Drew Arellano,bading ?
June 18, 2004 | 12:00am
Nagulat pa si Drew Arellano na pormal na humarap sa ilang piling myembro ng entertainment press para ianunsyo ang pagkakapili sa kanya para makasama sa pang-umagang programa ng GMA 7 na Unang Hirit nang walang gatol siyang tanungin ng isa sa mga kumakausap sa kanya kung bakla o bading ba raw siya. Nagtataka kasi sila na sa gulang niya (nasa mid-20s ba siya?), guwapo, popular at may magandang hanapbuhay at may matagumpay na negosyo ay ni walang girlfriend at walang nababalitaang may nililigawan sa showbiz.
Natawa lamang si Drew at sabay sabi na sigurado siya sa kanyang kasarian at kung wala man siyang girlfriend ngayon, ito ay sa dahilang lubhang nakatuon ang kanyang pansin sa kanyang mabilis na umuusad na showbiz career. Katunayan, may bagong assignment sa kanya ang GMA. Kasama na siya sa Unang Hirit bilang isang traveling host. Makikita nyo siya sa ibat ibang mga lugar sa bansa, at maging sa Kamaynilaan, sa mga lugar na may makikita kayong kapana-panabik.
Hindi lamang naman si Drew ang pagbabagong makikita sa Unang Hirit. May pabulosa itong set ngayon, mga bagong segments, exciting new portions at bagong additions, bukod syempre sa mga pinaka-bagong balita at updates ng mga balita sa bansa at maging sa mga karatig na bansa.
Going back to Drew, sinabi niyang mahilig siya sa sports, sa larong basketball at badminton. Mahilig din siya dati sa billiards kaya nga ito ang pinasok niyang negosyo kasama ang isang kaibigan. Nasa import- export siya ng mga billiard sticks.
Sabi niya, gusto niya ng mga babaeng athletic, yung may sense of humor, may respeto sa pamilya nilang dalawa at maganda.
Una niyang tinitingnan sa babae ang boobs nito pero sinabi niyang hindi siya mahilig sa mga malalaking boobs.
Mapapanood ang Unang Hirit, weekdays, 5:30 NU sa GMA.
Magdiriwang ng Fathers Day ang programang Sing-Galing, Sabado, 9:00 NG, ABC 5. Tatlong mga kilalang personalidad ang maglalaban-laban sa Trio-Oke
Showdown para tanghaling Videoke Dad, ang news anchor na si John Susi, Atty. Mike Toledo at ABC HRD Director na si Hans Montenegro.
Ngayong Sabado rin ay susuriin ng programang Imbestigador ang kalidad at kahinaan ng Philippine National Police, isang marangal pero peligrosong gawain.
Iba ang imahe ng mga pulis sa mga mamamayan. Pangongotong, katiwalian, katamaran, kakuparan sa pagkilos. Ito ang tingin ng lahat sa mga taong bumubuo ng PNP. Mahigit 100,000 katao ang bumubuo ng pwersang ito. Dalawang porsyento raw nito ay may ginagawang kalokohan.
Dalawang episodes ang ilalaan ng Imbestigador na host si Mike Enriquez para sa masalimuot na pag-aaral ng mga problema ng pulisya. Ngayong Sabado, 8:00 NG, ilalarawan ang mahirap na pinagdadaanan bago maging pulis, ang training sa PNA at ilang kaso ng paglabag ng pulisya sa karapatang pantao.
Ginawan ni Wency Cornejo si Mark Bautista ng isang awitin na pinamagatang "Akoy Maghihintay." Nakapaloob ito sa kanyang self-titled album na inilabas ng Viva Records at ginawang single. Ka-duet ni Mark sa nasabing awitin si Sarah Geronimo. Ikalawa nilang pagduduweto ito matapos ang matagumpay na "Broken Vow".
Sa kabila ng tila tutol si Sarah sa gawin silang isang loveteam ng kanyang runner-up sa Star For A Night, tila dito nagtutuloy ang kanilang madalas na pagtatambal. Araw araw silang napapanood sa Sarah The Teen Princess. Magkasama rin sila sa isang komersyal ng Jollibee. Guest din si Mark ni Sarah sa Night of the Champions concert sa Araneta Coliseum.
Natawa lamang si Drew at sabay sabi na sigurado siya sa kanyang kasarian at kung wala man siyang girlfriend ngayon, ito ay sa dahilang lubhang nakatuon ang kanyang pansin sa kanyang mabilis na umuusad na showbiz career. Katunayan, may bagong assignment sa kanya ang GMA. Kasama na siya sa Unang Hirit bilang isang traveling host. Makikita nyo siya sa ibat ibang mga lugar sa bansa, at maging sa Kamaynilaan, sa mga lugar na may makikita kayong kapana-panabik.
Hindi lamang naman si Drew ang pagbabagong makikita sa Unang Hirit. May pabulosa itong set ngayon, mga bagong segments, exciting new portions at bagong additions, bukod syempre sa mga pinaka-bagong balita at updates ng mga balita sa bansa at maging sa mga karatig na bansa.
Going back to Drew, sinabi niyang mahilig siya sa sports, sa larong basketball at badminton. Mahilig din siya dati sa billiards kaya nga ito ang pinasok niyang negosyo kasama ang isang kaibigan. Nasa import- export siya ng mga billiard sticks.
Sabi niya, gusto niya ng mga babaeng athletic, yung may sense of humor, may respeto sa pamilya nilang dalawa at maganda.
Una niyang tinitingnan sa babae ang boobs nito pero sinabi niyang hindi siya mahilig sa mga malalaking boobs.
Mapapanood ang Unang Hirit, weekdays, 5:30 NU sa GMA.
Showdown para tanghaling Videoke Dad, ang news anchor na si John Susi, Atty. Mike Toledo at ABC HRD Director na si Hans Montenegro.
Iba ang imahe ng mga pulis sa mga mamamayan. Pangongotong, katiwalian, katamaran, kakuparan sa pagkilos. Ito ang tingin ng lahat sa mga taong bumubuo ng PNP. Mahigit 100,000 katao ang bumubuo ng pwersang ito. Dalawang porsyento raw nito ay may ginagawang kalokohan.
Dalawang episodes ang ilalaan ng Imbestigador na host si Mike Enriquez para sa masalimuot na pag-aaral ng mga problema ng pulisya. Ngayong Sabado, 8:00 NG, ilalarawan ang mahirap na pinagdadaanan bago maging pulis, ang training sa PNA at ilang kaso ng paglabag ng pulisya sa karapatang pantao.
Sa kabila ng tila tutol si Sarah sa gawin silang isang loveteam ng kanyang runner-up sa Star For A Night, tila dito nagtutuloy ang kanilang madalas na pagtatambal. Araw araw silang napapanood sa Sarah The Teen Princess. Magkasama rin sila sa isang komersyal ng Jollibee. Guest din si Mark ni Sarah sa Night of the Champions concert sa Araneta Coliseum.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended