^

PSN Showbiz

Kris pinagtawanan ni Rene Mariano

-
Natatawa na lamang ang magaling na manghuhula na si Rene Mariano sa tinuran ni Kris Aquino na hindi nito nahulaan ang mangyayari sa kanila ni Joey Marquez. Gustong palabasin ni Kris nang mag-guest si Rene sa kanyang mga parukyano, na hindi ito dapat paniwalaan dahil nang hulaan siya nitong magkakabalikan sila ni Joey ay hindi natupad.

Dahil dito ay vindicated ang kaisa-isang manghuhulang pinagkakatiwalaan ni Dina Bonnevie dahil lumalabas ngayon na si Joey ang dahilan ng paghihiwalay nina Kris at Mark Lapid.

Ayon kay Kuya Rene nang makausap ko ito ng personal, hindi dapat magsalita ng patapos si Kris dahil marami pa ang maaaring mangyari. Although sinabi naman ni Kuya Rene na ang sa kanya ay isang hula lamang at maaari itong harangin sa pamamagitan ng dasal, pero sa nangyayari ngayon kay Kris ay mukhang nagkakatotoo ang kanyang sinabi dito noon.

Nabalitaan din ni Kuya Rene na tila nagbabanta ang mga malalapit na kaibigan ni Joey na lalabas na umano ang sex video nina Kris at ni Joey sa publiko upang tuluyan nang hindi magkatuluyan ang dalawang nabanggit. Maging si Tita Cory Aquino umano ay hindi nakaligtas nang puntahan ito ng naturang grupo upang pagbawalan si Kris sa pakikipagbalikan nito kay Joey.

Dahil dito, isa lang ang nais na iwang tanong ni Kuya Rene sa lahat ng makakabasa: Sino ngayon ang sinungaling? – Tonton Villamor

vuukle comment

DAHIL

DINA BONNEVIE

JOEY MARQUEZ

KRIS

KRIS AQUINO

KUYA RENE

MARK LAPID

RENE MARIANO

TITA CORY AQUINO

TONTON VILLAMOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with