^

PSN Showbiz

ABS CBN,isinasabong si Korina kay Mel ng GMA

- Aster Amoyo -
Mukhang last movie na ni Robin Padilla sa taong ito ang Kulimlim na dinirek ni Maryo J. delos Reyes at official entry ng Viva Films sa darating na Manila Film Festival na magsisimula ngayong Hunyo 23, dahil nakatakda siyang magtungo ng Australia para makasama at makapiling ang kanyang asawa’t mga anak sa loob ng isang taon.

Tatapusin lamang ni Robin ang kanyang tumatakbong teleserye sa ABS-CBN, ang Basta’t Kasama Kita na pinagtatambalan nila ni Judy Ann Santos at pagkatapos nito ay fly na siya sa Australia para bumawi sa kanyang pamilya na matagal na nawala sa kanya. 

"Alam kong hindi madali ang naging desisyon ko dahil pansamantala kong tatalikuran ang aking trabaho rito. Pero kinakailangan ko naman itong gawin para sa pamilya ko.  Marami na akong atraso sa pamilya ko lalo na sa mga anak ko na lumalaki ng malayo ako. Maswerte na ang dalawang beses sa isang taon na pagdalaw ko sa kanila pero ang pinakamatagal ay dalawang linggo lamang. Kung kailan nagi-enjoy na kami sa isa’t isa ay saka ko naman sila iiwan para bumalik dito dahil sa trabaho," malungkot niyang pahayag sa final presscon ng Kulimlim.

Sa pamamalagi ni Robin sa Australia ay balak niyang mag-aral doon para naman hindi siya maging alangan sa kanyang mga anak na lahat English-speaking.

Pero bago tumulak patungong Australia si Binoe (Robin), masaya siya dahil nakagawa siya ng isang pelikula tulad ng Kulimlim na kaya niyang ipagmalaki hindi lamang dahil ito’y kalahok sa Manila Film Festival kundi dahil napakaganda ng proyekto na dinirek ng nirerespeto niyang director, si Direk Maryo J. delos Reyes na first time niya nakatrabaho.

"Ibinuhos ko ang lahat ng makakaya ko sa pelikulang ito sa tulong na rin ni Direk Maryo J.," pagmamalaki pa ni Robin.

Ini-expect ba niyang makapag-uwi ng Best Actor trophy sa gabi ng parangal ng MFF?

"Kahit naman sinong aktor ay nangangarap na makapag-uwi ng tropeo pero ayokong mag-expect. Basta ang masasabi ko lamang, ginawa ko ang magagawa ko para mabigyan ng hustisya ang role ko sa pelikulang ito," pahayag pa ng actor.
* * *
Kung may rape scene si Judy Ann Santos sa MFF entry ng Regal Films na Sabel, may rape scene din si Tanya Garcia sa MFF entry ng Viva Films, ang Kulimlim bilang katambal ni Robin.

Parehong  sweet ang image nina Juday at Tanya pero sa kauna-unahang pagkakataon ay pareho silang ‘bumigay’ sa rape scene dahil ito’y hinihingi ng istorya.  Isa rin itong indikasyon na pareho nang handa ang dalawa sa mas mature at mas daring na papel na lalong magpapakita sa kanilang galing sa pag-arte.

Kung dati’y pang-dekorasyon lang halos si Tanya sa mga pelikulang kanyang sinasalihan, dito sa Kulimlim ay ibang Tanya Garcia ang bubulaga sa mga manonood na naging malaking hamon sa kanya lalo pa’t iniintriga siya noon na hindi umano siya marunong umarte.

Kumustang katrabaho si Binoe?   

"Ngayon ko nauunawaan kung bakit nai-inlove sa kanya ang kanyang mga nakakapareha dahil super maasikaso talaga siya.  Kahit hindi siya kailangan sa set, nandu’n siya para sumuporta," pag-amin pa ni Tanya.
* * *
First time naming napanood ang Rated K: Handa Na Ba Kayo? ni Korina Sanchez nung nakaraang linggo and we find her new program very interesting.   

Slot ng Sharon ang inokupahan ng Rated K ni Korina kaya direkta sila ngayon na magkalaban ni Mel Tiangco ng Partners.

 Ke intentional o hindi, may suspetsa ang marami na sina Korina at Mel talaga ang pinagsasabong sa ere.  Magkatapat ang kanilang daily news program na TV Patrol at 24 Oras at magkatapat din sila ngayon sa kanilang once-a-week respective programs.

Kung ang dating magkapamilya ay magkatunggali ngayon sa telebisyon, natitiyak namin na hindi silang dalawa (Mel at Korina) ang may kagustuhan nito kundi ang respective management ng network na kanilang pinaglilingkuran.
* * *
<[email protected]>

DAHIL

JUDY ANN SANTOS

KORINA

KULIMLIM

MANILA FILM FESTIVAL

MARYO J

RATED K

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with