Bold na bold ang Liberated 2!!!
July 10, 2004 | 12:00am
Ang kaibhan ng mga bold movies ng Seiko Films kumpara sa maraming bold movies na nagsisilbing staple ng industriya ng pelikulang lokal (dahil sa kabila ng pangyayaring marami pa rin namang nagpo-prodyus ng mga magagandang pelikula lalot panahon ng Pista ng Pelikula kaya lamang parang tinatamad nang manood ang publiko at ang tinatangkilik na lamang ay mga bold movies) ay ang pangyayaring bukod sa kilala na at mga sikat na artista ang gumaganap sa mga pelikula nito ay magagaling din na direktor at mga scriptwriter ang bumubuo ng mga technical staff ng produksyon.
Tulad ng pelikulang Liberated 2 na walang sinabi ang orihinal na pelikula (Liberated) kung bold scenes ang pag-uusapan dahil sa Liberated 2 ay halos magkakasunod ang mga eksenang lovescenes bukod pa sa walang habas na pagpapakita ng mga katawan ng mga artistang gumaganap dito, lalo na ang dalawang bidang babae na sina Diana Zubiri at Francine Prieto. Tingin ko nga parang may kumpetisyon ang dalawa ay hindi lamang sa pelikula kundi maging sa labas nito, at ang resulta ay magsasawa ang mga manonood sa breast exposure, total nudity na iningatan naman ng direktor ng pelikula na si Mac Alejandre na walang maseselang ibabang parte ng katawan ng dalawang babae ang makikita.
Ang script ni Ricky Lee na intended for the Manila Film Festival ay mapapanood sa Hulyo 14 at may premiere night ito sa Hulyo 11 sa Cinema 9 ng Megamall.
Inamin ni Direk Mac na mas nakaka-shock ang Liberated 2 at mas maiinit ang mga lovescenes kesa sa naunang pelikula. Katunayan, maging ang producer ng pelikula na si Robbie Tan ay na-shock nang mapanood ang final cuts ng pelikula. Walang pag-aalalang nadarama ang direktor sa MTRCB sapagkat "Everything is in context here. Ive done three other bold films at so far malinis ang pagkakagawa ko, may taste. Hindi bastos o masyadong bulgar," anang direktor ng Liberated 2.
Nung huli kong makausap ang dalawang ultimate kiddie survivor ng StarStruck Kids na sina Kurt Perez at Sam Bumatay, parang artista na talaga sila. May tantrums nga si Sam dahil inabot yata ito ng napaka-tagal na pagta-trabaho sa taping ng The Aiza Seguerra Story sa Magpakailanman. Napaka-ganda ng suot nito, parang isang party dress at ayos na ayos ang buhok pero agad-agad ay gusto nitong ma-assure na hindi siya matagal na kakausapin dahil inaantok siya.
Ang P200,000 prize money niya ay nakalagak na sa bangko para sa mga pangangailangan niya sa mga darating na araw lalo na sa edukasyon. Marami siyang nakatakdang guesting. Bukod dito ay mayron na siyang commercial ng Purefoods Hotdog kaya ito ang bukang bibig niyang hotdog.
Prim and proper pa rin si Kurt Perez na tulad ni Sam ay halos kulang na sa pahinga sa rami ng mga imbitasyon na tinatangap nito bukod pa sa mga shows ng GMA na kailangan niyang gawin bilang pagtupad sa kanyang kontrata rito.
Pinaka-problema niya ay kung paano siya makapagta-transfer ng pag-aaral sa QC na kung saan ay pansamantala silang nangungupahan. Naka-enrol pa rin siya hanggang ngayon sa Cabanatuan City.
Sa kabila ng kanyang kakulangan ng pahinga, enjoy si Kurt sa tinatamasa niyang star status ngayon.
Patuloy naman ang pagtaas ng star ni Pia Guanio sa GMA7. Sa malas ay umaayon sa kanya ang kapalaran dahil sa pag-alis ni Janice de Belen bilang host ng S-Files ay siya agad ang kinuhang kapalit nito, simula bukas, Hulyo 11. Bukod sa napapanood siya sa mga programang Eat Bulaga, Digital LG Quiz Show, 24 Oras at All About You, kasama na rin siyang mag-iintriga sa showbiz nina Paolo Bediones, Joey Marquez at Richard Gomez sa pang-Linggo ng hapong palabas.Isa na siya sa pinaka-abalang Kapuso.
Email: veronicasamio @yahoo.co
Tulad ng pelikulang Liberated 2 na walang sinabi ang orihinal na pelikula (Liberated) kung bold scenes ang pag-uusapan dahil sa Liberated 2 ay halos magkakasunod ang mga eksenang lovescenes bukod pa sa walang habas na pagpapakita ng mga katawan ng mga artistang gumaganap dito, lalo na ang dalawang bidang babae na sina Diana Zubiri at Francine Prieto. Tingin ko nga parang may kumpetisyon ang dalawa ay hindi lamang sa pelikula kundi maging sa labas nito, at ang resulta ay magsasawa ang mga manonood sa breast exposure, total nudity na iningatan naman ng direktor ng pelikula na si Mac Alejandre na walang maseselang ibabang parte ng katawan ng dalawang babae ang makikita.
Ang script ni Ricky Lee na intended for the Manila Film Festival ay mapapanood sa Hulyo 14 at may premiere night ito sa Hulyo 11 sa Cinema 9 ng Megamall.
Inamin ni Direk Mac na mas nakaka-shock ang Liberated 2 at mas maiinit ang mga lovescenes kesa sa naunang pelikula. Katunayan, maging ang producer ng pelikula na si Robbie Tan ay na-shock nang mapanood ang final cuts ng pelikula. Walang pag-aalalang nadarama ang direktor sa MTRCB sapagkat "Everything is in context here. Ive done three other bold films at so far malinis ang pagkakagawa ko, may taste. Hindi bastos o masyadong bulgar," anang direktor ng Liberated 2.
Ang P200,000 prize money niya ay nakalagak na sa bangko para sa mga pangangailangan niya sa mga darating na araw lalo na sa edukasyon. Marami siyang nakatakdang guesting. Bukod dito ay mayron na siyang commercial ng Purefoods Hotdog kaya ito ang bukang bibig niyang hotdog.
Prim and proper pa rin si Kurt Perez na tulad ni Sam ay halos kulang na sa pahinga sa rami ng mga imbitasyon na tinatangap nito bukod pa sa mga shows ng GMA na kailangan niyang gawin bilang pagtupad sa kanyang kontrata rito.
Pinaka-problema niya ay kung paano siya makapagta-transfer ng pag-aaral sa QC na kung saan ay pansamantala silang nangungupahan. Naka-enrol pa rin siya hanggang ngayon sa Cabanatuan City.
Sa kabila ng kanyang kakulangan ng pahinga, enjoy si Kurt sa tinatamasa niyang star status ngayon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am