^

PSN Showbiz

Rita,humihingi ng second chance

- Veronica R. Samio -
Isa pala si Rita Magdalena (inilaglag na niya ang second name niya sa kanyang pagbabalik) sa mga ipi-prisinta sa bagong reality program ng GMA7 na pinamagatang 30 Days and hosted by Lorna Tolentino. Naglalayon ang programa na bigyan ng second chance na muling makilala at sumikat ang ilan sa mga artista natin na sumandali lamang nailawan ng klieg lights at pagkatapos ay nawala na pero, ngayon ay nagbabalik sa pamamagitan ng bagong programa sa TV.

Bilang paghahanda sa kanyang muling pagharap sa publiko matapos siyang hindi makita ng tatlong taon, sumailalim si Rita sa isang liposuction para maalis ang taba niya sa tiyan, sa ilalim ng mga braso at sa mga hita, sa ilalim ng pamamatnugot ng medical surgeon na si Dr. Raul Guanzon.

"Kung dati ay pabira-bira lang ako, ngayon nangangako akong magtatrabaho na talaga ako basta mabigyan lang ako ng ikalawang pagkakataon," panimula ng dating sikat na bold star na nabalitang tumaba pero nagsabing nakapagbawas na siya ng 20 libra.

"Hindi ko talaga alam kung bakit bigla akong nagbabalik. Isang araw, naramdaman ko na nami-miss ko yung dating trabaho ko. Kaya, eto ako, nagpapagandang muli dahil ayaw ko namang ang ibigay sa aking mga roles ay yung pang- mothers na lamang," dagdag pa nito.

Sa Lunes, ay isa si Rita sa ihaharap ng GMA7 sa media bilang isa sa mga artista ng 30 Days. Kung sa ikalawang pagkakataon ay mabigyan muli siya ng pag-asa, ito ang aabangan natin.
* * *
Barako King naman ang bagong taguri kay Allen Dizon, na sinasabing sumusunod sa yapak ni Jay Manalo, itinuturing na lider ng Viva Hot Men at napiling cover ng international magazine na X, isang glossy magazine sa Japan na ang sirkulasyon ay mala-FHM ang dating at ang target reader ay mga kababaihan. Kamakailan ay nag-pictorial na si Allen para sa nasabing mag na ayon sa mga nakasaksi ay tunay na mapangahas at kababaliwan ng mga makakakita nito.

Abala ngayon si Allen sa mga TV guestings at out of town shows. Inihahanda na rin ng
Viva Entertainment ang magazine nilang Hot Stuff na magtatampok din sa grupo sa ilang mga sexy poses. Nag-guest din ang grupo sa "Kikay" album ng Hot Babes. Nasa planning stage na rin ang pelikula na pagsasamahan ng Hot Men at Hot Babes. Nag-recording na ang Hot Men ka-duet ang Hot Babes ng "Coca Cola Body" bilang paghahanda sa album nila.

Sa kabila ng pagiging busy, naaasikaso pa rin ni Allen ang kanyang poultry at farming business sa Pampanga. Nagdi-distribute din sila ng mga kaibigan niya ng mga cellcards sa lugar nila. Magandang ehemplo si Allen ng artistang marunong humawak ng perang pinaghirapan niya.
* * *
Kwento ng magkapatid na dancers na sina Jason at Joshua Zamora ng grupong Maneouvres ang tampok ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya. Gagampanan nina Danilo Barrios at Spencer Reyes ng Streetboys ang roles ng magkapatid sa direksyon ni Rory Quintos.
* * *
Dumarami ang Star Idol Search natin dito sa bansa na sure ako ay impluwensya ng napaka-popular na American Idol.

Isang similar reality based search din ang sinisimulan ng
Star Group of Malls na binubuo ng Starmall Edsa/Shaw, Starmall Las Piñas, MStar Las Piñas at Metropolis Star Alabang na tatakbo ng walong linggo at naglalayong tumuklas ng mga kabataang may talento sa pagkanta na kinumbinasyunan ng isang magandang personalidad. Magbibigay din ng malalaking cash prizes sa mga mananalo.

Magsisimula ang weekly knockout series sa Linggo, Hunyo 27 sa ika-4th level ng Trade Hall of the Metropolis Star Alabang, 3:00 NH. Mga celebrity ang bubuo ng hurado.

Ang mga susunod na elimination rounds ay sa Hulyo 4, 14, 23, 25 at 28 at Agosto 1. Gaganapin ito sa iba’t ibang Star Group Malls on a rotating basis. Ang grand finals ay magaganap sa Agosto sa Metropolis Star Alabang.

Bukas ang search sa parehong babae at lalaki na may edad 15 and 23, marunong kumanta at may itsura. Lahat ng aplikante ay kailangang pumirma ng opisyal na
Star Idol Search entry form na makukuha lamang sa lahat ng Star Group Malls. Lahat ng kuwalipikado ay tatawagan para sa screening at audition. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Starmall Edsa/Shaw, 7183403 o 5320605, Starmall Las Piñas, 875249 0 8724835 at Metropolis Star Alabang. 5434002 o 5433927.

vuukle comment

HOT BABES

HOT MEN

METROPOLIS STAR ALABANG

STAR

STAR GROUP MALLS

STAR IDOL SEARCH

STARMALL EDSA

STARMALL LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with