^

PSN Showbiz

Baron,gustong gumawa ng nude painting ni Heart !

- Veronica R. Samio -
Iba talaga si Baron Geisler! Samantalang maraming lalaki ang may gusto ng mga dark colors sa kanilang kwarto kundi man tahasang black na tulad ng ilang mga kakilala kong artista, orange ang kulay na ipininta ni Baron Geisler sa kanyang kwarto, yes, siya po ang personal na nagpinta nito, at siya ay nagbabalik sa primetime TV sa pamamagitan ng seryeng It Might Be You bilang si Derek, ang tagapagtanggol ng character ni Bea Alonzo.

Masaya si Baron, tila limot na ang mga matitinding pagsubok na nagdaan sa kanyang buhay hindi pa naluluwatan. Katunayan, bumalik na siya sa kanyang pagpipinta. Nagbabalak siyang magdaos ng isang one man exhibit. Mayro’n na siyang mga 12 paintings. Daragdagan pa niya ito ng mga tatlo na lamang at pwede na siyang magkaro’n ng exhibit. Sinabi niya na sa framing pa lamang ng mga paintings niya ay gumastos na siya ng mahigit sa P12 thousand. Nang masunog ang kanilang bahay ay kasamang natupok ang mga nagawa na niyang paintings worth P100,000.

Sa kabila ng kaalaman niya sa pagpipinta, nagbabalak pa ring mag-aral ng painting si Baron sa isang formal school of arts. "Marami pa akong gustong matutunan. Mga eight sessions lamang ito at di ito makakaapekto sa aking trabaho which I need para matustusan ko ang aking pag-aaral. Mga P5,000 per course ang kailangan kong ibayad.

Baron has done a nude painting nang wala siyang modelo at ginamit lamang niya ang kanyang imahinasyon. Kahit alam niyang di ito papayag, gusto niyang gumawa ng isang nude painting ni Heart Evangelista.

Very active pa rin si Baron bilang spokesperson para sa anti-drug campaign sa anim na distrito ng Maynila ng Rotary Club.
* * *
Maganda naman yung ginawang ispesyal na palabas ng GMA 7 nung Biyernes dahil kung hindi maiiwan sila ng milya-milya ng ABS CBN na nasa huling episode ng Sana’y Wala Nang Wakas na kung saan ang parehang Kristine Hermosa at Jericho Rosales ang namayani.

Sa kanilang pagpapalabas o pagsisimula ng
Bagyo sa Hulyo, ang theme ng GMA’s KiliTV na ginawa nila sa programang Bubble Gang, nakaagaw din sila ng maraming manonood sa kabila, lalo na yung talagang tagahanga at supporter ng kanilang istasyon.

Live ang naging pagtatanghal na kung saan ay lumabas ang lahat ng stars ng mga sitcoms ng
Seven, tulad ng Lagot Ka Isusumbong Kita, All Together Now, Nuts Entertainment, Bubble Gang, Idol Ko si Kap, Daddy DiDoDu at maging ang cast ng Marinara at Te Amo.

Na-preempt ang mga palabas ng dalawang huling nabanggit na programa para magbigay daan sa paglulunsad ng
Bagyo sa Hulyo na nagtampok sa mga sikat na atleta tulad ng boxer na si Manny Pacquiao, ang manlalaro ng bilyar na si Dyango Bustamante, ang taekwondo winner na si Japoy at ang mga basketbolistang sina Freddie Webb at Yoyoy Martirez.

Panoorin at manalo ng mga malalaking cash prize tuwing Biyernes ng gabi, pagkatapos ng
Hanggang Kailan.

ALL TOGETHER NOW

BAGYO

BARON GEISLER

BEA ALONZO

BIYERNES

BUBBLE GANG

DYANGO BUSTAMANTE

FREDDIE WEBB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with