^

PSN Showbiz

Karel Marquez nakunan ng hubad habang natutulog ?

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Ngayong gabi ay performer si Karel Marquez sa Dish (sa ABS-CBN). May pagkakataon ako na tanungin ito kung aware ba siya na may kumakalat na video na diumano ay nakunan siyang nude habang natutulog.

Laman ng blind item ang balitang ito. Pero syempre, hindi rin sigurado ang mga nagsusulat if it’s indeed Karel na nasa video kaya dinaan sa blind item.

With the age of modern technology, marami nang posible. Pwedeng ‘hubaran’ ang isang tao. Pwedeng palabasing ang isang artista ang nasa video. Isa lamang si Karel sa mga artistang biktima ng mga taong walang magawang mabuti sa kapwa.

Marami-rami na ring artista ang naisyuhan ng ganito. Nariyan sina Ruffa Gutierrez, Heart Evangelista, Andrea del Rosario at iba pa. Nakini-kinita ko nang magngingitngit sa galit ang magulang ni Karel kapag nalamang may ganitong isyu sa kanilang dalaga.

But just the same, kukunin ko pa rin ang reaksiyon ni Karel sa malisyosong balita sa kanya. I just hope hindi ko masira ang gabi ng performance niya sa itatanong ko.
* * *
Kapansin-pansin na kumpara noon, mas komportable na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isa’t isa ngayon. Inamin ni John na iba ang sitwasyon niya noon at ngayon. Noon daw, may girlfriend siya kaya medyo lumalayo siya sa ibang babae.

Kahit nga kay Bea na katrabaho niya, aminado siyang hindi sila close.

Pero iba raw ngayon. He appreciates Bea now. Inamin din niya na close sila ngayon nito. Nakita raw niya ang kahalagahan ngayon ni Bea sa kanyang buhay.

"Kung mero’n mang girl na closest sa akin, it’s Bea," sabi raw ni John Lloyd. "Imagine, sa loob ng isang linggo, 5 times kaming magkasama. Kaya if there’s a girl na talagang pinakamalapit sa akin, si Bea ‘yon."

Bukod kasi sa thrice a week taping para sa It Might Be You, 2 days naman ang nakalaan para sa shooting nila ng Now That I Have You. Patapos na ang movie at nakatakda nang ipalabas sa August.

Si Laurenti Dyogi ang direktor ng Now That I Have You. Kasama rin sa cast sila Nikki Valdez, Kristopher Peralta, Lui Villaruz, Cholo Escano, John Arcilla, Noel Colet at Jean Saburit.
* * *
Maraming nagbi-birthday ngayong buwan ng Hulyo. Gusto kong batiin si Julie Bonifacio, pangulo ng Philippine Movie Press Club. Mayro’n siyang inihandang salu-salo ngayong gabi sa PMPC office sa Delta Building, Roces Avenue, Quezon City.

Pati na rin si Mariole Alberto, Vice-President for Talent Development & Management Center ng ABS-CBN. Dati kong boss si Ms. Mariole and we’ve remained friends hanggang ngayon. She is one of the driving forces behind ABS-CBN Talent Center. Happy Birthday po!

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

CHOLO ESCANO

DELTA BUILDING

HAPPY BIRTHDAY

HEART EVANGELISTA

INAMIN

KAREL

NOW THAT I HAVE YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with