^

PSN Showbiz

Buong araw umiyak ang PR manager nang malamang idemanda siya ni Kris !

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nagkaroon ng reunion party ang Tabing Ilog cast recently na ginanap sa Solas Bar & Restaurant along Mo. Ignacia Avenue. Si Nini Matilac, ang dating executive producer ng show ang nag-organize. Hindi nakarating sina John Lloyd Cruz at Desiree del Valle dahil may sakit ang mga ito. Si Paula Peralejo naman, biglang nagpasabi na hindi siya makakarating.

Si Baron Geisler ang unang dumating.

Si Jodi Santamaria contented sa kanyang ASAP Fanatic hosting. Magsisimula na rin daw ang nationwide search ng Star Circle Quest. Nalaman ko rin na tinanggihan ni Jodi na gumanap bilang Brandy Ayala sa Maalaala Mo Kaya.

"Hindi ko kaya ‘yung mga eksena," katuwiran nito. "Baka hindi ko magawa ng tama."

Present din si Kaye Abad. Matamlay ito. Biniro nga siya ng grupo na baka nami-miss niya si John Lloyd. Ngumiti lang ito. After Sana’y Wala Nang Wakas, wala pang TV project si Kaye.

Nag-drop by si Paolo Contis. "Sandali lang ako, nag-change location lang kami kaya nakadaan ako," sabi nito. Happy naman daw siya sa kanyang career sa GMA-7. Kahit sa lovelife, going strong ang relasyon nila ni Nancy Castiglione.

Nakisaya rin sina Mico Palanca at Kristopher Peralta. Dumating din ang former child star na si Sarah Jane Abad na ngayon ay dalagang-dalaga na. Si Sarah Jane ay younger sister ni Kaye.

It was one of the night na hindi ko makakalimutan. Seeing your friends at makapagkwentuhan tungkol sa buhay-buhay.
* * *
Nag-apologize na si Rica Peralejo sa ABS-CBN dahil sa un-called for statement niya nang mag-guest ito (with Bernard Palanca) sa Extra Challenge. Ang feeling ni Rica, she was set up by staff of the said reality show.

"I’m sorry sa ABS-CBN dahil sa ginawa ko," sabi nito. Salamat na rin dahil binigyan nila ako ng second chance. Kung tutuusin, pwede na nila akong tanggalin. Pero umiral pa rin ang pagiging anak ko ng istasyon. Kapamilya pa rin ako," sabi pa nito.

Dahil sa recent incident, Rica was slapped with a 2-week suspension sa apat na shows niya sa ABS-CBN. Regular si Rica sa Ok Fine Whatever, ASAP Mania, EK Channel at Mangarap Ka.

Ayon sa isang TV executive na nakausap ko, "Kailangan namin siyang bigyan ng sanction. Para hindi tularan ng iba pang artista. Fair naman ‘yung ibinigay naming suspension sa kanya."

Dahil sa nangyari, naging istrikto na ang ABS-CBN sa mga talent nilang kinukuhang guest sa GMA-7 shows.

"For protection na rin nila ‘yon," sabi pa ng kausap ko. "Kasi, nakakatakot pala ang intentions ng GMA-7 kapag kinukuha nila ang mga artista namin."

Habang suspended, pupunta naman si Rica sa Australia for a series of shows.
* * *
Desidido na si Kris Aquino sa kanyang demanda sa isang PR officer ng PR department ng GMA-7 dahil sa malisyoso at libelous news item na ipinalabas nito. Ibinuking ng isang tabloid columnist na may move ang GMA na siraan si Kris at ang kanyang morning show na Good Morning, Kris!

Ang balita ko, buong araw umiyak ang nasabing PR officer nang malamang ididemanda siya ni Kris. This is the same PR officer na nagsabing hindi niya kilala ang isang tabloid entertainment editor samantalang panay ang padala niya ng press release dito.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa PR officers. Why resort to bashing and dirty tactic kung pwede namang i-publicize ang kanilang shows sa maganda at malinis na paraan?

vuukle comment

BARON GEISLER

BERNARD PALANCA

BRANDY AYALA

DAHIL

EXTRA CHALLENGE

GOOD MORNING

IGNACIA AVENUE

RICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with