Ramon Revilla, iiwanan na ang pelikula at pulitika
June 14, 2004 | 12:00am
Akala namiy na-miss lang ni Senator Ramon Revilla ang showbiz, lalo na ang paggawa ng pelikula kaya siya naroon sa last shooting day ng pelikulang Anak Ka Ng Tatay Mo! ng Magsaysay Films na pinangunahan ng kanyang anak na si Ram Revilla at prodyus ng mother nitong naging girlfriend ng senador. Mayroon siguro siyang ispesyal na papel sa pelikulang idinirek ni Edd Palmos?
"Hindi... wala!" nanginingiting sabi ni Mang Ramon. "Hindi ko naman nami-miss ang showbiz. After all these years ba namang pagiging artista ko? Gusto ko lang suportahan ang anak ko." At hindi pala siya napilit na lumabas sa pelikula kahit isang eksena lang dahil ang katwiran ng aktor, "Hayaan na lang natin sa mga bata yan. At talagang wala naman akong role kaya bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko?"
Kung siya raw ang masusunod ay gusto na niyang kalimutan muna ang showbiz, lalo na ang pelikula. Kung paanong gusto na rin niyang magpahinga sa pulitika. Ilang taon din siyang nanungkulan bilang senador. "Andyan na naman si Bong. Pabayaan na lang sa kanya ang pagiging senador."
Nakasentro raw ang kanyang panahon sa pag-aalaga sa kanyang mga anak at pamilya. "Tulad nitong si Ram. Hindi ko naman mapigilan ang hilig niya sa pag-aartista. At may pakiramdam akong magiging isang pulitiko rin siya pagdating ng araw.
Magpapakasarap na lang daw siya sa buhay. "Pero patuloy ang pagiging public servant ko at ang aking public service." Sa katunayan, isinusulong pa rin ng dating aktor-pulitiko ang pagtulong niya sa mamamayang maysakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagpapa-ospital at pagbili ng gamot. Hindi lang daw ito para sa mga taga-showbiz kundi sa mga nangangailangan talaga.
Hindi pa masabi ni Mang Ramon kung ano ang masasabi niya sa pinakabagong aktor ng kayang pamilya, si Ram. Papanoorin daw muna niya ang rushes ng pelikula at maaasahan daw nating pupunahin niya kung nararapat at pupurihin naman, kung kinakailangan. "Pero hindi ako magiging bias. Kahit naman noon kay Bong, hindi lang bilang indibidwal ang sinasagot ko sa kanya kundi lalo na ang pagiging artista."
Naitanong namin kay Mang Ramon kung bakit puro ang anak na lalaki lang yata niya ang pumapasok sa showbiz? Bukod kay Bong at Ram, artista na rin ang mga apo niya kay Bong. Pinipigilan ba niya ang mga anak na babae? O "natatakot" ba siyang maging bahagi ng showbiz ang mga iyon? Si Princess Revilla lamang ang sumubok na mag-artista pero madali ring nag-quit.
"Bakit ko naman sila pipigilan? At bakit naman ako matatakot?" natatawang sabi ng aktor. "Basta kung ano ang gusto nila, sila naman ang nasusunod." Naging prodyuser din ang dalawang anak ni Mang Ramon, sina Marlon at Jose Bautista.
Ikinatutuwa naman ni Ramon ang pag-aartista ni Ram. "Isang bagay lang ang hiniling ko sa kanya: tapusin ang kanyang pag-aaral. Iba na siyempre yung may natapos ka, sabi ko nga sa kanya, dahil pag nagsawa agad siya sa showbiz, may fall back siya." Boy C. De Guia

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended