Jay Manalo,itinanggi si Denise Joaquin
July 7, 2004 | 12:00am
Sa backstage ng awards night ng nakaraang Metro Filmfestival ay naka-usap ko sandali si Jay Manalo. Sinabi nito na tinanggap niya ang pagkatalo bilang konsehal sa Tondo dahil baguhan pa lang siya. "Hindi ako nagdaramdam bagkus itinuturing ko itong magandang experience sa pulitika. May mga pelikula naman ako like Feng Shui katambal si Kris Aquino at Pagsapit ng Dilim. Aktibo naman ang aking career ngayon, kaya okey lang," aniya.
Nilinaw din nito ang isyu tungkol sa umanoy pagkakamabutihan nila ngayon ni Denise Joaquin kung saan umalma ang kanyang asawa.
"Hindi totoo ang balita dahil magkabarkada lang kami ni Denise. Matagal na kaming magkaibigan at stable pa rin ang relasyon namin ng aking asawa. Hindi na ako apektado sa intriga," dagdag pa ni Jay.
Inamin ni Genelyn Magsaysay na na-trauma siya bilang prodyuser dahil sa mga problemang inabot sa Anak Ka ng Tatay Mo kung saan hindi naipalabas sa mga sinehan ang kanilang entry sa Manila Film Festival.
"Gayunpaman itinuturing ko na lang itong isang magandang karanasan dahil natuto rin ako kahit paano at higit sa lahat, nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa showbiz. Hindi pa ako sigurado kung itutuloy ko pa ang pagpoprodyus dahil sa nangyaring kapalpakan ng aking pelikula," sey ng mabait na produ.
Kunsabagay kahit di muna magprodyus ng pelikula si Genelyn ay may manager naman ang kanyang anak na si Ram Revilla at ito na ang bahalang maghanap ng project para rito.
Well-organized ang ginawang awards nights ng Film Academy of the Philippines, naging mabilis at maayos ang daloy ng program. Maayos at tahimik ang awards night dahil walang naglalakad sa aisle, walang kumukuhang photographer habang may programa at higit sa lahat, walang nagsisigawang fans. Lumitaw lamang ang mga photographers nang matapos ang palabas.
Hindi boring ang programa dahil ang nagsilbing production number ay ang theme song ng limang nominadong pelikula sa best picture.
Nakopo ng Magnifico ang awards para sa best film, director- best supporting actress-best actor-best screenplay. Nanalo naman si Eric Quizon bilang best supporting actor sa Crying Ladies at si Maricel Soriano bilang best actress para sa Filipinas. Nabigyan din ng parangal sina Augusto Salvador, ng Lifetime Achievement Awards bilang direktor at si Eddie Romero sa paggawa ng mga dekalidad na mga pelikula na naging matalinghaga ang sinabi nito sa acceptance speech na dapat tulungan ng ating gobyerno ang local film industry lalo na sa pagpapataw ng amusement tax.
Binigyan din ng parangal sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Lito Lapid, mga artista na nahalal na mga senador ng bansa.
Magaling na host si Pops Fernandez, mapa-Ingles o mapa-Tagalog at napaka-spontaneous nito. Bukod sa pagho-host ay may sense of humor si Ogie Alcasid at napapatawa nito ang mga audience during intermission break.
Late nang dumating si Philip Salvador kasama ang kanyang asawang si Emma Karen Ledesma.
Walang Hall of Fame ang FAP gaya ng FAMAS pero si Ipe ang may pinaka-maraming natanggap na tropeo sa FAP bilang best actor na nagsimula noong taong 1982, 1985, 1987, 1988, 1993, 1994 at 1996. Dapat ay parangalan din ito, di ba?
Magkasamang dumating sa awards night sina Bong at Jinggoy pagpapatunay ng ang pagiging mag-best friends nila.
Minsan kasi ay nag-taping ang aktres/politician sa isang magarang tahanan sa isang subdivision somewhere in Kyusi. Humingi ito ng sigarilyo sa kanyang alalay during a taping break. Buga nang buga ang ginawa nito. Nang matapos manigarilyo ay basta na lang itinapon sa sahig ang upos ng sigarilyo at tinapakan ito. Ginawa pang basurahan ang sahig. Napailing na lang ang ilang staff ng programa. Akala pa naman nila ay may disiplina ito lalo na sa kalinisan ng lugar.
Ang actress-politician ay nanalo uli sa nakaraang eleksyon at may regular show sa kasalukuyan.
Nilinaw din nito ang isyu tungkol sa umanoy pagkakamabutihan nila ngayon ni Denise Joaquin kung saan umalma ang kanyang asawa.
"Hindi totoo ang balita dahil magkabarkada lang kami ni Denise. Matagal na kaming magkaibigan at stable pa rin ang relasyon namin ng aking asawa. Hindi na ako apektado sa intriga," dagdag pa ni Jay.
"Gayunpaman itinuturing ko na lang itong isang magandang karanasan dahil natuto rin ako kahit paano at higit sa lahat, nagkaroon ako ng maraming kaibigan sa showbiz. Hindi pa ako sigurado kung itutuloy ko pa ang pagpoprodyus dahil sa nangyaring kapalpakan ng aking pelikula," sey ng mabait na produ.
Kunsabagay kahit di muna magprodyus ng pelikula si Genelyn ay may manager naman ang kanyang anak na si Ram Revilla at ito na ang bahalang maghanap ng project para rito.
Hindi boring ang programa dahil ang nagsilbing production number ay ang theme song ng limang nominadong pelikula sa best picture.
Nakopo ng Magnifico ang awards para sa best film, director- best supporting actress-best actor-best screenplay. Nanalo naman si Eric Quizon bilang best supporting actor sa Crying Ladies at si Maricel Soriano bilang best actress para sa Filipinas. Nabigyan din ng parangal sina Augusto Salvador, ng Lifetime Achievement Awards bilang direktor at si Eddie Romero sa paggawa ng mga dekalidad na mga pelikula na naging matalinghaga ang sinabi nito sa acceptance speech na dapat tulungan ng ating gobyerno ang local film industry lalo na sa pagpapataw ng amusement tax.
Binigyan din ng parangal sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Lito Lapid, mga artista na nahalal na mga senador ng bansa.
Magaling na host si Pops Fernandez, mapa-Ingles o mapa-Tagalog at napaka-spontaneous nito. Bukod sa pagho-host ay may sense of humor si Ogie Alcasid at napapatawa nito ang mga audience during intermission break.
Late nang dumating si Philip Salvador kasama ang kanyang asawang si Emma Karen Ledesma.
Walang Hall of Fame ang FAP gaya ng FAMAS pero si Ipe ang may pinaka-maraming natanggap na tropeo sa FAP bilang best actor na nagsimula noong taong 1982, 1985, 1987, 1988, 1993, 1994 at 1996. Dapat ay parangalan din ito, di ba?
Magkasamang dumating sa awards night sina Bong at Jinggoy pagpapatunay ng ang pagiging mag-best friends nila.
Ang actress-politician ay nanalo uli sa nakaraang eleksyon at may regular show sa kasalukuyan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended