Young actor,nagbibilang ng anak sa iba't ibang babae
June 26, 2004 | 12:00am
![](./main/20040626/images/show2.jpg)
"Nakakasama ng loob yung mga nagsusulat nang walang basehan. Kahit kelan ay hindi naman ako nagyabang tungkol sa aking credentials pero yung sabihin na isa akong pekeng professor, nakakasira naman yon sa aking pagkatao lalo pat pinaghirapan ko rin naman ang aking pag-aaral bago ako natanggap sa aking pagtuturo," malungkot niyang pahayag.
Si Dante ay Elmer Anisco sa tunay na buhay at bunso sa anim na magkakapatid. Sa kanilang anim, tanging si Dante na lamang ang wala pang asawa pero hindi nito ikinakaila sa amin na meron na siyang non-showbiz girlfriend.
Taong 1998 nang siyay tanghaling Mr. Young Philippines na siyang naging daan para siyay kontratahin ng Viva Films. Pero isang pelikula lamang ang kanyang sinalihan sa Viva, ang Doctor X On The Air na pinagbidahan ni Leo Martinez. Since hindi pa siya handa nung mga panahon na yon na magpa-sexy, pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang pag-aaral at ramp modeling.
Nung 1999, kinontrata naman siya ng Seiko Films at agad ipinakilala sa pelikulang Kasiping. May bago siyang movie ngayon, ang sexy-drama movie na Karelasyon na dinirek ni Buboy Tan sa ilalim ng ATB-4 at kasalukuyan naman niyang tinatapos ang Temtasyon na pinamamahalaan ni Francis Jun Posadas para sa Sacramento Films.
Hindi ba naman nakakatanggap si Dante ng pangangantiyaw mula sa kanyang co-faculties at estudyante sa school?
"Hindi naman. Katunayan, minsan, ang mga estudyante ko pa nga ang nagbibigay sa akin ng press clippings kapag sila ang nakakakita ng publicity ko. Sa school kasi, iba roon ang personality ko. Hindi ako si Dante Balboa, yung sexy actor na napapanood nila sa pelikula," paliwanag niya.
Speaking of Rosanna Roces, napapabalitang lilipat umano ito ng ABS-CBN para makasama sa EK Channel dahil malabo na siyang bumalik ng Startalk dahil sa away nila ng kanyang dating manager na si Manay Lolit.
May nagsabi sa amin na tiyak na maiipit si Osang sa kanyang kontrata sa GMA dahil hanggang sa isang taon pa ang validity nito maliban na lamang kung kusa siyang ire-release ng GMA.
Naghahangad umano ang ina ng bata na sanay kilalanin ng ama ang kanyang anak. Tulad ng ibang mga anak ng aktor, kamukhang-kamukha rin umano ng ama ang kanyang anak na babae. Maswerte pa rin ang young actor na ito at hindi pa nagpapa-interview sa media ang mga babaeng kanyang naanakan. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Siguro tuma-timing lamang ang ina ng bata at tiyak na dudulog din ito sa media para humingi ng tulong.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended