Angel,iniyakan ang pagbubuntis ni Valerie
July 1, 2004 | 12:00am
Nagtataka si Angel Locsin gayundin ang mga taong malalapit sa kanya kung bakit siya ang sinisisi sa maagang pagkabuntis ni Valerie Concepcion.
Katunayan nga ay iniiyakan niya pa nang malamang nabuntis ang kanyang best friend.
Hindi rin totoong siya ang nagsisilbing tulay para magkakilala sina Val at ang boyfriend nitong si Jeremy Carag na nagkataong kaibigan ng kanyang yumaong nobyo na si Miko Sotto.
Unfair ito sa dalagita dahil kahit magkaibigan sila ni Val ay never naman itong nag-confide sa kanya tungkol sa nangyaring pakikipagrelasyon nito sa nobyo.
Matagal na rin naming kilala si Mayette na ina ni Valerie at wala sa ugali nito ang manisi ng kapwa kung saan naiintrigang si Angel ang may kasalanan kung bakit nabuntis ang kanyang anak. Kailanman ay hindi nito pinagbintangan si Angel na kaibigan ng pamilya Concepcion.
Suportado pa rin ng young actress si Valerie at mananatili siyang kaibigan nito. Abala ngayon sa bagong soap opera si Angel titled Mulawin katambal si Dennis Trillo.
Napakaganda at sosy ng bagong sexy star na ipinakilala sa amin. Siyay si Rizza Rossini na bukod sa flawless ang beauty ay estudyante rin. Taga-Iloilo ito at noong September lang dumating ng Maynila.
Inamin nitong hindi na siya virgin pero hindi siya prosti na nanggaling sa kung saan-saang club.
Bata pa ay pangarap na nitong mag-artista kaya gagawing stepping stone ang paghuhubad. Hindi naman tutol ang kanyang magulang o kapatid sa pagpasok niya sa bold movies bagkus suportado pa siya ng mga ito.
Hindi na itinuloy ni Rizza ang pag-aaral sa San Agustin kung saan kumukuha siya ng Medical Technology. Dahil mas binigyan pa ng prioridad ang syuting ng Kainan Sa Highway at Hamog sa Magdamag.
Nakakontrata siya ng tatlong taon sa El Niño Films para sa 16 pictures.
Walong taon na sa showbiz si Marvin Agustin at gusto naman niyang subukan ang pagpoprodyus ng pelikula. Kasama niya ang dalawang kaibigan na magtatayo ng sariling outfit.
Bilang paghahanda ay mag-aaral ng film making sa New York si Marvin next year.
Kung matatandaan ang awitin ni Ara Mina na "Ay, Ay, Pag-ibig" ay naging hit sa recording chart kaya excited na uli siyang mag-recording. Miss na rin niya ang pag-awit. Ang latest niyang gagawin ay may pamagat na "Ako Na Ngayon". Parang may pinatatamaan ang awitin?
Ngayong Agosto rin ay magsisimula nang mag-siyuting ng Usahay si Ara katambal ang real sweetheart na si Jomari Yllana.
Naimbitahan kami sa paglulunsad ng mga recording artist ng Capricorn Record Enterprise na idinaos sa Bodega noong Sabado na featured singer sina Art Galero, Cyrus Santiago at Instinct. Naging special guest din sina Paul Toledo, Mystica, Breakthru, Criselda Volks, Psychopatic Trio, Bert Dominic at Pia Ramchamdani.
Ngayong tapos na ang Twin Hearts sa Siyete ni Tanya Garcia ay pahinga muna sa teleserye ang magandang aktres. Gusto kasi ng Viva na gumawa si Tanya ng mga pelikula.
Maraming nakapuna na nag-improve na ang akting ni Tanya sa Kulimlim at malaking tulong ang naibigay sa kanya ni Direk Maryo J. delos Reyes.
Dapat ay kasama sa isang sitcom ang sikat na young actor na ito. Pero hindi ito nagising ng maaga kaya naimbyerna sa kanya ang mga mainstay ng programa.
Walang nagawa ang staff kundi palitan siya. Siguro kaya hindi gaanong nag-aalala ang young actor ay dahil nakakariwasa naman ang kanyang pamilya at kahit hindi siya magtrabaho, walang problema.
Magaling ding umarte ang aktor na naging bida na sa pelikula pero ngayon ay naka-concentrate muna sa TV.
Katunayan nga ay iniiyakan niya pa nang malamang nabuntis ang kanyang best friend.
Hindi rin totoong siya ang nagsisilbing tulay para magkakilala sina Val at ang boyfriend nitong si Jeremy Carag na nagkataong kaibigan ng kanyang yumaong nobyo na si Miko Sotto.
Unfair ito sa dalagita dahil kahit magkaibigan sila ni Val ay never naman itong nag-confide sa kanya tungkol sa nangyaring pakikipagrelasyon nito sa nobyo.
Matagal na rin naming kilala si Mayette na ina ni Valerie at wala sa ugali nito ang manisi ng kapwa kung saan naiintrigang si Angel ang may kasalanan kung bakit nabuntis ang kanyang anak. Kailanman ay hindi nito pinagbintangan si Angel na kaibigan ng pamilya Concepcion.
Suportado pa rin ng young actress si Valerie at mananatili siyang kaibigan nito. Abala ngayon sa bagong soap opera si Angel titled Mulawin katambal si Dennis Trillo.
Inamin nitong hindi na siya virgin pero hindi siya prosti na nanggaling sa kung saan-saang club.
Bata pa ay pangarap na nitong mag-artista kaya gagawing stepping stone ang paghuhubad. Hindi naman tutol ang kanyang magulang o kapatid sa pagpasok niya sa bold movies bagkus suportado pa siya ng mga ito.
Hindi na itinuloy ni Rizza ang pag-aaral sa San Agustin kung saan kumukuha siya ng Medical Technology. Dahil mas binigyan pa ng prioridad ang syuting ng Kainan Sa Highway at Hamog sa Magdamag.
Nakakontrata siya ng tatlong taon sa El Niño Films para sa 16 pictures.
Bilang paghahanda ay mag-aaral ng film making sa New York si Marvin next year.
Ngayong Agosto rin ay magsisimula nang mag-siyuting ng Usahay si Ara katambal ang real sweetheart na si Jomari Yllana.
Ngayong tapos na ang Twin Hearts sa Siyete ni Tanya Garcia ay pahinga muna sa teleserye ang magandang aktres. Gusto kasi ng Viva na gumawa si Tanya ng mga pelikula.
Maraming nakapuna na nag-improve na ang akting ni Tanya sa Kulimlim at malaking tulong ang naibigay sa kanya ni Direk Maryo J. delos Reyes.
Walang nagawa ang staff kundi palitan siya. Siguro kaya hindi gaanong nag-aalala ang young actor ay dahil nakakariwasa naman ang kanyang pamilya at kahit hindi siya magtrabaho, walang problema.
Magaling ding umarte ang aktor na naging bida na sa pelikula pero ngayon ay naka-concentrate muna sa TV.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended