Megastar,binuksan ang Music Factory
June 25, 2004 | 12:00am
Ang pagbubukas ng isang mega-concert venue, bar, billiards at restaurant sa pamumuno ni Sharon Cuneta sa SM San Fernando, Pampanga ay magsisilbing venue na naman hindi lamang para sa mga naghahanap ng aliw sa buhay kundi sa mga banda na nangangailangan ng matutugtugan.
Inaasahang ang opening night ng Music Factory ay magbubukas ng pinto sa mga local bands. Sa gabing ito, maririnig ang mga BMG recording artists tulad ng Six Cycle Mind, Wiseguys, DAnimae, Fast Track, 8PM at ang impersonator ni Regine Velasquez na si Anton Diva at ang banda niya.
Ang mga operator ng lugar na sina Philip Cuazon, Jr. at ang kapatid niyang si Tommy ay naniniwala na may malaking market ang ganitong negosyo sa Pampanga, sa loob ng isang mall. May sukat ito ng 900 sq. mtrs. at pwedeng maglaman ng hanggang 900 na katao. Bukod sa malawak nitong food and bar list, nagsisilbi itong authentic Vietnamese food mula sa PhoHoa. Hindi nakapagtataka kung ito ay maging sentro ng musical life sa Central Luzon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended