Jolina, hanggang kailan maitatago ang bf?
July 12, 2004 | 12:00am
Hanggang ngayon ay ayaw pang umamin ni Jolina Magdangal na may nagpapatibok na sa kanyang puso na isang taga-New York at kasalukuyang nag-aaral.
May balita na noong nakaraang taon ay humingi ang aktres ng ilang araw na bakasyon sa kanyang Daddy Jun Magdangal para pumunta sa New York kasama ang isang kapatid. Obviously, para makita at makasama ang napabalitang syota nito.
Nilinaw ng aktres na hindi totoo na ayaw ng parents niya sa napabalitang syota niya. Isa pang nilinaw nito ay malayo pa ang bagay na pag-aasawa sa kanyang isip dahil marami pa siyang gustong mangyari sa kanyang buhay. Pero, sinabi niyang di siya excluded sa mga babaing nangangarap pakasal, pero, sa tamang panahon.
Pinabulaanan din nito ang balitang plano raw niyang bumalik sa dating home studio para buhayin uli ang mainit nilang tambalan ni Marvin Agustin.
Kontento si Jolina sa magandang treatment sa kanya ng GMA-7 at napakalaki ang pasasalamat nito sa naturang network dahil pinagkatiwalaan siya. Walang pagsisisi sa kanya kung nagdesisyon siyang lumipat ilang taon na ang nakalipas dahil ibinigay sa kanya ng GMA ang gusto nitong mangyari sa kanyang showbiz career.
"Natural lang naman na suklian ko ng kabutihan ang magandang pagkakataong ibinigay sa akin ng Siyete. Im doing my very best para masuklian ko man lang sila." Alex Datu

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended