^

PSN Showbiz

StarStruck,binuhay muli ang mga fans

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Simula nung mausong muli yang mga youngstars dahil dun sa StarStruck, marami ring magandang bagay ang nangyari sa showbusiness.

Una, mukhang nabuhay na muli at sumigla ang mga fans. Dati tutulug-tulog na lang ang mga yan, dahil hindi naman tinitilian ang mga bold stars. Nang magsimula ulit yang StarStruck, ba eh nagkaroon sila ng buhay. Pero kapansin-pansin, mas sikat iyong mga lalaki.Tinitilian sina Mark Herras at Rainier Castillo. Mukhang gusto rin ng mga tao sina Joseph Dion, at saka si Christian Esteban. Yong iba pwede na rin.

Nabuhay din ang mga fan magazines na dati kundi ipagbili ay dinadangkal na lang kung hindi man kini-kilo. Ngayon binabasa na sila ulit bago ipambalot ng tinapa. Dati diretso na ang mga yon sa pagiging balutan eh.

Kung magpapatuloy ang ganyang sitwasyon, baka sakaling dumating ang isang araw na pwede na rin silang pagawin ng pelikula.

Pero ang kawawa kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon ay ang mga talent managers. Isipin mo, kung ang baguhan ay sasali sa contest, mabibigyan siya ng training.

May mapapanalunan siyang malalaking premyo,at kung mananalo may kontrata agad sila sa Channel 7 na isang milyon ang guaranteed income. Sinong magaling na manager ang makapagbibigay ng ganyan? Bakit pa kukuha ng manager ang artista? Di sumali na lang siya sa contest.

D’yan naman sa Channel 7 matitino namang kausap ang mga tao, hindi pa sila mapagsasamantalahan diyan ng mga bakla o ng mga tomboy.

Hindi makakalusot ang mga ganyan sa Channel 7. Wala pa kaming naririnig na kaso ng mga bakla o tomboy na nangyari riyan. Safe pa ang mga bata sa contest. Eh kung kukunin sila ng isang manager, hindi sila nakakasiguro.

Tingnan nga ninyo yong isang talent manager, nakulong na dahil sa pagbubugaw.
* * *
Tanong sa amin ng aming kaibigang si Alfie Lorenzo, bakit daw parang hindi na kami galit ngayon sa mga film pirates? Naka-enumerate pa raw dito sa column namin sa Pilipino Star kung anong mga titles ang inilabas ng mga pirata.

Aba eh hindi lang blood pressure kundi pati blood sugar ko, tumataas na sa kababanat ko sa mga film pirates na yan. Kasi nga sinasabi nila nakamamatay daw sa industriya ng pelikula.

Pero ilang dekada na rin kami nagtatatalak, panahon pa ni Ed Sazon sa VRB, hanggang ngayon wala pa ring nangyayari. Mukhang mas kabisado pa namin ang modus operandi ng mga pirata kaysa sa VRB mismo na siyang dapat mag-imbestiga ng lahat ng iyan.

Bakit pa kami magpapakunsumi kung ganoon?
* * *
Itinuro sa amin ng blind item queen na si Wendell Alvarez ang isang website, kung saan naroroon ang web page ng isang dating male bold star, naroroon pa ang kanyang picture, at hindi man sinasabi ng diretsahan, sinasabi niyang siya ay available, at naroroon pa ang paraan kung papaano siya mako-contact ng mga bakla at matronang interesado.

Sumasagot din siya sa mga ipinadadalang message na nagtatanong tungkol sa kanyang entertainment business. Nasubukan na kaya yon ni Wendell?

ALFIE LORENZO

BAKIT

CHRISTIAN ESTEBAN

DATI

ED SAZON

KUNG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with