^

PSN Showbiz

Roxanne,abot-kamay na ang diplomang pangarap

-
Sa mga pop music aficianado ay hindi na bago ang pangalang Roxanne Barcelo. Siya ang grand winner ng Metro Pop Star Search. Ang pagkapanalo ni Roxanne ang naging daan upang madalas siyang maging guests sa mga TV shows, out of town shows, mall tours at mga corporate shows. Naging regular din siya sa mga teleseryeng Click at Kahit Kailan.

Ilang panahon din siyang nawili sa pinasok na trabaho. Si Roxanne na rin mismo ang nakapansin na napabayaan na niya ang kanyang pag-aaral na dati’y top priority niya. Kaya iyon na ang kanyang binigyan ng hustong panahon. Paminsan-minsan na lamang siyang tumatanggap ng paglabas kung hindi iyon makakasagabal sa kanyang studies. Lalo’t dean’s lister siya. Sikat talaga. Ngayon ay graduating na siya sa kanyang kursong Communication Arts sa Miriam College.

Abot-kamay na ni Roxanne ang diplomang pangarap. Kaya muli ay pumagitna siya sa showbusiness. Nasa pangangalaga siya ngayon ni Angeli Pangilinan-Valenciano ng Genesis. Muli ay panay nang nakikita si Roxanne. Isa rin siya sa co-hosts ng Master Showman Walang Tulugan ni Kuya Germs kung saan nahahasa na rin siya sa art of hosting na alam niyang kailangan na ngayon ng mga katulad niyang gustong makilala ng husto sa showbiz.

Abala si Roxanne sa paghahanda sa kanyang unang album, pop album na ang producer ay si Ito Rapadas. Pinagbubuti rin niya ang kanyang pagkanta dahil alam niyang napakarami na ngayong mahuhusay na singer ang bansa na nakikilala na hindi lamang dito kundi maging sa ibang bansa. Hindi na siya mapipigilan ngayon sa kanyang ambisyong makilala sa larangang pinasok.  Mimi Citco

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN-VALENCIANO

COMMUNICATION ARTS

ITO RAPADAS

KAHIT KAILAN

KANYANG

KAYA

KUYA GERMS

MASTER SHOWMAN WALANG TULUGAN

ROXANNE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with