'Naglalayag',matulad kaya sa 'Magnifico
July 2, 2004 | 12:00am
Ma-duplicate kaya ng producer ng Angora Films na si Atty. Gaudioso Manalo, producer ng Naglalayag ang swerteng inabot ng Magnifico na prinodyus ng Violett Films ni Madame Violet Sevilla na patuloy na tumatanggap ng papuri hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa? Ang pelikulang Naglalayag na pinangunahan nina Nora Aunor at Yul Servo ay dinirek ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes na siya ring nagdirek ng Magnifico ng Violett Films.
Inaasahan namin na ang muling pagkakapanalo ni Guy (Nora) bilang Best Actress sa MFF ay magsilbing daan para muli siyang maging aktibo sa kanyang movie career. Limang taon din kasi ang binilang bago muling gumawa ng pelikula si Guy. Huling ginawa niya ay ang Sidhi noong 1999. Umaasa rin kami na sanay makatulong ang napakaraming awards na nakopo ng Naglalayag upang umangat ang pelikula sa takilya.
Napakagaling ding aktor ni Yul Servo pero bihirang-bihira rin siyang mabigyan ng movie assignment to think na bawat pelikulang kanyang gawin ay napapansin ang acting niya.
Simula ngayong Sabado (July 3) ng gabi ay hindi na mapapanood ang programang Celebrity Turns ni Junie Lee (Michael V.) dahil papalitan na ito ng bagong programa na si Michael V. pa rin ang main host, ang Bitoys Funniest Videos na magsisimula namang mapanood sa mas maagang oras ng alas-6:30 ng gabi.
Bukod sa pagiging host ni Bitoy (Michael V.), involved din siya sa creative team na binubuo rin ng mga taong nasa likod ng long-running at top-rated gag show, ang Bubble Gang.
Kakaiba rin ang ginawang press launch ng Bitoys Funniest Videos ng GMA-7 dahil meron silang inihandang panggulat sa mga inimbitahang entertainment writers at iba pang bisita na ginanap sa executive lounge (17th floor) ng GMA Bldg.
Samantala, tiyak na magki-klik ang bagong programa ni Bitoy na hango sa Americas Funniest Home Videos. Ang mga segments ng programa ay kinabibilangan ng "Yari Ka!," "Mirror, Mirror on the Wall," "Bitoy on the Road" at ang Americas Funniest Home Videos na ita-Tagalize ni Bitoy.
Nagsimula kahapon (July 1) at magtatapos sa July 12 ang ika-anim na taunang Makati Cinemanila Intl. Film Festival kung saan 12 pelikula mula sa ibat ibang bansa ang maglalaban-laban tulad ng Pilipinas, Sri Lanka, Finland, Malaysia, Sweden, Hong Kong, UK-Luxembourg, Italy, United Kingdom, Afghanistan, Singapore, Denmark, Russia at Japan. Bukod pa ang mga ito sa Documentary Films at Short Films na maglalaban-laban.
Apat na documentary films ang magmumula sa America at isa naman sa Pilipinas ang magku-compete at ang mga ito ay ang Imelda (USA), Maid in Singapore (Philippines), Persona Non Grata (USA) at Trollywood (USA).
Ang tatlong documentary films for exhibition ay ang Bus 174 at Stones in the Sky ng Brazil at ang Vivants Chez Les Morts ng France.
Ang lahat ng mga kalahok na pelikula ng Makati Cinemanila International Film Festival ay patuloy na mapapanood sa Greenbelt Cinemas sa Makati City.
<[email protected]>
Inaasahan namin na ang muling pagkakapanalo ni Guy (Nora) bilang Best Actress sa MFF ay magsilbing daan para muli siyang maging aktibo sa kanyang movie career. Limang taon din kasi ang binilang bago muling gumawa ng pelikula si Guy. Huling ginawa niya ay ang Sidhi noong 1999. Umaasa rin kami na sanay makatulong ang napakaraming awards na nakopo ng Naglalayag upang umangat ang pelikula sa takilya.
Napakagaling ding aktor ni Yul Servo pero bihirang-bihira rin siyang mabigyan ng movie assignment to think na bawat pelikulang kanyang gawin ay napapansin ang acting niya.
Bukod sa pagiging host ni Bitoy (Michael V.), involved din siya sa creative team na binubuo rin ng mga taong nasa likod ng long-running at top-rated gag show, ang Bubble Gang.
Kakaiba rin ang ginawang press launch ng Bitoys Funniest Videos ng GMA-7 dahil meron silang inihandang panggulat sa mga inimbitahang entertainment writers at iba pang bisita na ginanap sa executive lounge (17th floor) ng GMA Bldg.
Samantala, tiyak na magki-klik ang bagong programa ni Bitoy na hango sa Americas Funniest Home Videos. Ang mga segments ng programa ay kinabibilangan ng "Yari Ka!," "Mirror, Mirror on the Wall," "Bitoy on the Road" at ang Americas Funniest Home Videos na ita-Tagalize ni Bitoy.
Apat na documentary films ang magmumula sa America at isa naman sa Pilipinas ang magku-compete at ang mga ito ay ang Imelda (USA), Maid in Singapore (Philippines), Persona Non Grata (USA) at Trollywood (USA).
Ang tatlong documentary films for exhibition ay ang Bus 174 at Stones in the Sky ng Brazil at ang Vivants Chez Les Morts ng France.
Ang lahat ng mga kalahok na pelikula ng Makati Cinemanila International Film Festival ay patuloy na mapapanood sa Greenbelt Cinemas sa Makati City.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended