^

PSN Showbiz

Hindi pa sikat si Piolo,crush na siya ni Iza

- Veronica R. Samio -
Hindi ipinagkakaila ni Iza Calzado na isa sa malalaking pangarap niya ay makapareha sa isang pelikula si Piolo Pascual. Nagkasama na sila sa Milan, bilang asawa na hinahanap ni Piolo, umabot ang paghahanap nito hanggang sa Milan, Italy.

"Maikli lang pero, napakaganda ng role ko sa nasabing movie. Isang magdamagan nga lamang ang naging shooting ko pero, hindi ipinakiusap sa akin ang Dad ko nang pumasyal ito sa set dahil baka raw mawala ang concentration ko. Agree naman ako na baka kapag nakita ko ang Dad ko ay hindi ganun naging ka-effective ang performance ko," pagkukwento ni Iza sa presscon ng kanyang third movie, ang Sabel ng Regal Entertainment na kung saan ay ka-love triangle niya sina Judy Ann Santos at Wendell Ramos.

Tumataba ang puso ni Iza kapag sinasabing, tatatlo pa lamang ang kanyang movies pero, lahat naman ay nagmarka ang kanyang mga roles. "Dito, I would have loved to play Sunshine Dizon’s role, yung role ng isang lesbiana although I doubt kung papayag akong ipaputol itong hair ko," sabi niyang sabay halik sa kanyang buhok.

Going back to Piolo, sinabi ni Iza na in love siya sa mga mata nito. "Hindi lamang naman ngayon. Nun pang PJ Pascual pa lamang siya at wala pang pumapansin. Dun sila madalas mag-rehearse sa studio ng Dad ko para sa That’s Entertainment kaya napansin ko na siya . Si Sunshine din.

"Kaya lang may problema ako sa height ko. Hindi pang-Pinoy ang height ko, pati ang bulas ng katawan ko kaya madalas, naalangan ang mga kapareha kong lalaki. No problem kay Segundo Cernadas dahil foreigner ito, kaya may height."

Para sa kanyang role, sinabi ni Direk Joel Lamangan na nagbigay ang tatlo niyang female stars, at si Wendell, ng di malilimutang performances sa Sabel.
* * *
Para hindi naman mapag-iwanan sa labanan ng networks, mas bonggang UNTV Channel 37 ang ihahandog sa madla sa pamamagitan ng makukulay at mas balanseng palatuntunan, mula public affairs, kalusugan, relihiyon, drama, komedya, showbiz, musical hanggang negosyo.

Ito ang layunin ng
Tapatan, Inc. ang kumpanya na nangangasiwa sa UNTV.

Ayon sa pinuno ng Tapatan,. Inc. na si
Jay Sonza, layon ng UNTV na makapag-handog ng de-kalidad na pagpoprograma.

Simula nung Hunyo 14, napanood na sa
Channel 37, ang mga batikang broadcaster na si Cito Beltran sa kanyang Straight From The Shoulder, ang traffic girl na si Aida Gonzales sa kanyang travelogue na Trip Ko ‘To, ang peryodistang pampelikula na si Boy Villasanta sa kanyang mga sariwa at makakatas na balitang showbiz sa Barangay Showbiz, ang matapang na mamamahayag na si Ben Tulfo sa Bitag, ang pastor na si Eli Soriano sa Ang Dating Daan at marami pang iba. Ibinabalik din ni Sonza ang kanyang makabuluhang Tapatan.

Nagkaroon ng makulay na pasinaya nung June 7 sa Grasis sa Rockwell ang UNTV Channel 37.
* * *
Napanood ko kagabi yung mga kaganapan sa Senado tungkol sa ginaganap na canvassing. Iniiwasan ko na ngang manood dahil naiinis lamang ako sa mga pinaggagawa ng mga ibinoto nating mga opisyal ng bayan. Tutal naman natalo ang ibinoto kong pangulo at wala naman akong naririnig na pagtutol sa kanya sa pagkakatalo niya. Hihintayin ko na lang sana ang pag-upo ng nanalo, para masimulan na ang paglutas sa mga problema ng bansa. Pero, habang nagaganap ang kaguluhang tulad ng napanood ko kagabi, hinding- hindi makapagsisimula sa pagbangon ang ating bansa. Naiinip ako dahil mabilis magsilaki ang mga bata. Baka ang mga anak ko, apo at kaanak ko ay manatili na lamang sa ganitong kapaligiran. Ayaw ko rin naman, at ayaw nila kung may magagawang paraan na pumunta ng abroad para dun magtrabaho.

Sa nakita ko kagabi, parang nawawalan na ako ng pag-asa. Ang yayabang ng ating mga pulitiko. Parang nakalimutan na nila na tayo ang naglagay sa kanila dun. Hindi ko alam kung nagyayabangan lamang sila o talaga lamang ganun sila ka-arogante sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Sa tagal ng kinakaing oras ng kanilang ginagawang pagdi-debate, worried ako na baka wala na silang magawang trabahong iba. Magampanan pa kaya nila ang talagang mga trabaho nilang bilang mga senador at kongresista? Kung baga sa taksi, tumatakbo ang metro. Sayang ang ipinangsusweldo natin sa kanila.

Mali nga ba at sobra ang hiling ng oposisyon na buksan na ang ballot boxes para magka-alam alam? Mahirap ba itong pagbigyan? Tutal nakapag-aksaya na ng mahabang oras, sa kung anu-ano mga bagay, bakit hindi pa buksan ang mga lalagyan ng balota? Baka nga naman makita nating di nagta-tally yung mga boto sa loob sa mga certificates sa labas. Kawawa naman si FPJ. Kung mag-tally naman, siguro naman wala nang mahihiling pa ang mga tumututol. At makasisiguro na tayo na wala ngang nangyaring dayaan, na di nasayang ang ating ginawang pagboto makakaupo ang talagang panalo! Makakatulog na tayo ng mahimbing. Hindi naman undemocratic ang hiling, di ba? At demokratiko ang ating bansa!

AIDA GONZALES

ANG DATING DAAN

IZA

KANYANG

LAMANG

NAMAN

TAPATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with