^

PSN Showbiz

Ted ayaw na sa pulitika,bumalik sa pagiging broadcaster

- Veronica R. Samio -
Kung tutuusin, pwede pa uling tumakbo para sa kanyang second term bilang isang congressman si Ted Failon, at sigurado naman na iboboto siya ng kanyang mga kababayang Leyteños dahil marami naman siyang nagawa sa kanyang unang term ng pagsisilbi sa kanila (nakapagpatayo siya ng Leyte National High School Gymnasium sa tulong ng ngayon ay Vice President nang si Kabayan Noli de Castro, ng isang mental hospital, nakapagbigay ng irigasyon sa dalawang bayan sa kanyang probinsya at marami pang iba, pero, nagpasya siyang talikdan ang pulitika at balikan ang kanyang trabaho bilang isang broadcaster sa ABS CBN pagkaraang mawala siya rito ng tatlong taon. Hindi naman siya nawala sa radyo, sa TV lamang at nagawa niya ito sapagkat ang sesyon ay sa hapon lamang.

Inaamin ni Ted na hindi na siya masaya bilang isang pulitiko at gusto niya na ang ginagawa niya ay nakakapagpasaya sa kanya, kundi aayawan niya. After all, nagpulitika lamang siya para buwagin ang isang dynasty and to make a difference.

Naniniwala siya na may mali sa ating political system at ang na- mamayani ay patronage politics. Matapos man niya ang tatlong terms niya bilang isang congressman, na-realize niya na hindi na siya makakawala rito. "Pagkatapos sa Congress, ano pa ang gagawin ko, kung tatakbo bilang gobernador o ano mang mas mataas na posisyon, at pagkatapos ay wala na," ang sabi niya sa paglulunsad ng Hoy Gising na magsisimula na namang mapanood ngayong Sabado, Hunyo 26, 3:30-4:30 NH. Bumabalik dito si Ted bilang host kasama sina Bernadette Sembrano at Connie Sison. Sa maraming taon ng programa sa ere, iba-iba na ang nakasama ni Ted. Gaya nina Korina Sanchez at Kris Aquino, Ruth Abao at Gel Relos.

Ang bagong Hoy Gising ay magtatangkang hindi maging negatibo sa manoood. Sa halip, ipo-promote nito ang Kapamilya spirit sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa nangangailangan. Sa bagong programa, ang gigisingin ay ang mga mamamayang may kakayahang tumulong. Madali na silang ma-kontak dahil bukod sa landline, mayro’ng text line at e-mail address (hoy gising@abscbn. com) ang Hoy Gising.
* * *
Si Regine Velasquez ang magiging host ng bagong programang Pinoy Popstar sa GMA7. Isa itong talent search para sa mga kabataan at di pa nadidiskubreng singer. Bagay dito si Regine sapagkat sa isang amateur singing contest siya nagmula.

Hindi maitatatwang pinaka-abalang singer si Regine sa bansa. Sa Setyembre, magkakaro’n siya ng
major concert sa Pampanga Sports Center.

Di naman patatalo ang mga Manileño dahil sa Disyembre 3 at 4, mapapanod ang major concert niyang
Reigning Still, sa Araneta Coliseum.

Sa kasalukuyan, ginagawa niya ang isang pelikula para sa
Viva Films kasama sina Aga Muhlach at Judy Ann Santos.
* * *


Maganda sana ang Anak Ka Ng Tatay Mo, kung ito lamang ay naidirek ng mahusay. Ang hindi ko malaman ay kung saan parte nag-take over si Albert Martinez over Director Edd Palmos.

Maganda ang concept, story ng movie. Magagaling din ang cast pero pati editing ay nag-suffer ng malaki dahil hindi nagampanan ng husto ng direktor ang trabaho niya. Akala ko pa naman ay si Toto Natividad ang nag-edit. So what happened? Maraming bahagi ang walang sound pero, nakikita na bumubuka ang labi ng mga artista.

Sana, makabawi ang Magsaysay Films dito dahil nakita ko maraming mga dating artista ang nabigyan ng trabaho.
* * *
[email protected]

AGA MUHLACH

ALBERT MARTINEZ

ANAK KA NG TATAY MO

ARANETA COLISEUM

BERNADETTE SEMBRANO

HOY GISING

ISANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with