^

PSN Showbiz

Nora,Judy Ann head-on-collision sa best actress

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Ngayon pa lang ay malakas na ang ugong sa bagong pelikula ni Robin Padilla na Kulimlim para sa nalalapit na Metro Film Fest.

Marami ang nagsasabi na mukhang makakasungkit na ng acting award ngayon si Robin. Mahusay daw kasi ang pagkakalarawan nito sa apat na role na kanyang ginagampanan. Ganun na lamang ang pasasalamat ng aktor kay Direk Maryo delos Reyes sa mabusisi at mahusay na paggabay nito sa mga komplikado niyang role sa nasabing pelikula. Ayon pa rin sa aktor ay sumaludo siya sa kanyang direktor dahil talaga raw na napiga siya ng husto sa kanilang movie. Sana nga’y manalo si Binoe ng best actor sa nalalapit na award na inaasam ng kahit sino’ng artista.
* * *
Speaking of MFF, kinakabahan na raw si Judy Ann Santos hindi lang sa entry movie niyang Sabel, kundi higit sa lahat ay kay Ms. Nora Aunor na may pelikula rin sa MFF na Naglalayag.

Sa pag-atras ng pelikulang Bridal Shower ay silang dalawa na lang ang naiwang maglalaban sa best actress.

Magandang abangan natin ang mahigpit na pagtatapat ng dalawa. Parehong walang tulak kabigin at hindi matatawaran ang dalawang aktres pagdating sa acting. Pagpapatunay ni Guy ay ang napakaraming beses nitong pagtanggap ng best actress trophies sa iba’t ibang award giving bodies. At kapag nagkataon naman ay ito ang  magiging first best actress award ni Juday.

Nakikinita ko na rin ang pagsasagupan ng kani-kanilang fans. Alam naman natin na kadalasan ay mas mahigpit ang pag-aaway ng mga fans kesa sa mga artista. Kaya ngayon palang ay pakiusap sa dadalo o manonood na fans sa Gabi ng Parangal na magbigay sila respeto sa nasabing affair. Sana pairalin po natin ang self-disipline para maging maganda at marinig natin ng maayos ang programa. Kung paanong sport ang ating mga iniidolo sana ganito rin tayong mga fans.
* * *
Matagal-tagal na rin ang pagtatrabaho ni Giselle Toengi sa Amerika. Nagpunta siya roon sa kagustuhan na maka-penetrate sa Hollywood. Pero hanggang ngayon ay hirap pa rin siya dahil maraming nasa waiting list sa America na tulad ni G. Toengi ay naghahangad na makilala sa ibang bansa.
* * *
Gumaganda ang career ng Mr. Pogi winner na si Paolo Balesteros na araw-araw ding napapanood sa Eat Bulaga ng GMA 7.

Minsan ko siyang pinakanta sa Mastershowman at doon lang nalaman ni Malou Choa Fagar, producer ng Eat Bulaga na marunong palang kumanta si Paolo. Mula noon ay ay nabibigyan na siya ng chance na kumanta kasama ang iba pang grupo.

Katulad ng ibang artist ay malaking asset din si Paolo sa ating movie industry. Kaya keep up the good work Paolo, hwag kang  mahiyang ipamalas ang mga natatago mo pang talento.

BRIDAL SHOWER

EAT BULAGA

GISELLE TOENGI

JUDY ANN SANTOS

KAYA

MALOU CHOA FAGAR

METRO FILM FEST

MR. POGI

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with