Isang studio type ang sa kanya, ang sa kanyang ina naman ay may tatlong kwarto at matatagpuan sa ika-55th floor.
"Ang stepdad ko ang tsinitsismis na foreign diplomat na siya raw bumili ng apartment ko. Hindi ito totoo. Galing sa mga kita ko sa mga shows ang pinagbilhan ko ng bahay. Hindi foreign diplomat ang stepdad ko who is Italian-Japanese," pagtatanggol pa ni Rachel na excited na muling maka-sama si Geneva na tinawag niyang para na ring isang kapatid sapagkat uulitin na lamang niya ang kanilang pagsasama sa isang show. Matagal na nila itong ginagawa at ang showdown nila ay matagumpay pa nga nilang nadala sa US.
Sa July 30, mapapanood silang dalawa dito, sa Casino Filipino Parañaque. Pinamagatang Rematch, makakabili na ng tiket para dito sa lahat ng SM Ticketnet o kaya ay sa Live Artist Production 9202643/9260556.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-40 na kaarawan at ng ika-20th wedding anniversary nila ni Angeli Pangilinan at ang ika-25 anibersaryo nito sa showbiz, magdaraos si Gary Valenciano ng isang concert sa Araneta Coliseum na pinamagatang Gary V... Thankful sa Agosto 6. Malaking bahagi ng kikitain dito ay ibibigay ni Gary V sa Shining Light Foundation, isang ministry na kinabibilangan ni Gary V at ilang mga colleagues niya sa industry.
Ilan lamang sa aawitin ni Gary V ay ang "Take Me Out Of The Dark", "Kailangan Kita", "Natutulog Ba Ang Diyos", "Gaya Ng Dati", "Sa Yahweh Ang Sayaw", "Shout For Joy", "How Did You Know", "Could You Be Messiah", "Letting Go", "Warrior Is A Child" at "Thats Why".
Bukod sa Manoeuvres, may mga special spots ang tatlong anak ni Gary V, sina Paolo, Gabriel at Kiana.
Ang tiket ay nagkakahalaga ng P1200, P800, P600, P500, P250 at P75.
Kumita pala ang Liberated 2 ng P4.5M sa opening day nito. Kaya nga tuwang-tuwa ang producer ng Seiko Films na si Robbie Tan at ang buong cast ng pelikula na kinabibilangan nina Diana Zubiri, Francine Prieto at Christian Vasquez. Lalo na ang direktor nito na si Mac Alejandre. Ngayon pa lamang ay pinag-iisipan na ni Robbie kung magkakaroon siya ng Liberated 3.
Mapapanood na ang mga napiling contestants sa The Apprentice, ang pinaka-bagong reality show ng ABC5 na nagsimula nang mapanood nung Lunes, 8NG.
Hinati ang mga applicants sa 2 grupo, the, men vs the women Eto sila, from top row left: Omarosa, isang political consultant; Bill, founder ng multi-million dollar cigars aroundthe world. com; Sam, co-founder ng internet media company na Potomac Tech Wire; Kristi, may-ari ng dalawang residential properties at isang restautrant sa Sta. Monica; Ereka, Global promotional marketing mgr. for Clinique; Kwame, may BS in bus. ad at MBA sa Harvard; Heidi, may Masters in Criminology; Bowle, isang account exec ng FEDEX; Troy, nagmemeari ng 7 properties; David, may 2 advanced degrees, isang MD at isang MBA; Nick, star athlete; Jessie, lumaki sa orphanage; Katrina, multi-million dollar producing agent; Amy, magna cum laude at may MBA; Jason, founder ng kumpanya niyang JMG Management at Tammy, Asian-American stockbroker.
"Mayron kaming magkaibang plano sa buhay at ang mga gawain namin ay hindi ideal para magkaroon kami ng relasyon," ani Rachel na buong tapang na nagsabi na hindi lamang ang pagkakaron ng relasyon ang hadlang sa mga magagandang plano niya sa hinaharap na ang pinaka-ultimate ay ang maka-penerate sa global market kaya nga ang base niya ngayon ay NY na kung saan ay nakabili rin siya ng apartment sa Midtown Manhattan.
Hadlang din daw kung magkakaroon siya ng mga anak. "Wala akong maternal instinct," dagdag niya. "Hindi bahagi ang mga anak ng make-up ko as a person. Bukod dito, itinuturing ko nang mga anak ang mga projects na ginagawa ko ngayon. Ang dasal ko na lamang ay makatagpo rin ng isang lalaki na wala ring balak na magkaron ng anak," sey pa niya.
May apartment din ang kanyang ina sa lugar na binilhan niya ng bahay. Isang studio type ang sa kanya, ang sa kanyang ina naman ay may tatlong kwarto at matatagpuan sa ika-55th floor.
"Ang stepdad ko ang tsinitsismis na foreign diplomat na siya raw bumili ng apartment ko. Hindi ito totoo. Galing sa mga kita ko sa mga shows ang pinagbilhan ko ng bahay. Hindi foreign diplomat ang stepdad ko who is Italian-Japanese," pagtatanggol pa ni Rachel na excited na muling maka-sama si Geneva na tinawag niyang para na ring isang kapatid sapagkat uulitin na lamang niya ang kanilang pagsasama sa isang show. Matagal na nila itong ginagawa at ang showdown nila ay matagumpay pa nga nilang nadala sa US.
Sa July 30, mapapanood silang dalawa dito, sa Casino Filipino Parañaque. Pinamagatang Rematch, makakabili na ng tiket para dito sa lahat ng SM Ticketnet o kaya ay sa Live Artist Production 9202643/9260556.
Ilan lamang sa aawitin ni Gary V ay ang "Take Me Out Of The Dark", "Kailangan Kita", "Natutulog Ba Ang Diyos", "Gaya Ng Dati", "Sa Yahweh Ang Sayaw", "Shout For Joy", "How Did You Know", "Could You Be Messiah", "Letting Go", "Warrior Is A Child" at "Thats Why".
Bukod sa Manoeuvres, may mga special spots ang tatlong anak ni Gary V, sina Paolo, Gabriel at Kiana.
Ang tiket ay nagkakahalaga ng P1200, P800, P600, P500, P250 at P75.
Hinati ang mga applicants sa 2 grupo, the, men vs the women Eto sila, from top row left: Omarosa, isang political consultant; Bill, founder ng multi-million dollar cigars aroundthe world. com; Sam, co-founder ng internet media company na Potomac Tech Wire; Kristi, may-ari ng dalawang residential properties at isang restautrant sa Sta. Monica; Ereka, Global promotional marketing mgr. for Clinique; Kwame, may BS in bus. ad at MBA sa Harvard; Heidi, may Masters in Criminology; Bowle, isang account exec ng FEDEX; Troy, nagmemeari ng 7 properties; David, may 2 advanced degrees, isang MD at isang MBA; Nick, star athlete; Jessie, lumaki sa orphanage; Katrina, multi-million dollar producing agent; Amy, magna cum laude at may MBA; Jason, founder ng kumpanya niyang JMG Management at Tammy, Asian-American stockbroker.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended