Nora Aunor,napupulitika
July 1, 2004 | 12:00am
Talagang napaka-unfair naman para kay Nora Aunor kung totoo na hindi ipalalabas ang kanyang pelikula sa Makati CineManila dahilan lamang sa isyu ng pulitika.
Dahil ba nangampanya siya para kay GMA nung huling halalan at ang lungsod ay maka-oposisyon?
Ito ang dapat nating remedyuhan kung gusto natin na umangat pa ang ating bansa. Bawasan natin ang pulitika na siyang nagwawatak-watak sa ating lahat.
Tapos na ang eleksyon, kung may reklamo tayo, idaan natin sa korte, ito naman ay kung may paniniwala pa tayo sa takbo ng justice system sa bansa. Kung wala, ano pa nga ba ang magagawa natin kundi ang tanggapin ang pasya ng nakararami at makipagtulungan na lamang para umunlad ang ating bansa.
Ako nga, talo rin ang kandidato ko pero, kung siya tumatahimik na lang, ako pa na supporter lamang niya ang mag-iingay?
Kailan ko ba mararamdaman yung spirit of reconciliation? Di ba tayo pwedeng magpatawaran para sa ating bayan?
Yung paninira kay Nora, kung totoo nga, ay mas malakas at mas masakit ang latay sa mga nakasama niyang nagtrabaho sa pelikula, at lalo na sa kanyang producer na sumugal and in the process provided jobs for countless of movie workers na marami na ang apektado dahilan sa kawalan ng pelikula. Paano pa mai-encourage ang maraming may kakayahan na mag-produce kung ganito rin lamang ang kasasapitan ng kanilang pagpupunyagi?
Nagtataka naman ako kung bakit ang apat na pagkagagaling na kumantang mga kabataang babae ay mas ninais pang mag-grupo sa halip na magsolo?
Pero, baka naman mas madali nga silang sumikat kung magkakasama sila kung kaya minarapat nina Sharon, Gelyn, Alyssa at Jennifer, mga runaway winners ng Water Plus Search For Singing Star 2003 na isinagawa ng DPoint Italian Bar & Restaurant nung Disyembre ng nakaraang taon.
Ngayon, may album na ang apat na makikilala sa pangalang DPoint Kidz mula sa Water Plus Productions. Ang carrier single ng album ay "Tong, Tong, Tong Pakitong-kitong". Ito at ang ibang cuts ng album tulad ng "Gumalaw, Sumayaw, Humataw", "Step No, Step Yes", "Telebong Telebong" at ang "Sa Duyan Mo, Inay" ay mula sa kolaborasyon nina Boy Christopher at Sunny Ilacad.
Pormal na silang inilunsad nung Hunyo 27 sa SM North Edsa. Sa loob ng isang taon, regular feature sila tuwing Linggo sa nasabing mall kasama ang mga co-artist nilang sina Bong Trono, Zyra at DPoint Ola! Chika!
Ang mga hinahangaan at pinupuring mga revolutionary concepts na nakikita sa mga palabas ng ABS CBN TV programs at film productions ay mas mararamdaman pa sa pag-angat ni Ms. Ma. Lourdes "Malou" Santos sa pagka-Vice President ng network.
Sa kanyang termino bilang VP for TV Production, Drama & Primetime, nagawa niyang maiangat ang mga drama shows sa pamamagitan ng pagi-eksperimento ng mga makabagong casting combinations at pag-iiba-iba ng mga primetime soaps.
Si Ms. Santos ay sumapi sa ABS CBN Film Productions, dating kilala bilang Star Cinema nung 1993 bilang managing director, isang posisyon na hinahawakan niya hanggang sa kasalukuyan, kaalinsabay ng pagiging SVP for Drama.
Dahil ba nangampanya siya para kay GMA nung huling halalan at ang lungsod ay maka-oposisyon?
Ito ang dapat nating remedyuhan kung gusto natin na umangat pa ang ating bansa. Bawasan natin ang pulitika na siyang nagwawatak-watak sa ating lahat.
Tapos na ang eleksyon, kung may reklamo tayo, idaan natin sa korte, ito naman ay kung may paniniwala pa tayo sa takbo ng justice system sa bansa. Kung wala, ano pa nga ba ang magagawa natin kundi ang tanggapin ang pasya ng nakararami at makipagtulungan na lamang para umunlad ang ating bansa.
Ako nga, talo rin ang kandidato ko pero, kung siya tumatahimik na lang, ako pa na supporter lamang niya ang mag-iingay?
Kailan ko ba mararamdaman yung spirit of reconciliation? Di ba tayo pwedeng magpatawaran para sa ating bayan?
Yung paninira kay Nora, kung totoo nga, ay mas malakas at mas masakit ang latay sa mga nakasama niyang nagtrabaho sa pelikula, at lalo na sa kanyang producer na sumugal and in the process provided jobs for countless of movie workers na marami na ang apektado dahilan sa kawalan ng pelikula. Paano pa mai-encourage ang maraming may kakayahan na mag-produce kung ganito rin lamang ang kasasapitan ng kanilang pagpupunyagi?
Pero, baka naman mas madali nga silang sumikat kung magkakasama sila kung kaya minarapat nina Sharon, Gelyn, Alyssa at Jennifer, mga runaway winners ng Water Plus Search For Singing Star 2003 na isinagawa ng DPoint Italian Bar & Restaurant nung Disyembre ng nakaraang taon.
Ngayon, may album na ang apat na makikilala sa pangalang DPoint Kidz mula sa Water Plus Productions. Ang carrier single ng album ay "Tong, Tong, Tong Pakitong-kitong". Ito at ang ibang cuts ng album tulad ng "Gumalaw, Sumayaw, Humataw", "Step No, Step Yes", "Telebong Telebong" at ang "Sa Duyan Mo, Inay" ay mula sa kolaborasyon nina Boy Christopher at Sunny Ilacad.
Pormal na silang inilunsad nung Hunyo 27 sa SM North Edsa. Sa loob ng isang taon, regular feature sila tuwing Linggo sa nasabing mall kasama ang mga co-artist nilang sina Bong Trono, Zyra at DPoint Ola! Chika!
Sa kanyang termino bilang VP for TV Production, Drama & Primetime, nagawa niyang maiangat ang mga drama shows sa pamamagitan ng pagi-eksperimento ng mga makabagong casting combinations at pag-iiba-iba ng mga primetime soaps.
Si Ms. Santos ay sumapi sa ABS CBN Film Productions, dating kilala bilang Star Cinema nung 1993 bilang managing director, isang posisyon na hinahawakan niya hanggang sa kasalukuyan, kaalinsabay ng pagiging SVP for Drama.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended