^

PSN Showbiz

Diana, Francine at Maui nagpanggap na mga operada

-
Basta sinabing Japan, isa lang ang pumapasok sa isipan ng maraming Pinoy: madali ritong kumita ng pera! Sa Japan nakilala ang talento ng mga Pinoy sa pagkanta, pagsayaw at iba pang pagi-entertain. Mahigit isang daang libong Pinoy ang bumibiyahe rito taun-taon para pumasok sa trabaho.Kaya naman sa isang natatanging pagkakataon ay ipinadala ng Extra Challenge sina Francine Prieto, Maui Taylor at Diana Zubiri sa Japan upang magtrabaho bilang mga Talento o Japayuki. Pero bago pa man din sila makarating ng Japan ay dumaan sila sa ilang mga pagsubok.  Kailangang maipasa nila ang test sa pagkanta at pagsayaw ng TESDA (Technical Education and Skills Development Authority). 

Sa TESDA ay napintasan sila dahil sa kanilang ginawang presentation. Si Maui at Diana ay sinabihan pa ngang di marunong magsayaw at parang walang gana! Matapos ang ilang araw ng paghihintay ay nakakuha nila ang kanilang Artist’s Record Book at nakabiyahe sila patungong Japan. Sa kanilang tatlong araw dito, nagtrabaho sila sa iba’t ibang mga club. Dito ay mararanasan nila ang mai-table ng mga Japanese customers. 

Hindi lang masasabak ang kanilang galing sa pagkanta at pagsayaw kung hindi pati na rin kung paano sila makisalamuha sa ibang mga tao. Dito masusubukan ang kanilang pasensiya sa mga customer na pasaway at mangilan-ngilan na nambabastos. Bilang mga talento ay tumira sila sa masisikip na mga talent houses.  Maglalaba sila ng sariling damit, maglilinis ng bahay at mamamalengke sa mga Japanese market. Sa pamamagitan ng pagtira nila rito ay mas maiintindihan nila kung gaano kahirap ang mangibang bansa at mawalay sa mga mahal sa buhay.Isa pang dapat abangan sa episode na ito ay nang maranasan ng mga challengers ang kakaibang date o ang tinatawag na "Dohan" kung saan ay makakasama nila ang mga Japanese customers sa pagka-karate. Dito ay naiyak si Diana dahil nakipag-shake hands siya sa master ng karate na bawal pala kaya pinilipit ang kamay ni Diana.  Nasubukan din nilang kumain ng "Yakiniko" o ihaw-ihaw.

Ang pinaka-highlight ng episode ay nang magpanggap ang mga challengers na mga "Okama" o mga operadang bakla sa Japan. Sumama sila sa isang production number at pagkatapos ay tumawag ng mga Japanese customers para mamili kung sino sa kanila ang tunay na babae....Dito nahirapan ang mga challengers sa pagpo-project at meron pa nga sa kanilang napagkamalang lalaki! Si Ethel Booba, hindi rin nagpa-awat dahil pati siya nakisali sa gulo!

Patuloy na panoorin ang Talento episode at alamin ang tunay na buhay ng ating mga kababayan doon. Gaano nga ba kahirap ang kumita ng lapad?  Totoo nga bang isang paraiso ito para sa mga bading?  Ang "Talento" ay mapapanood lang sa Extra Challenge simula noong June 14 hanggang 24, dito lang sa GMA.

DIANA ZUBIRI

DITO

ETHEL BOOBA

EXTRA CHALLENGE

PINOY

SILA

TALENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with