^

PSN Showbiz

Actor/businessman,hiniwalayan ng aktres dahil bading ito

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Dati’y sweet na sweet ang mag-sing-irog na ito. Halos ayaw na nilang magkahiwalay sa buong maghapon. Pero bigla na lang akong nagulat nang isang araw ay nalaman kong hiwalay na ang dalawa. "Ano ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?" tanong ko sa aking friend.

Ayon sa kanya ay nalaman daw ng aktres na may karelasyon ang lover niya na isang mayamang bading. Na-turn off ang beauty nito kaya hiniwalayan na nito ang kanyang mahal.
Aya, Swerte Sa Negosyo
Naaliw kami sa kwento ni Aya Medel na ngayon ay gustong mapanumbalik ang sigla ng career dahil tinutulungan pa rin ito ni Jojo Veloso. Masaya siya ngayon sa kanyang buhay dahil mabait ang kanyang napangasawa at malusog pa ang kanyang baby na si Shania Ishi Hayakawa. Ngayon ay one-year old na ito at two months at pwedeng maging commercial model.

Tinanong ko siya kung ano ang mga katangian ng isang Japanese husband. Nakakapag-adjust ba siya sa ugali nito?

"Buwan-buwan ay nagbabalikbayan siya para bisitahin niya kaming mag-ina. Kung hindi niya ito magawa ay ako ang nagtutungo ng Japan. Ang alam kong iluto ay mga pagkaing probinsya o lutong bahay lang. Di niya ito makain kaya siya ang nagluluto ng pagkain mostly Japanese foods. Buddhist ang aking asawa kaya mas gusto niyang makapag-asawa ng babaeng maswerte sa kanyang negosyo. Maswerte ako kaya pinakasalan niya. Ayaw na niyang maghubad ako pero payag naman na magpa-sexy huwag lang yong garapal," aniya.

Dalawa pang kapatid ni Aya ang pinag-aaral ng asawa nito, isa sa nursing at isa naman sa education course. Matatag na ang buhay ng kanyang pamilya dahil may boarding house na si Aya at may canteen ito sa Bicol na tumutulong din sa pang-araw-araw na pangangailangan nila.
Cristine, Ninerbyos Kay Direk Portes
Gustong makilala ni Cristine Reyes sa sariling pagsisikap at hindi bilang kapatid ni Ara Mina. Inamin nito na noong una ay ninerbyos siya kay Direk Gil Portes. "Mataas kasi ang boses niya kaya akala ko ay lagi siyang nagagalit. Pati ako nag- "take 3" dahil sabi ni Direk ay malikot daw ako," anang young actress.

Sa Beautiful Life ay ginagampanan nito ang papel ni Kim na bestfriend ni Aubrey Miles. Lagi na lang nata-type cast bilang tomboy ang role ni Cristine sa ilang episodes gaya ng StarStruck Playhouse.

"Marami akong kaibigang tomboy dahil sa Catholic school ako nag-aaral kung saan puro babae ang mga estudyante doon. Sa kanila ko kinopya ang mga kilos at pagsasalita ng isang tomboy," sey pa ng aktres.
Ara, Pumayag Na Mag-Kontrabida
Enjoy si Ara Mina sa kanyang bagong role bilang bida-kontrabida sa teleseryeng Mulawin. Mahirap ang papel na gagampanan niya rito pero handa na siyang sumalang sa naiibang karakter.

Papasok na rin ito sa Te Amo... Maging Sino Ka Man bilang kapareha ni Jomari Yllana at sa ending ay mapupunta naman si Iza Calzado kay Segundo Cernadas.

Bukod sa Usahay ay may balak ang Violett Films na kunin si Ara para itambal kay Aga Muhlach kung saan ang magdidirek ay si Maryo J. delos Reyes.

Sa kabilang banda ay sinasabing nagkakalamigan na sina Ara at Jom ngayon. Hindi magkasama ang dalawa sa Baguio noong idaos ang Golf Tournament for the Nivea Cup na nasundan ng Film Academy of the Philippines Awards Night. Katwiran ng aktor ay wala siyang natanggap na invitation for the said occasion.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ARA MINA

AUBREY MILES

AYA

AYA MEDEL

BEAUTIFUL LIFE

CRISTINE

CRISTINE REYES

DIREK GIL PORTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with