Pabata nang pabata ang mga artista
July 3, 2004 | 12:00am
Kapansin-pansin ang napakaraming turnover ng mga kabataan na gustong mag-artista. Bawat kumpanya ng pelikula, telebisyon o maski na mga pribadong kumpanya na magpatawag ng audisyon ay dinadagsa ng mga may pangarap na maging artista.
Sa hanay ng mga kabataan na sinasanay at hinahasa sa kasalukuyan ng ABS CBN Talent Center, apat ang namumukod-tangi hindi lamang dahilan sa kanilang talento kundi maging sa kanilang looks.
Si Julio Pacheco ay mas nakilala nang gumanap na anak ni Sharon Cuneta sa pelikulang Crying Ladies. Nanalo rin siya bilang Best Child Performer para sa nasabing pelikula. Bukod dito, nabigyan siya ng tatlong Best Child Performer nominations. Madalas siyang makita sa mga palabas ng Dos, partikular sa Sanay Wala Nang Wakas na kung saan ay gumaganap siyang kapatid ni Angelika dela Cruz.
Grade 4 siya sa St. Benedict College.
Twelve years old naman si Sean Ignacio, napapanood sa Pangako Sa Yo at Ang TV 2. Dahil ABS CBN talent, madalas siyang mapanood sa mga palabas nito. Ganundin din sa mga TV ads ng Zest, Growee, Mitsubishi, Chamyto, Jollibee, Nissin, Bayantel at Magnolia. First year high school na siya sa Elizabeth Seton na kung saan ay natapos niya ang kanyang elementary.
Dalawa na ang pelikula ni Gemmae Custodio, junior ng kanyang ina na may pangalan ding Gemma. Ito ang I Will Survive at ang palabas pa ring Kulimlim bilang anak ni Robin Padilla.
Tatlong taon pa lamang ay nagpakita na ng hilig sa pag-arte si Gemmae kung kaya sumasali na ito sa mga pagrampa sa mga malls. Nag-audition siya sa ABS-CBN at kasama sa 10 nakapasa.
Consistent honor stude sa Our Lady of Lourdes School sa Novaliches ang pitong taong gulang na artista.
Si Miles Ocampo ang pinaka-bibo sa apat. Kung pamilyar ang mukha niya, ito ay sa dahilang batang lalaki ang role niya sa Mangarap Ka topbilled by Piolo Pascual. "Pero, ngayon po ay babae na ang role ko," ang mabilis na sabi ng 7 taong gulang na bata na nang sabihang umiyak ng mga press ay dagling tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Isa sa pinaka-in demand na child stars si Miles at patunay ay ang mga guestings niya sa programa ng Dos, kasama rin siya sa cast ng Otso-Otso ng Star Cinema. Kahit busy, honor student pa rin siya sa School of St. Anthony na kung saan ay Most Outstanding Student siya last school year.
Sayang at di ko nakasama ang malikot kong apo na si Marcus Aldy sa National Day ng Dunkin Donuts na kung saan ay namigay sila ng libreng donuts sa mga bata mula alas-3:00 hanggang 4:00 NH sa lahat ng outlets nila nung June 19. Sana, nagsawa ito sa donuts na tulad ko. Buti na lamang at may sugar raised variety ito na kung saan ay ipinapagpag kong lahat ang asukal bago ko kainin. Kung hindi, baka inatake na ako ng diabetes ko.
Sa Megamall ako napadpad na kung saan bukod sa libreng donuts, ay may mga nagta-tattoo sa mga braso ng bata. May clown na gumagawa ng lobo na may ibat ibang hugis at gumagawa ng malalaking bubbles na kung saan ay pwedeng pumasok ang mga bata. Ang saya talaga dahil meron pang balloon at maliliit na bandera na ibinibigay sa mga bata.
Isa yung magandang promo para sa
Dunkin Donuts na di na malilimutan ng mga bata. Isang magandang pagdiriwang para sa Araw ng Kalayaan at pasasalamat sa mga supporters ng Dunkin Donuts sa loob ng 23 yrs.
[email protected]
Sa hanay ng mga kabataan na sinasanay at hinahasa sa kasalukuyan ng ABS CBN Talent Center, apat ang namumukod-tangi hindi lamang dahilan sa kanilang talento kundi maging sa kanilang looks.
Si Julio Pacheco ay mas nakilala nang gumanap na anak ni Sharon Cuneta sa pelikulang Crying Ladies. Nanalo rin siya bilang Best Child Performer para sa nasabing pelikula. Bukod dito, nabigyan siya ng tatlong Best Child Performer nominations. Madalas siyang makita sa mga palabas ng Dos, partikular sa Sanay Wala Nang Wakas na kung saan ay gumaganap siyang kapatid ni Angelika dela Cruz.
Grade 4 siya sa St. Benedict College.
Twelve years old naman si Sean Ignacio, napapanood sa Pangako Sa Yo at Ang TV 2. Dahil ABS CBN talent, madalas siyang mapanood sa mga palabas nito. Ganundin din sa mga TV ads ng Zest, Growee, Mitsubishi, Chamyto, Jollibee, Nissin, Bayantel at Magnolia. First year high school na siya sa Elizabeth Seton na kung saan ay natapos niya ang kanyang elementary.
Dalawa na ang pelikula ni Gemmae Custodio, junior ng kanyang ina na may pangalan ding Gemma. Ito ang I Will Survive at ang palabas pa ring Kulimlim bilang anak ni Robin Padilla.
Tatlong taon pa lamang ay nagpakita na ng hilig sa pag-arte si Gemmae kung kaya sumasali na ito sa mga pagrampa sa mga malls. Nag-audition siya sa ABS-CBN at kasama sa 10 nakapasa.
Consistent honor stude sa Our Lady of Lourdes School sa Novaliches ang pitong taong gulang na artista.
Si Miles Ocampo ang pinaka-bibo sa apat. Kung pamilyar ang mukha niya, ito ay sa dahilang batang lalaki ang role niya sa Mangarap Ka topbilled by Piolo Pascual. "Pero, ngayon po ay babae na ang role ko," ang mabilis na sabi ng 7 taong gulang na bata na nang sabihang umiyak ng mga press ay dagling tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Isa sa pinaka-in demand na child stars si Miles at patunay ay ang mga guestings niya sa programa ng Dos, kasama rin siya sa cast ng Otso-Otso ng Star Cinema. Kahit busy, honor student pa rin siya sa School of St. Anthony na kung saan ay Most Outstanding Student siya last school year.
Sa Megamall ako napadpad na kung saan bukod sa libreng donuts, ay may mga nagta-tattoo sa mga braso ng bata. May clown na gumagawa ng lobo na may ibat ibang hugis at gumagawa ng malalaking bubbles na kung saan ay pwedeng pumasok ang mga bata. Ang saya talaga dahil meron pang balloon at maliliit na bandera na ibinibigay sa mga bata.
Isa yung magandang promo para sa
Dunkin Donuts na di na malilimutan ng mga bata. Isang magandang pagdiriwang para sa Araw ng Kalayaan at pasasalamat sa mga supporters ng Dunkin Donuts sa loob ng 23 yrs.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended