^

PSN Showbiz

ABS-CBN nanalo sa Promax Award 2004

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nanalo ng silver award ang Kapamilya Drama Omni, ang station ID ng drama department ng ABS-CBN sa katatapos lang na Promax Awards 2004 na ginanap sa Manhattan Hotel sa New York City, USA. The news was relayed to me by Trina Sanchez, ABS-CBN promo specialist. Trina, along with other ABS-CBN executives were at the awards night to represent ABS-CBN.

Ang Promax Awards ay isang international awards body on creative promotions and broadcast design. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nanalo ang isang Philippine Broadcast Station sa nasabing competition. Tanging mga entry ng ABS-CBN lang ang nakapasok sa final level.

A total of 77 broadcast station worldwide competed at nanalo nga ang ABS-CBN. Ang Kapamilya Omni entitled "Happy" ay ang pagsasama-sama ng lahat ng artista ng drama shows ng ABS-CBN.

Also present at the awards night in New York City were Cindy de Leon (vice-president for creative communications management), Lawrence Tan (assistant vice-president for sales & marketing) and Jeff Remigio (assistant vice president for global). This week ay pabalik na ang grupo sa bansa dala ang karangalan.
* * *
Last Sunday, ipinalabas sa The Buzz ang isang exclusive feature kay Brandy Ayala, isang former sexy star na kabilang sa liquor beauties ng namayapa nang si Dr. Rey dela Cruz. Sa mga ipinanganak before the 80’s ay kilala si Brandy. ‘Yun ang era na naglipana ang mga bold stars at bold movies.

Tulad ng karamihan sa mga bold star, hindi rin pala pinalad ng magandang buhay si Brandy. Nalulong ito sa drugs at naapektuhan ang kanyang utak. Ngayon, sinasabing nawalan na ng bait si Brandy, base sa interbyu niya sa The Buzz.

At sa kagustuhan ng ina nitong mapagamot ang anak, humingi ng tulong ang ina sa mga taong may sobra sa buhay na tulungan mapagamot si Brandy. Isang matinding gamutan sa utak ang kailangan ngayon ng dating bold star.

Sa mga nagnanais tumulong kay Brandy, pwede ninyong dalhin ang inyong tulong sa pamamagitan ng The Buzz. Pwedeng tumawag sa 415-2272 at magpa-connect sa The Buzz. Hanapin lang sina Nancy Benito-Yabut, executive producer ng show.
* * *
Sa mga fans ni Paolo Santos, performer siya tonight sa Dish @ ABS-CBN.

Kasama niya sa gig si Pido who is known for his acoustic music. Showdown ang mangyayari ngayong gabi. Isa si Paolo sa crowd-drawer kapag nagpi-perform sa Dish.

Inaasahan ang pagdagsa ng kanyang mga regular viewers ngayong gabi.

Magsisimula ang show at 9 pm. Pero pag dumating kayo before 9 pm. walang cover charge.

Dish @ ABS-CBN is located at the loop of ABS-CBN along Sgt. Esguerra Street, Quezon City.

vuukle comment

ABS

ANG KAPAMILYA OMNI

BRANDY AYALA

CBN

DR. REY

DRAMA OMNI

NEW YORK CITY

PROMAX AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with