^

PSN Showbiz

Kasalanan ba ng foreign movies ang paghina ng local films?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Sa statement na ibinigay ni Robin Padilla, mukhang sinisisi pa niya ang mga foreign films kaya mahina ang mga pelikulang kasali sa Manila Film Festival. Pati ang pelikula ni Robin, nakakagulat pero, mahina. Partikular niyang tinukoy ang pelikulang Spiderman na nakaapekto raw sa kita ng kanilang mga pelikula.

Hindi kami sang-ayon sa statement na yon ni Robin. Talagang ganoon, may kumpetisyon talaga. May panahon na tinatalo ng kanyang mga pelikula ang kita ng mga pelikulang dayuhan. Nagkataon ngayong talo siya, pero hindi dapat sisihin ang mga pelikulang Ingles. Ibig bang sabihin, ang solusyon para umangat ang pelikulang Pilipino ay patayin ang mga pelikulang Ingles?

Isang magandang example ang Korea. Doon inilalampaso ng mga pelikulang Koreano ang mga pelikulang Ingles. Simple lang ang ginawa nila. Gumawa sila ng mga pelikulang mas magaganda kaysa sa mga pelikulang Ingles. Tingnan ninyo, ngayon binibili na ng mga Kano ang kanilang pelikula.

Ang problema sa mga pelikulang Pilipino, tinitipid nila ang produksyon kaya naman bumababa ang kalidad, doon na kami sa pelikulang Ingles na alam naming sulit ang ibabayad namin sa mga sinehan. Isipin ninyo kung gaano kagaganda ang mga pelikulang Ingles na inilalabas sa mga sinehan natin lately. Ikumpara naman ninyo ang mga pelikulang Pilipino na ginagawa nila.

Ganyan talaga ang kumpetisyon. Kailangang gumawa naman ang mga Pinoy ng mga pelikulang mahuhusay. Bakit ba noong araw, tinatalo ng mga pelikula natin ang mga pelikulang Kano. Tinalo ng pelikula ni Sharon Cuneta ang Stallone noon. Tinalo ni Robin Padilla ang isang pelikulang James Bond noon. Bakit hindi natin magawa yan?
* * *
Ano nga ba ang nangyayari riyan sa Viva Television? Noong araw, sila ang gumagawa ng mga shows na matataas ang rating. Isipin ninyo, ang taas ng rating noong araw ng Villa Quintana. Gumawa rin ng trend ang TGIS. Nakopo ng Who Wants To Be A Millionaire ang television audience noon.

Nakagawa sila ng trend doon sa Star For A Night, kaya lang matapos ang isang taon ay nagkaroon sila ng problema sa franchise, natigil yon. Gumawa sila ng isang local version, yong Search For A Star, matapos ang isang taon nagkaroon naman sila ng problema sa network, natigil din yon.

Ngayon, ang kanilang star-host na si Regine Velasquez ay gagawa ng katulad din ng show na yon, pareho rin ang formula pero network produced na. Kamote ang labas ng Viva Television. Sino ba ang nagdadala ng malas sa kanila?
* * *
Matindi ang tsismis na ito. May isang male bold star na nagsimula sa isang male personality contest, na ayon sa aming source ay napanood daw niya bilang star sa isang private party sa Japan. Nasa Japan pala ang male bold star na yan, at lumalabas nga raw sa mga private shows. Matindi yan ha.

BAKIT

GUMAWA

ISANG

ISIPIN

PELIKULANG

PILIPINO

ROBIN PADILLA

VIVA TELEVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with