Valerie,bawal magpa-sexy !
June 13, 2004 | 12:00am
Higit pa sa pagkakaron ng malaking potensyal na sumikat ng mabilis kung sakaling papasukin niya ang genre na bold movies, marami ang nagsasabi kay Valerie Concepcion na bagay na bagay siyang maging isang beauty queen. Na kung babalakin niyang sumali sa mga prestihiyosong beauty contests na pinagkakaguluhan dito sa atin, sigurado na ang panalo niya. Unang-una na, may height siya, marunong magsalita, may katalinuhang taglay at, ang pinaka-mahalaga, maganda siya at may magandang imahe. Sa lahat ng ito, negatibong lahat ng sagot ng kabataang artista (16 years old lamang siya) na mapapanood na naman sa bagong kwelanovela ng GMA7 na isang konsepto ni Regine Velasquez na pinamagatang Marinara at nagtatampok kay Rufa Mae Quinto.
"Beauty contests? Marami nang nagsasabi sa akin pero, di pa pumasok sa ulo ko na sumali. Siguro, dahilan sa masaya naman ako sa trabaho ko at maraming projects na dumarating," sabi ng nagbabalak na pumasok sa isang regular na school at kumuha ng kursong Business Management sa Ceu na kung saan ay isang alumna ang kanyang ina.
"Yung paglabas ng sexy, naku, di papayag ang dad ko. Baka, kapag wala na ako sa Click at mature na ako, baka pero, mas malamang pa rin na hindi," dagdag pa ni Valerie. Na pinagaagawan din ng maraming manliligaw.
May bago na namang outlet ang Dunkin Donuts na binuksan sa Imus, Cavite kamakailan. Nagmistulang isang malaking pistahan ang main outlet na matatagpuan sa Aguinaldo Highway. Pinamunuan ng may-ari ng outlet na si Ms. Nilda Ramos kasama si Cavite Gov. Erineo Maliksi ang formal blessing na nagkaroon din ng motorcade na umikot ng Imus para lamang ibando ang pagbubukas ng bagong outlet habang ang mga mascots na sina Star Baker, Strawberry, Honey at Munchy ay nagbibigay ng mga libreng donuts sa mga kabataan.
Nagkaroon ng ikalawang motorcade na dinaluhan nina John Estrada at ang mga Viva Hot Babes.
Sa hapon nagkaroon ng game show na ang host ay si Carlo Orosa. Dito ay kumanta sina Rachelle Ann Go at Christian Bautista at nagsayaw ang Viva Hot Babes.
Ang 16th Aliw Awards Night ay magaganap sa Agosto 6 sa grand ballroom ng Philippine Plaza Hotel.
Top award ay ang Entertainer of the Year na hawak ngayon ni Ogie Alcasid. Ilan na sa mga nanalo nito ay sina Pilita Corrales, Rico J. Puno, Celeste Legaspi, Nonoy Zuñiga, Kuh Ledesma, Basil Valdez, Bert Marcelo, Gary Valenciano (2X), Martin Nievera (3X) Tessie Tomas at Lani Misalucha. Ang kategoryang ito ay pinipili ng mga hurado mula sa mga nanalo sa ibat ibang kategorya. Ginagawang basehan ay ang mga live performances ng mga nominado mula Hunyo 1 hanggang Mayo 31 ng sumunod na taon.
Naghahanap na ng mga magiging nominado ang 2004 Aliw Awards para sa taong ito. Mangyaring ipadala ang inyong nominasyon sa Aliw Awards Foundation, 3rd Flr., National Press Club Building, Magallanes Drive, Intramuros Manila. O tumawag sa 5218078.
Ang Aliw Awards Foundation, Inc. ay pinamumunuan ni Charo Garcia Yu.
Sure ako na susugurin na naman ng dumarami pang tagahanga ni JayR ang kanyang libreng palabas sa Glorietta Makati Activity Center ngayong araw na ito. JayR will perform songs from his newly released repackaged "Gameface" album from Universal Records.
Ang bagong edisyon ng album na isa nang gold ay nagtatampok sa bagong hit na "Kung Mahal Mo Siya" at ang remix version ng "Throw Your Hands In The Air".
JayR will sign autographs after the show na tatampukan din ni Arnee Hidalgo.
"Beauty contests? Marami nang nagsasabi sa akin pero, di pa pumasok sa ulo ko na sumali. Siguro, dahilan sa masaya naman ako sa trabaho ko at maraming projects na dumarating," sabi ng nagbabalak na pumasok sa isang regular na school at kumuha ng kursong Business Management sa Ceu na kung saan ay isang alumna ang kanyang ina.
"Yung paglabas ng sexy, naku, di papayag ang dad ko. Baka, kapag wala na ako sa Click at mature na ako, baka pero, mas malamang pa rin na hindi," dagdag pa ni Valerie. Na pinagaagawan din ng maraming manliligaw.
Nagkaroon ng ikalawang motorcade na dinaluhan nina John Estrada at ang mga Viva Hot Babes.
Sa hapon nagkaroon ng game show na ang host ay si Carlo Orosa. Dito ay kumanta sina Rachelle Ann Go at Christian Bautista at nagsayaw ang Viva Hot Babes.
Top award ay ang Entertainer of the Year na hawak ngayon ni Ogie Alcasid. Ilan na sa mga nanalo nito ay sina Pilita Corrales, Rico J. Puno, Celeste Legaspi, Nonoy Zuñiga, Kuh Ledesma, Basil Valdez, Bert Marcelo, Gary Valenciano (2X), Martin Nievera (3X) Tessie Tomas at Lani Misalucha. Ang kategoryang ito ay pinipili ng mga hurado mula sa mga nanalo sa ibat ibang kategorya. Ginagawang basehan ay ang mga live performances ng mga nominado mula Hunyo 1 hanggang Mayo 31 ng sumunod na taon.
Naghahanap na ng mga magiging nominado ang 2004 Aliw Awards para sa taong ito. Mangyaring ipadala ang inyong nominasyon sa Aliw Awards Foundation, 3rd Flr., National Press Club Building, Magallanes Drive, Intramuros Manila. O tumawag sa 5218078.
Ang Aliw Awards Foundation, Inc. ay pinamumunuan ni Charo Garcia Yu.
Ang bagong edisyon ng album na isa nang gold ay nagtatampok sa bagong hit na "Kung Mahal Mo Siya" at ang remix version ng "Throw Your Hands In The Air".
JayR will sign autographs after the show na tatampukan din ni Arnee Hidalgo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended