Juday, kailangang magpa-longhair
June 28, 2004 | 12:00am
Hindi muna gagawin ni Judy Ann Santos ang kanyang bagong fantaserye na may pamagat na Krystala dahil kailangan muna nitong magpahaba ng buhok. Ang balita, kasama sa kanyang costume ang mahabang buhok kaya mahirap sa kanya ang pagtsi-change costume bilang may mahabang buhok na wonder woman at paglipat sa kabilang set, biglang palit siya ng karakter ng isang babaing detective na may maigsing buhok.
Nakipagmiting kamakailan lang si Juday sa ilang executive ng Dos at kasama rin dito ang direktor ng bagong project ng aktres na si Rory Quintos upang pag-usapan ang magiging schedule ng taping ng dalawang teleserye, ang Bastat Kasama Kita at ang Krystala.
Mula kay Tito Alfie Lorenzo namin nalaman ang naging kaganapan ng naturang pakipagmiting ng kanyang alaga sa taga-Dos. Ang gustong mangyari ay maglalagare sa taping ng dalawang teleserye ang aktres, ang dating tatlong araw na regular taping day ng aktres ay idadagdag pa ang araw ng Linggo. "Kaya kaya ni Juday ang hindi na magpahinga? May panahon pa kaya siyang matulog?" himutok ng kanyang manager.
Natuwa kami sa naging desisyon ng aktres dahil ayon kay Tito Alfie, gustong gawin ng kanyang alaga ang Krystala pagkatapos ng Bastat Kasama Kita sa darating na Setyembre. AD

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended