^

PSN Showbiz

Iza Calzado, crush na crush si Piolo

RATED A - Aster Amoyo -
Naging matagumpay ang Manila Fashion Festival 2004 na ginanap sa NBC Tent sa Fort Bonifacio sa Taguig nung nakaraang Huwebes ng gabi kung saan ang mga bagong fashion collection ng iba’t ibang brands ng kasuotan tulad ng Pink and Bluesoda, U2 ng Cinderella, Bayo, Freeway, Tweeds at iba pa ang ipinakita. Magkakahiwalay na nag-host sina Tim Yap, Regine Tolentino, Cindy Kurleto, MYX VJ Mark San Diego at ang isa sa mga image models ng Pink Soda na si Bianca Gonzales.

Inaasahan namin na rarampa sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad at Rafael Rosell bilang image models ng Pink and Bluesoda kasama ang ibang mga modelo pero hindi namin sila namataan doon. Pero may ilang celebrities kaming nakita sa audience tulad nina Ciara Sotto, Iza Calzado, RJ Ledesma at iba pa.
* * *
Paiba-iba na ngayon ang magiging co-host ni Junie Lee (Michael V.) sa kanyang sinusubaybayang musical-talk show na  Celebrity Turns na napapanood sa GMA-7 tuwing Sabado ng gabi.  Tulad nung nakaraang Sabado, muling makakasama ni Junie Lee sina Randy Santiago at Toni Gonzaga kung saan espesyal ding mga panauhin ang mga bida-kontrabida pair na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes (Mara Clara) at sina Karylle at Tin Arnaldo (ng Twin Hearts).  Makikipagtagisan din si Junie Lee sa Concert King na si Martin Nievera. Makakasama rin sa programa ang mga award-winning actresses na sina Elizabeth Oropesa, Cherrie Pie Picache at Alessandra de Rossi na magpapakitang gilas sa kakaibang challenge sa kanilang "There you have it" portion at makakahanap naman si Junie Lee ng award-winning director na si Joel Lamangan.  Guest din ngayong Sabado ang Rivermaya.
* * *
Hindi ikinakaila ni Iza Calzado na matagal na niyang crush si Piolo Pascual na nag-umpisa nung PJ Pascual pa ito sa That’s Entertainment noon ni Kuya Germs. Parang dream come true ang nangyari kay Iza nang makatrabaho niya si Piolo sa Milan.

"Although wala kaming gaanong eksena ni Piolo sa Milan, masaya na rin ako dahil nakasama ko siya sa movie. Sana magkasama kaming muli sa movie na ako ang kanyang kapareha," asam ng magandang dalaga ni Lito Calzado.

Bukod kay Piolo, gusto rin niyang makatrabaho sina Jericho Rosales, Aga Muhlach, Richard Gomez, John Lloyd Cruz at Dingdong Dantes.

Dahil inagaw ng showbiz si Iza, pansamantala siyang tumigil ng kanyang pag-aaral ng Fine Arts sa UST kung saan ay nasa 3rd year irregular siya.

Aminado si Iza sa malaking break sa kanya nang siya’y mapasama sa teleseryeng Kung Mawawala Ka kung saan niya unang nakatrabaho ang premyadong director na si Joel Lamangan.  Second time bale niyang nakatrabaho si Direk Joel sa Sabel na pinangungunahan ni Judy Ann Santos at siyang official entry ng Regal Films sa nalalapit na Manila Film Festival.   

"Isang malaking karangalan para sa akin ang makatrabaho si Direk Joel Lamangan both sa TV at pelikula," pahayag ni Iza.

Break na si Iza sa kanyang non-showbiz boyfriend na apat na taon at walong buwan niyang naging kasintahan.

"Second boyfriend ko siya pero siya ang kauna-unahang true love ko," pagtatapat pa ni Iza.

Although may pinirmahang four-picture contract si Iza sa Viva Films, pinapayagan naman siyang gumawa sa ibang movie outfit tulad ng Star Cinema at Regal Films dahil wala pa naman silang (Viva) bagong assignment para sa kanya pagkatapos niyang gawin ang Annie Batungbakal.

Kumusta na sila ng kanyang leading man sa Te Amo na si Segundo Cernadas?

"Matagal na kaming hindi nagkikita pero nagpapalitan kami ng e-mail hanggang ngayon. Ang alam ko, babalik siya rito," pag-amin pa ni Iza na unang nakilala sa pamamagitan ng isang shampoo commercial.
* * *
Kung ang StarStruck ultimate survivor na si Jennylyn Mercado ay isa nang ganap na recording artist ng GMA Records, binubuo naman ngayon ni Rainier Castillo ang kanyang debut album sa ilalim ng Universal Records na pinamumunuan ni Gng. Bella Tan.

Nininerbiyos at the same time excited si Rainier sa kanyang unang attempt na magkaroon ng album kung saan ang hitmaker na si Lito Camo ang may akda ng kanyang mga awitin sa nasabing album.

Desidido ang Universal Records na maging isang recording star si Rainier na isa ngayon sa pinakamainit among the young crop of talents matapos itong mapabilang sa final four ng StarStruck talent search.
* * *
Ibang klase rin talaga ang dating Trade Secretary at ngayo’y senator-elect Mar Roxas dahil sa lahat ng mga kandidato, siya lamang sa mga nahalal ang gumasta ng TVC (TV commercial) para pasalamatan ang publiko na bumoto sa kanya at nagluklok sa kanya bilang nangungunang senador nitong nakaraang halalan.

Inspired ngayon ang bagong senador hindi lamang dahil siya ang nanguna sa 12 bagong halal na senador kundi dahil sa kanyang lady love na si Korina Sanchez.

Marami ang umaasa na sana’y silang dalawa na ang magkatuluyan lalo pa’t 50 na si Mar and in her early 40’s naman si Korina. 
* * *
Email: <[email protected]>

vuukle comment

CENTER

IZA

IZA CALZADO

JOEL LAMANGAN

JUNIE LEE

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with