^

PSN Showbiz

Magnifico, naghakot na naman ng URIAN

-
Naghakot na naman ang pelikulang Magnifico ng Violett Films ng tropeo sa ginanap na GAWAD Urian noong Sabado ng gabi sa AFP Theater.

Nakuha nila ang karamihan sa major awards - Best Picture although ka-share nila ang Babae sa Break Water; Best Director - Maryo J. delos Reyes, Best Actor, Jiro Manio, Best Supporting Actor, Albert Martinez and Best Supporting Actress Ms. Gloria Romero na tumanggap din ng Natatanging Gawad Urian.

Hindi na halos mabilang ang natatanggap na award ng Magnifico sa loob at labas ng bansa na isang independent company - Violett Films ang nag-produce noong panahon na hindi gaanong kumikita ang pelikula.

Naiyak naman si Cherrie Pie Picache sa kanyang acceptance speech matapos siyang manalong best actress para sa pelikulang Bridal Shower.

Mas maraming artistang dumating sa URIAN kumpara sa mga naunang awards night na ang mga nanalo lang ang present.

Ang URIAN ang second to the last na award giving body na nagbibigay ng award sa magtatapos na awards season. Pinaka-last ang Film Academy of the Philippines na isang maambisyong awards night ang gagawin sa July 3 sa Cultural Center of the Philippines.

— SVA

ALBERT MARTINEZ

BEST ACTOR

BEST DIRECTOR

BEST PICTURE

BEST SUPPORTING ACTOR

BEST SUPPORTING ACTRESS

BREAK WATER

BRIDAL SHOWER

CHERRIE PIE PICACHE

VIOLETT FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with