^

PSN Showbiz

Misis ni Anjo,mahilig manugod ng babaeng nali-link sa asawa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -


May kissing scene sina Aiai delas Alas at Diether Ocampo sa Volta pero, sabi ng TV host-comedian, konti lang at hindi todo ang halikan nila ng actor. Sa tanong kung sino kina Diether at Carlos Agassi ang masarap kahalikan, "tingin ko si Eddie Gil," ang isinagot ni Aiai.

Kasama sa pelikula si Eddie Gil as himself at nakakatuwa ang kwento sa kanya ni Aiai. Tingin daw niya rito’y hindi alam ang nangyayari’t go with the flow ang drama nito.

"Naluray ako nang magkita kami sa shooting ng Volta. Sabi ba naman nang makita ako, ikaw na naman? Gusto kong sabihin sa kanyang pelikula ko ito, bida ako rito at guest ka lang. Hindi niya na-comprehend ‘yun. Sa taping naman ng Tanging Ina, lumapit sa akin at basahin ko raw sa kanya ang script niya. Itinuro ko siya sa staff, doon siya kamo magpabasa ng script at tumalikod na ako. Nang tingnan ko siya, binabasa na sa kanya ang kanyang script. Isip niya, presidential candidate pa rin siya, hindi niya alam ang nangyayari sa buhay niya. Nakakaloka!" natatawang kwento ni Aiai sa experience niya kay Eddie Gil.

Pinahirapan si Aiai sa mga eksena niya sa pelikula lalo na ‘yung naka-harness siya. Iyong eksenang nakabitin siya 25 feet ay siya mismo ang gumawa’t ‘yung double ay nahilo. Para hindi masayang ang oras, nag-volunteer itong siya na lang ang gagawa.

Samantala, parang wala nang balak lumipat ng bahay si Aiai at kung lilipat man sila’y baka next year na. Umalis na sina Mystica sa bahay nito kaya’t wala na siyang kapitbahay na kaaway. Hindi alam ni Aiai kung saan lumipat sina Mystica at ang pamilya nito’t nagising na lang siyang wala na ito sa tinitirahang subdivision.
* * *
Kasama ni Janice de Belen ang kanyang mga anak (minus Igi Boy) sa StarStruck Kids last Friday nang piliin ang F4 o Final 4. Favorite ng anak niyang si Yuan si Ella Guevarra na nakasama sa Final 4 kaya, tuwang-tuwa ang bagets.

Napakagandang tingnan na kasama ni Janice ang mga anak na malalaki na. Dalagita na at maganda ang eldest nila ni John Estrada pati ang dalawa pa niyang anak na babae.

‘Si Janice kasama ang judges pang sina Aiza Seguerra at Joey de Leon, ang GMA-7 management at viewers ang pumili kina Ella Guevarra, Sam Bumatay, Miguel Tanfelix at Kurt Perez na mapasali sa F4. More or less, alam na namin ang parehang mananalo pero, ayaw naming i-preempt ang fans ng apat. Sa June 25 na rin naman ang Grand Finals ng Kiddie search na gagawin sa AFP Theater, kaya, wait na lang kayo.

Siyanga pala, sa fans ng StarStruck Kids sa Davao, abangan n’yo sila ngayong Linggo sa SM Davao kasama si Jolina Magdangal. May motorcade ang mga bagets ng 11 a.m. at susunod ang show sa 2 p.m. Sa June 16, nasa SM Baguio naman ang F4.
* * *
Introducing sa Mano-Mano 3 Arnis… The Lost Art si Leila Kuzma. Action ang entry ng Rocketts Productions sa Manila Film Festival at bagay siyang makasama dahil 1st dan blackbelter siya sa taekwondo. Na-impress sa kanya sina Ronnie Ricketts at Monsour del Rosario kaya, hindi kami magugulat kung masundan pa ang kanyang pelikula.

Katuwaan at pang-exercise lang ang pag-enroll ni Leila sa taekwondo dahil may malapit na gym sa bahay nila sa Angeles City. Hindi nito inakalang mag-i-enjoy siya at aabot siya ng three years sa martial arts.

Lumalabas din sa Eat Bulaga si Leila at malaki ang pasasalamat nito sa pagiging considerate ni Ronnie sa kanyang schedule. Inuuna siyang kunan para hindi siya ma-late sa pagri-report sa noontime show, saka siya babalik sa shooting after the show.

Minsan na ring naintriga si Leila’t nabalitang sinugod ng misis ni Anjo Yllana dahil pinagselosan.

"Hindi sa Eat Bulaga nangyari ‘yun, sa taping ng K! The P1M Videoke Challenge. Hindi rin ako sinugod, nakita ko na lang siya sa studio. Walang confrontation pero, naramdaman kong tinitigan niya ako at may tension. Niyaya ako sa labas ng studio ni Ruby (Rodriguez). Dedma ako sa isyu dahil hindi totoo at ‘di nga ako nagpa-interview. Thankful naman ako’t walang nabago sa friendship namin ni Anjo, ganoon pa rin at nagkikita pa rin kami sa Eat Bulaga araw-araw," kwento nito.
* * *
Mahihirapan ang young actor na ito sa pakikipagtambal sa isang magandang teener dahil sa restrictions na pinaiiral ng manager ng ka-loveteam. Bawal sa manager na magpakita ng sweetness ang dalawa kahit sa harap ng fans. Sa promotion nga ng kanilang TV show, bawal silang mag-holding hands kahit gimik lang. Pinagbilinan pa ng manager ang staff na sumasama sa mga bagets na babantayan ang kilos ng dalawa.

Hindi pabor ang manager ng young actress na maka-love- team nito ang young actor dahil may iba siyang gusto na makapareha nito. Wala lang siyang nagawa dahil ang management ng network ang pumili sa young actor. Hindi aware ang young actor sa mga ka-ek-ekang restriction, basta, tuloy lang siya sa pakikipag-tambal sa ka-loveteam.

AIAI

AKO

EAT BULAGA

EDDIE GIL

ELLA GUEVARRA

LANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with