Albert,nanalo ng best supporting actor para sa isang lead role
June 30, 2004 | 12:00am
Punum-puno ang Aliw Theater dahil sa mga sumaksi sa Gabi ng Parangal ng Manila Film Festival 04. Buhay na buhay ang mga fans dahil dumalo si Nora Aunor gayundin ang mga tampok na bituin sa lahat ng entries.
Nakopo ng Naglalayag ang halos lahat ng awards na kinabibilangan ng Best Picture, Best Direktor-Maryo J. delos Reyes; Best Actress Nora Aunor; Best Actor-Yul Servo; Best Supporting Actress- Jaclyn Jose; Best Musical Score-Lutgardo Labad; Best Editing-Jesus Navarro; Best Screenplay-Irma Dimaranan; Best Theme Song-"Sa Gitna ng Buhay" Best Story-Irma Dimaranan at Best Production Design-Randy Gamier. Nanalo rin ito bilang Best Float.
Nanalo naman sa ibang kategorya ang mga sumusunod: Best Supporting Actor-Albert Martinez (Anak Ka ng Tatay Mo) Best Child Performer-Joshua Dionisio (Kulimlim); Best Cinematography-Odyssey Flores (Kulimlim); Best Sound-Noel Bruan at Angie Reyes (Kulimlim) at Best Visual Effect-Dodge Ledesma-Roadrunner Network (Volta).
Naging Male Star of the Night si Robin Padilla at si Lorna Tolentino naman ang Female Star of the Night, na nawala na nang tawagin.
Tumanggap ng Lifetime Gawad Award si Anita Linda, kung saan sinabing malaki ang utang na loob niya sa pelikula dahil dito umikot ang kanyang buhay.
Bawat entries na kasama sa MFF ay tumanggap ng isang milyon subsidy at ang nanalong Best Picture ay tumanggap ng P500,000,00. Para sa nanalong Best Story at Best Screenplay ay P100,000,00. naman ang ipinagkaloob. Para sa Best Float ay nakatanggap ng P50,000 ang Naglalayag.
Naging matagumpay ang Manila Film Festival Awards na prodyus ng Solar Entertainment Corporation ni Wilson Tieng.
Simple pero elegante ang mga kasuotang gown ng mga artistang babaeng dumalo sa Awards Night gaya nina Lorna Tolentino, Ara Mina, Judy Ann Santos, Bernadette Allyson, Sunshine Dizon at iba pa. Kaya lang, maraming nakapuna na nadagdagan ang timbang ni Ara. Kahit ang gown ni Guy ay bumagay din sa kanya.
Maayos ang daloy ng programa at nagandahan ang lahat sa production number nina Aleck Bovick at Regine Tolentino. Mahusay daw palang magsayaw ang sexy star. Pinalakpakan din ng husto ang openning number ni Aiai delas Alas gayundin ang production number nina Tirso Cruz III, Angelica Jones, Cherrie Lou at Michael de Mesa. Kinakabahan ang ilang manonood dahil sa sobrang taas ng takong ni Cherrie kaya hindi gaanong makaagapay sa bilis ng pagsayaw ni Angelica.
Hindi inaasahan ni Albert Martinez na manalo sa pagiging Best Supporting Actor ng Anak Ka ng Tatay Mo dahil bad actor siya ng nasabing movie with Snooky as nominee as a best actress. Napag-alaman ko na nakiusap pala siya sa produ ng movie na i-enter siya sa best supporting actor category. Nagkamali si Albert sa pagbigkas sa acceptance speech ng Mayor Lim sa halip na Atienza na dalawang ulit pa niya itong ginawa. May nagtatanong kung bakit sa Best Supporting Actor category nailagay ang magaling na aktor. Siya pala ang may gusto nito dahil ipinaubaya na lang niya kay Ram Revilla ang pagiging nominado sa Best Actor. Sa tensyon, nakalimutan nitong pasalamatan ang prodyuser na si Genelyn Magsaysay.
Hindi na natanggap ni Lorna ang karangalan bilang Female Star of the Night dahil umalis na agad ito (di nag-walk-out) dahil hahabol pa ito sa taping ng kanyang soap opera.
Nakakaaliw naman si Yul Servo dahil ngayong nakaapat na siyang tropeo, gusto raw niyang bumawi kaya hinabaan na ang acceptance speech. Inihandog ang award sa prodyuser, direktor at higit sa lahat kay Nora na tinawag pang "Inay", sa mahal na si Aleck at sa dalawang anak na sina Lucas at Luis. Maraming nagpapalagay na may relasyon nga ang aktor at ang sexy star dahil ang sweet nila nang gabing yon.
Maganda ang aura ngayon ni La Aunor at di nakalimutan ang mga kapatid sa pinaghandugan ng award. Bihirang magpakita sa kamera si Atty. Manalo na prodyuser ng Naglalayag, pero ito ang tumanggap ng trophy para sa Best Picture na kung saan nagkamali gaya ni Albert dahil sa halip na Congressman Roces ay Congressman Reyes ang nasabi na isa rin sa kanyang mga pinasalamatan.
Nakakatuwa dahil bawat entry ay halos kumpleto ang bida sa pangunguna nina Judy Ann Santos at Wendell Ramos (Sabel); Robin Padilla-Tanya Garcia-(Kulimlim); Nora Aunor-Yul Servo at Aleck Bovick (Naglalayag); Albert Martinez, Ram Revilla, Jean Garcia (Anak Ka ng Tatay Mo); Aiai de las Alas-Jean Garcia (Volta) Ronnie Ricketts at Leila Kuzma (Mano-Mano-Arnis...The Lost Art.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended