^

PSN Showbiz

Valerie, confirmed na buntis

-
Kumpirmadong buntis ang youngstar na si Valerie Concepcion. Pero hindi na binanggit sa amin ng taga-GMA Artist Center kung ilang buwan. "Let’s not give details na lang, basta few months," ito ang say sa amin ni Ms. Ida Henares, head ng GMA Artist Center.

Ayon pa kay Ms. Ida, napakabait na bata ni Valerie at isa siya sa inaalagaan ng Artist Center, nagkataon lang na na-in love talaga ang bagets kaya nasa ganun siyang kalagayan.

"Hindi lang naman si Valerie ang may ganung problema, di ba? Marami rin tayong alam, it just so happened na hindi namin ito itinago, aaminin naman talaga namin ito, we have no plans na itago kasi hindi rin maganda," dagdag pa ni Ms. Ida.

Pangako rin daw nila kay Valerie na kapag nakapanganak na ito at gusto pang bumalik sa showbiz ay welcome ito at buong puso nilang tatanggapin dahil mahusay naman itong artista.

Non-showbiz ang boyfriend ni Valerie at pamangkin ito ni Ali Sotto na mommy ng namayapang si Miko Sotto na very much willing naman daw panagutan ng pamilya ng lalaki ang nangyari kay Valerie, yun nga lang, mukhang hindi pa mauuwi sa kasalan dahil menor de edad ang youngstar, 16 years old.

Samantala, hindi pa nagpapainterbyu ngayon sa press si Valerie dahil may mga inaayos pa raw bukod dito ay galit ang magulang ng bagets.

Dagdag pa na si Valerie raw ang breadwinner ng pamilya kaya’t ganun na lang daw ang tampo ng pamilya nito.

REGGEE BONOAN

ALI SOTTO

ARTIST CENTER

AYON

DAGDAG

IDA HENARES

MIKO SOTTO

MS. IDA

VALERIE

VALERIE CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with