Malaysian-produced movies with 100% local talents
July 8, 2004 | 12:00am
Magandang balita ito para sa mga manggagawa ng pelikulang lokal. Sa kabila ng patuloy na paghihingalo ng pelikulang Pinoy, nabigyan ito ng panibagong pag-asa sa pagsasanib ng pwersa ng Asean Filwerke SDN. BHD Malaysia, sa pamumuno ni G. E. Ram Nadji Rahman bilang executive producer at ng Cinecolor. Bukod dito, mabibigyan ang mga pelikula na rin ng pagkakataon sa world markets na kasalukuyang ini-enjoy ng mga ibang bansa sa Asya tulad ng Hongkong at India.
Magkasamang gagawa ng 12 pelikula ang dalawang nabanggit na kumpanya sa loob ng isang taon using 100 % local talents, writers, directors, cinematographers, actors/actresses for showing in Asean countries Philippines, Malaysia, Indonesia, Cambodia, Vietnam, Singapore, Hongkong, Korea, Bangkok, atbp.
Ang Asean Filmwerke (Malaysia) ay myembro ng isang malaking conglomerate ng Petronas group. Ang head office nito ay matatagpuan sa Selangor, Malaysia.
Ang lokal partner nito, ang Cinecolor ay iso-shoot ang lahat ng pelikula simula sa Agosto 2004 hanggang Setyembre 2005. Inaanyayahan ang mga scriptwriter na mag-submit ng kanilang script sa 185 EDSA. Bgy. WackWack Mandaluyong City for possible selection in the film projects mentioned.
Samantala, sa isang pakikipag-usap kay G. Ben Yalung, ang nagmemeari ng Cinecolor, sinabi nito na hindi nila kagustuhan ang pagkakaantala ng proseso ng post production ng pelikulang Anak Ka Ng Tatay Mo ng Magsaysay Films. Isang force majeur daw ang nangyari na nag-resulta sa isang araw na pagkakaantala ng pagpapalabas ng pelikula nung Manila Film Festival. Hindi raw ganun ang mga trabahong ginagawa ng Cinecolor. Katunayan, ipinapanood nito sa amin ang isang pelikula ng Vincent Films na katatapos lamang mag-post production sa Cinecolor at maganda naman ang pagkakagawa ng Perlas na nagtatampok kina Kat de Santos, Via Veloso, Mark Dionisio at Ryan Muñoz.
Isang bagong magasin na panlalaki ang makikita sa buwang ito sa mga bookstores at newsstands. Ito ang Toyz For The Boyz na tumatalakay sa mga bagay na kinahihiligan ng mga lalaki, mula sa kotse, gadgets, paglalakbay, sports at, higit sa lahat, seksi at magagandang babae.
"Pinagsama-sama namin dito ang mga bagay na hilig ng lalaki," ani Capt. Rommel Macasaquit, publisher ng bagong magasin.
Idinagdag pa nito na bukod sa mga magagandang modelo, marami ring mga impormasyon dito tungkol sa mga popular sports, di lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Si Cherry Lou ang nag-pose sa mga revealing shots na ikakikilig ng mga mambabasa ng maiden issue ng Toyz For The Boyz na ka-tie up ang Solar Entertainment Channel. Mens Room ng Studio 23, at Airforce 1.
Tinatawagan ng publisher ang mga modelo na gustong makita sa mga pahina ng bagong magasin. Baka ito na ang pagkakataon nyo na sumikat. Tawag lang kayo sa 7250287 at hanapin si Jayvee o Hubert.
Gumanda ang career ni Reggie Curley. Pagkatapos ng matagumpay na pelikulang I Will Survive, muling nakaharap sa camera ang modelong naging aktor sa A Beautiful Life sa ilalim ng direksyon ni Gil Portes.
Pagkatapos makatrabaho ang tatlong nirerespetong direktor sa bansa Jose Javier Reyes, Mac Alejandre at Joel Lamangan pakiramdam ni Reggie ay nasa mabuti rin siyang kamay ni Portes lalot magagaling ang mga co-stars niya na sina Raymond Bagatsing, Dina Bonnevie, Angel Aquino, Ricky Davao at Aubrey Miles.
Bonus din para kay Reggie na makasamang muli si Dina Bonnevie na inamin niyang matagal na niyang crush at hinahangaan.
[email protected]
Magkasamang gagawa ng 12 pelikula ang dalawang nabanggit na kumpanya sa loob ng isang taon using 100 % local talents, writers, directors, cinematographers, actors/actresses for showing in Asean countries Philippines, Malaysia, Indonesia, Cambodia, Vietnam, Singapore, Hongkong, Korea, Bangkok, atbp.
Ang Asean Filmwerke (Malaysia) ay myembro ng isang malaking conglomerate ng Petronas group. Ang head office nito ay matatagpuan sa Selangor, Malaysia.
Ang lokal partner nito, ang Cinecolor ay iso-shoot ang lahat ng pelikula simula sa Agosto 2004 hanggang Setyembre 2005. Inaanyayahan ang mga scriptwriter na mag-submit ng kanilang script sa 185 EDSA. Bgy. WackWack Mandaluyong City for possible selection in the film projects mentioned.
Samantala, sa isang pakikipag-usap kay G. Ben Yalung, ang nagmemeari ng Cinecolor, sinabi nito na hindi nila kagustuhan ang pagkakaantala ng proseso ng post production ng pelikulang Anak Ka Ng Tatay Mo ng Magsaysay Films. Isang force majeur daw ang nangyari na nag-resulta sa isang araw na pagkakaantala ng pagpapalabas ng pelikula nung Manila Film Festival. Hindi raw ganun ang mga trabahong ginagawa ng Cinecolor. Katunayan, ipinapanood nito sa amin ang isang pelikula ng Vincent Films na katatapos lamang mag-post production sa Cinecolor at maganda naman ang pagkakagawa ng Perlas na nagtatampok kina Kat de Santos, Via Veloso, Mark Dionisio at Ryan Muñoz.
"Pinagsama-sama namin dito ang mga bagay na hilig ng lalaki," ani Capt. Rommel Macasaquit, publisher ng bagong magasin.
Idinagdag pa nito na bukod sa mga magagandang modelo, marami ring mga impormasyon dito tungkol sa mga popular sports, di lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Si Cherry Lou ang nag-pose sa mga revealing shots na ikakikilig ng mga mambabasa ng maiden issue ng Toyz For The Boyz na ka-tie up ang Solar Entertainment Channel. Mens Room ng Studio 23, at Airforce 1.
Tinatawagan ng publisher ang mga modelo na gustong makita sa mga pahina ng bagong magasin. Baka ito na ang pagkakataon nyo na sumikat. Tawag lang kayo sa 7250287 at hanapin si Jayvee o Hubert.
Pagkatapos makatrabaho ang tatlong nirerespetong direktor sa bansa Jose Javier Reyes, Mac Alejandre at Joel Lamangan pakiramdam ni Reggie ay nasa mabuti rin siyang kamay ni Portes lalot magagaling ang mga co-stars niya na sina Raymond Bagatsing, Dina Bonnevie, Angel Aquino, Ricky Davao at Aubrey Miles.
Bonus din para kay Reggie na makasamang muli si Dina Bonnevie na inamin niyang matagal na niyang crush at hinahangaan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended